Chapter 33
Hinintay ko muna si calix na makapasok sa klase niya bago ako umuwi. Magkasabay kami ni zeke ngayon at si coleen mamaya padaw uuwi kaya nauna na kami ni zeke.
" tsk nami miss kona kayo! " sabi samin ni zach na panghapon rin. Wala kaming magawa kundi tawanan nalang siya.
" Pumasok kana ma le late kana. " sabi ko sakanya.
" Sige na nga sabay sabay tayo dinner mamaya! " sabi niya na akala monaman pwede makapasok sila sa dorm. Kinawayan nalang namin siya ni zeke.
Dumaan muna kami ni zeke sa makakainan dito, wala rin naman pagkain sa dorm dahil wala pa si alex.
Hindi naman marunong magluto si cady, bago kami umalis ni alex kanina nilutuan narin siya ni alex.
Nag launch na kami dito ni zeke. Ang hirap din maging independent minsan kasi nasanay na tayong may kasama tayo lagi na may mag aasikaso satin hays I miss my mom.
" Mahirap ba maging chef sa dorm niyo? " tanong ko kay zeke.
" Oo, Hirap pag kakaluto kopalang ubos na agad." Natawa ako sa sinabi niya parang alam kona kung sino 'to.
Wala ng iba kundi si zach ang lakas nun sa pagkain diko alam kung san niya ba nilalagay lahat ng kinakain niya, maya maya kasi yun nagugutom pero payat naman.
" Marunong naman si calix magluto." sabi ko sakanya na napagpatigil sakanya. Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi ko.
" Yeah, tinulungan niya naman ako kanina. "
Pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa mga dorm namin. Pagdating ko sa dorm namin wala parin si alex tapos si coleen.
Sa'n kaya yun pumunta si coleen? Baka kumain narin sa labas.
Magluluto nalang muna ako panigurado gutom nayun si alex pag uwi, hindi naman yun kakain sa labas lalo na at hindi niya kami kasama eh si kyle naman panghapon kaya mawawalan yun ng gana kung sa labas pa siya kakain.
Nagpalit na muna ako ng damit, nag oversize shirt ako at maikling short itong damit kasi yung komportable ako na suotin.
Inumpisahan kona magluto, Bakit ganun? Ba't ako lang yung naiiyak sa sibuyas na 'to?
Kanina pa'ko punas ng punas sa mata ko ng towel ko. Hindi naman naiyak si alex kanina nung nag hihiwa siya nito ah.
*Calix*
-kumain kana ah.
Tingin ko sa phone ko. Loko 'to nakakapag chat parin sakin kahit nagkaklase sila pero imbis na mainis ako sakanya kinilig pa'ko. Inaalala niya parin ako.
*Calix*
Me: tapos na futurehusband.
Hinalo ko muna yung manok na niluluto ko. Nilagyan konarin ng toyo at suka tyaka tinakpan na. Ang tagal naman nitong mag reply? Nahuli siguro ng prof nila.
Napatingin agad ako sa phone ko ng mag vibrate na.
*Calix*
- wag mokong pakiligin please..
Me: why? Haha.
- baka hindi ako makapigil sa sarili ko at puntahan nalang kita sa dorm mo.
Me: Sige na po. Mag focus kana diyan.
Sabi ko sakanya at hindi na siya nireplayan sakto naman dating ni alex. Luto na yung adobo.
"Taena unang pasukan palang ang dami na pinagawa samin! " mura agad ni alex sakin kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Novela Juvenil" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...