Chapter 24

28 2 0
                                    

Chapter 24: Alex


Kanina pa'ko napapasimangot dahil kay zach, walang ginawa kundi mangasar nitong mokong na ito.

Nandito kami sa may isang kwarto dito sa bahay para manood ng movie dahil niyaya sila ni kuya.

At ako kulang nalang ihagis ko sa bintana si zach jusko.

" taena kamukha ni sam oh!  HAHA" tawa ng tawa sila kyle dahil zombie yung pinapanood namin at nakita kodin na tumawa sila calix kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.

"whatever! " sabi ko sakanya na tawa parin ng tawa.

" ang ingayy!!!" sabi ni alex na hindi maintindihan yung nangyayari dahil panay daldal ni zach.

" oh chips. " abot samin ni kuya.

Mas pinili kong tumabi kay kuya, magkakatabi naman sila calix ni zach.

" kuya itapon mona ngayan si zach sa labas! " sabi ko dahil konti nalang.

" HAHAHAA pikunin ka girl? " sabi ni zach kaya binato ko siya ng unan.

Bumaba nalang ako at pumunta sa kusina para kumuha ng juice sa ref ayun nalang iinumin ko.

Habang nainom ako ng juice biglang may yumakap sakin.

Tiningnan ko sa gilid ko dahil ayaw ako bitawan.

"calix? " tawag ko sakanya.

"hmm? "

" gusto mo? " tanong ko sakanya na may hawak ako na juice.

" yes. " sabi niya.

" kumuha kadun sa ref. " sabi kona nakapagsimangot sakanya.

" bitaw na baka may makakita satin. " sabi ko sakanya.

" mamaya na. " sabi niya.

Napakalas kami ni calix dahil sa baso na nabasag agad kaming humarap sa direksyon nito.

"a-alex? " sabi ko. Tulala itong nakatingin samin habang may basag na baso sa harap niya.

Agad agad akong lumapit sakanya para tulungan siya mag linis.

Sinenyasan ko si calix na bumalik na siya duon sa taas na sinunod niya naman.

"alex.. " tawag ko uli sakanya pero hindi niya parin ako kinikibo. Kahit na matapos kami sa paglinis ng bubog tahimik lang siya. Kinakabahan ako sakanya. Sa nakita niya kanina.

Nandito lang kami sa kusina, kumuha ng panibagong baso si alex para uminom ng tubig.

Nakaupo lang ako dito na hinihintay siya matapos.

Pagkaharap niya sakin tumayo agad ako.

" takte kakape ko to eh haha. " sabi ni alex na tumatawa.

" alex yung nakita mo-"

" ah ayun?  Ano kaba naiintindihan konaman diba nga mag kaibigan kayo."  hindi ko alam kung pano sasabihin kay alex ito.

" kaibigan nga ba? " bulong ni alex sakin bago ako iwan dito.

Uminom uli ako ng tubig bago ako bumalik kila kuya. Naabutan ko silang tahimik kaya kinabahan nako sinabi ba ni alex?

Napatingin ako kay calix na tahimik din. Gusto kong hilain si alex para makapagusap kami pero hindi ko magawa dahil ang seryoso niya ngayon.

" hays ang pangit ng ending akala konaman maganda kaya tumahimik na'ko. " angal ni zach sa pinanood namin.

" isa pa. " sabi ni kyle ,nakahiga na yung ulo niya sa hita ni alex.

Nang Dahil Sa NeargroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon