Chapter 29
Tulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Wala ba talaga silang balak na pansinin ako? Ilang araw na'kong magisa dito.
Nyemas sila pinapaiyak nanaman nila ako. Bahala nga sila, tumayo na'ko at naligo na.
Kahit ako nalang mag isa mag celebrate ng birthday ko. Birthday ko panaman ngayon tapos ginaganyan nila ako bahala sila.
Bibili ako ng cake dito nalang ako kakain sa kwarto ko bwisit sila.
Nagsuot ako darkblue na dress mas gusto ko ito kaysa sa red para maiba naman.
Inayos korin yung buhok ko tinali ko sa kalahati yung iba at kinulot yung baba nito. Kumuha ako ng gunting at Naiisipan ko na lagyan ng sidebangs.
Naglagay din ako ng verylight na makeup para maging presintable sa birthday ko.
Napatingin ako sa itsura ko ngayon sa salamin napapangiti ako na umikot ikot pa na parang baliw dahil kahit papaano ang ganda ng pagkakaayos ko at sumangayon sakin yung bangs ko.
Chineck ko uli yung phone ko kung nag chat na ba sila pero yung mga classmates kolang bumati sakin. Buti pa sila.
Inayos ko muna yung kama ko bago lumabas. Marami akong kalat na balat ng chips kagabi kaya inimis ko muna para mamaya pagbalik ko dito maayos tingnan kwarto ko.
Binuksan kona yung pinto at nagulat ako sa confetti na sumabog sa mukha ko.
" HAPPY BIRTHDAY!!!!! " sigaw nila sakin.
Tinanggal ko muna yung iilang confetti na dumikit sa mukha ko para makita ko silang buo.
Hindi agad ako makapagsalita dahil kompleto silang lahat. Si mama nandito din. Si kuya na katabi si ches.
Hawak naman ni kyle yung mga lobo. Habang sila cady at alex may mga hawak na regalo.
Inabot sakin ni zeke yung bouquet na flowers na puro blue. Wala parin ako reaction sakanila hindi parin nag si sink in sakin na ginawa nila itong lahat.
Lumapit sakin si calix na may dalang cake. Napatingin ako sakanya na nakangiti siya sakin. Nangingilid na yung luha ko dahil sakanila.
Kinantahan na nila ako ng happy birthday ng matapos na sila sa pagkanta hindi parin ako makapagsalita sakanila.
" Gago ka kasi eh! bakit moba tinutok sa mukha ni sam yung confetti!" reklamo ni kyle sakanya.
" Hindi ko kasi alam kung pano yan gamitin. Tinatry ko kasi kanina tapos saktong lumabas si sam ayan tuloy nagulat ako! " dahilan ni zach kay kyle.
" bakit hindi mo agad sinabi samin agad! " sabi ni alex na ang sama nanaman ng tingin niya kay zach.
" Sam masakit ba? " nagaalinlangan na tanong ni zach sakin.
Nakatitig lang ako sakanila, pinipigilan ko kasi yung luha ko pag nagsalita pa ako babagsak na yung luha ko.
Binitawan ni zach yung nagamit na confetti kanina at kumuha uli siya ng bago.
" ulitin nga natin, mukhang hindi nasiyahan si sam. " sabi ni zach na naguguluhan nanaman kung paano ito gamitin.
" wag na! " pigil ni zeke sakanya.
Napapikit ako dahil tumama nanaman sa mukha ko. Hindi kona napigilan na umiyak na.
" tang*na!" rinig kong mura ni kuya.
" s-sorry sorry!!! "
" ZACH!!!! " sigaw ni alex kay zach na nagtago na sa likod ni kyle.
Tinulungan naman ako ni zeke at calix na tanggalin sa mukha ko yung mga confetti.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Teen Fiction" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...