Chapter 40

24 1 0
                                    

Chapter 40

Napaubo ako na parang umiikot yung paligid ko hindi ko alam bakit ganito nangyari.

" Calix..." bulong ko sakanya. Pilit ko siyang inaabot pero hindi ko kaya, napahawak ako sa ulo kona sumasakit.

Hindi ko magalaw paa ko, ang hapdi ng noo ko. Pilit kong inaalis si zach na nakasandal sakin pero hindi ko siya matulak parang tinakasan ako ng lakas.

Lumakas ang ingay sa labas hindi ko mabalingan ng tingin yung katabi kong bintana, gusto kong hawakan si calix pero hindi ko magawa dahil sa panghihina.

" C-Calix-"


" Samantha!"  napamulat ako sa malakas na tapik ni zach sa pisnge ko. Nakatulog pala ako na nakasandal sakanya hindi ko namalayan. Sa pagod konarin 'to siguro kanina.

"Kanina kapa nagsasalita diyan, " napatingin samin si calix na nag da drive.

"Huh? " hindi ko siya maintindihan sa sinasabi niya, ako nagsasalita?  Eh natutulog ako ah. Hindi konalang siya pinansin nababaliw nanaman siguro 'to. Hindi kona maalala kung ano yung pinaniginipan ko dahil naputol ni zach nyemas.

" Oo zombie. " sabi niya at nag suot nalang ng headset niya. Bumaling nalang ako kila calix.

" Pagod kana? " tanong ko kay calix, baliw kasi mga 'to eh si calix pinag drive pauwi.

" Medyo, " maikli niyang sabi sakin.

" Palit tayo?  Ako magdrive. " Lapit ko sakanya, napatingin ako kay zeke na ang himbing ng tulog. Natawa si calix sa pag volunteer kona magdrive. Anong nakakatawa dun?  Marunong naman ako eh minsan nga natatakas ko kotse ni kuya eh.

" Wag mona balakin sam, nabangga monga kotse ni jady eh. " pagtutol ni kyle sakin na mag drive.

" See..."

Napasandal nalang ako sa upuan ko, tutol yung dalawa eh ano pa magagawa ko? Hindi konaman sinasadya na maibangga ko yung kotse ni kuya jady. Naiintindihan kodin kung bakit ayaw ako bili ni mama ng kotse kasi parang lasing ako mag drive.

Hindi konga maikot eh o ma park, oo na hindi na'ko marunong gusto kolang naman i try kasi ang cool eh lalo na pag nag da drive si kuya jady sinasama niya ako tapos bubuksan namin yung bintana para makapasok yung sariwang hangin.

Ba't parang kinakabahan ako ngayon?  Ewan ayun yung nararamdaman ko sa  mga oras na ito.

Hapon kami umalis dun sa resort at ngayon maggagabi na  sa daan. Sinulit talaga namin yung pag swimming minsan lang yun eh kaya tinodo na namin. Bibili pa sana sila kyle ng alak buti nandito si alex at sinermunan sila.

Ang saya mag swimming lalo na at kasama mo yung pinagkakatiwalaan mong mga kaibigan. Dati tamang plano lang pero hindi natutuloy, buti at natuloy na ngayon kundi kukulayan konalang yung na drawing nila zach na plano namin.

" Malapit naba tayo? " tanong ko kay calix.

" Oo, "

" Ba't gutom kana? " natatawa niyang tanong sakin. Napailing ako sakanya,  madami din ako nakain kanina ah. Ang sarap talaga magluto ni alex kaya alex ako eh pagdating sa lutuan.

Napahawak ako sa seatbelt dahil sa pag gewang ng sinasakyan namin. Kinakabahan ako na mapabaling kay calix.

Nagising naman sila zeke dahil sa nangyari.

" Anong nangyayari? " tanong ni cady na nagising din.

" H-Hinto niyo na muna.. " kinakabahan na sabi ni alex.

" Shit! "

" Bakit tol? " hindi na maiwasan ni zach na sumingit.

Napahawak kami sa mga upuan namin ng mag gewang gewang yung sinasakyan namin na van.

" Shit!!! "

"Yung gulong! Fuck! " silip ni zeke sa labas ng bintana. Sinusubakan ni calix na i preno pero hindi na ma preno.

" Lumabas na kayo! " sigaw samin ni calix. Napapailing ako na nakatingin sakanya, a-ayoko hindi ko kaya na iwan siya dito.

Bubuksan na sana ni cady yung pinto
ng napatingin kami sa harap ng marinig namin yung malakas na busina.

" FUCK-" 

Napasigaw kaming lahat dahil sa pilit na iniiwasan ni calix yung truck na makakasalubong namin pero hindi na kinayanan tumagilid yung sinasakyan namin at nabangga yung gilid ng van dahil sa malakas na impact bumaliktad yung sinasakyan na van.

Parang kinakapos ako ng hangin, ang sakit ng braso ko. Pilit kong minumulat yung mata ko sa una nag bu blurred yung tingin ko sa paligid.

Napatingin ako sa kasama kona nababalutan narin ng dugo yung mga damit nila.

" S-Sam... " rinig kong tawag sakin ni zeke na dumudugo yung noo.

Para akong namamanhid, hindi ko magalaw yung left arm ko dahil puro bubog yung braso ko.

Ramdam ko yung pagtulo ng dugo sa pisnge ko, gusto  ko lingunin sila alex pero hindi ko magawa dahil sa pagsakit ng leeg ko.

" C-Calix... " tawag ko sakanya. Pilit ko siyang Inaabot. Hindi ko matanggal yung seatbelt ko, nahihilo ako lalo na nakabaliktad kami sa pwesto namin. Sinusubukan ni zeke na tanggalin yung seatbelt niya. Nakita kong dumudugo yung gilid niya dahil sa bubog na nakuha niya sa bintana na katabi.

" Tulungan niyo!!"

  " Dalian niyo!!! "

Nagsisigawan na yung mga tao sa labas, naramdaman ko yung pag bukas ng pinto sa tabi ni cady. Maingat nilang nilabas si cady na hindi parin nagigising. Nagtutubig na yung mata ko sa nakikita ko ngayon.

Nahirapan sila sa pag kuha kay zach kaya natagalan pa bago ilabas si zach na susunod ako. Umuusok na yung paligid na nanggagaling sa sinasakyan namin.

" S-Si c-calix-" paulit ulit kong sinasabi dito sa babaeng inaayos na'ko para ipasok na sa loob ng ambulance. 

May sinasabi sakin yung babae pero hindi ko siya maintindihan, lumalabo sa pandinig ko yung mga sinasabi niya.

Sana panaginip nalang itong lahat ng nangyari ngayon, gusto kona gumising sa realidad na maayos kaming lahat na walang nasaktan samin na nakauwi kami ng maayos. Mas gusto konalang na asarin ako araw araw ni zach.

Napabaling ako sa katabi kona walang malay.

Alex...

Nararamdaman kona yung luha at dugo na dumadaloy sa pisnge ko.

" Yung isa hindi ko maramdaman yung pulso niya!! " nagaalalang sabi nung lalaki na tumulong samin kanina buhatin kami para isakay sa ambulance.

Gumuho yung mundo ko sa sinabi niya, h-hindi pwede ito.

Inalalayan ko sarili ko na tumayo kahit na nahihilo ako.

" Ma'am!  Humiga lang po kayo! " sabi nung babaeng nurse at hinawakan ako para pahigain uli.

" K-Kailangan k-ko makita p-please.. " pagmamakaawa ko sa nurse. Napailing sakin yung nurse na parang naaawa na sakin.

" Zombie girl!!!!! "

" Taenamo zach HAHAHA"

" Natutulog ako!!! "

" Ayoko na.. "

" ANG IINGAY NIYO!!! "

" I love you, My world... "

Bumibigat na yung mata ko na gusto ng pumikit, isang luhang pumatak dahil sa alaalang sumagi sa isip ko.

Sana panaginip nalang lahat ng ito...

Nang Dahil Sa NeargroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon