Chapter 19
Kanina pa'ko nagiisip kung pano koba ibibigay kay calix yung mga chocolate. Napatingin ako kay zach na kumakain na ng chocolate kahit na may teacher.
"zach.. " kalabit ko sakanya.
" why? " sabi niya.
Kinuha ko yung bag ko at nilabas yung mga chocolate na nakabalot din.
" pabigay kay calix. " sabi ko.
" ikaw na tinatamad ako. " sabi niya na kumakain parin.
" sige na. " pilit ko.
" ayaw. " sabi niya na parang bata.
" sige ayaw mo? Wala ka sapatos mamaya kay kuya kala mo ah. " pananakot ko sakanya. Mahal na mahal kaya nito yung sapatos gagawin lahat. Himala nalang kung tumanggi siya sakin.
" akin na nga! " sabi niya at kinuha na napangiti ako sakanya.
Nakatingin lang ako sakanila, anong binubulong nito ni zach? Napasulyap sakin si calix at ngumiti napaiwas agad ako ng tingin lokong zach 'to ano namaman kaya sinabi?
" salamat daw. " sabi ni zach sakin na umupo na sa tabi ko. Napatango lang ako bilang sagot sakanya.
" okay so yung mga project niyo pakipasa na and group nila mendoza ang mag rereport din. " sabi ni ma'am.
Tumayo na na yung iba para ilagay yung mga project. Nakita konaman si calix na nilagay na sa harap yung project namin.
" okay so let's start. " sabi ni ma'am.
Tumayo na si zeke at si zach dahil silang dalawa yung mag re report.
" this is electric generator." panimula ni zeke. Natatawa ako sa mukha ni zach dahil parang natatae na ewan.
Pinagawa kami gamit ang mga recycle na maari namin magamit and para makagawa kami nang bagay na makakatulong din.
Pinakita samin nila zach kung pano ito gagamitin and pano gumana.
" just click this one and wait for 5seconds. " sabi ni zeke.
" And you will see a red light. " dagdag ni zach sa sinabi ni zeke.
Umikot yung cd na sinasabi nila at nagkakaroon ng ilaw.
Napalakpak ako sa gawa nila na sinabayan narin ng iba.
"goodjob. " sabi ni maam.
"Next kila soberano. " sabi ni ma'am kaya tumayo na kami ni calix nagkabanggaan pa yung balikat namin kaya nagulat ako, napausog ako ng konti sa gilid.
" ahm we make drone using Popsicle stick." umpisa ko at sinundan ni calix.
Konti lang nasabi ko at pag magsasalita ako ginabayan din ako ni calix dahil konti lang natandaan ko sa sinulat ko dahil nakatulog ako.
Sabay naming nahawakan ni calix yung drone kaya nagulat kami pareho.
Pinakita na namin kung pano gamitin yung drone.
" woah sana ol Samantha!HAHA" asar nanaman ni zach sakin kaya inirapan ko siya.
"verygood. " sabi ni maam at umupo na kami.
Tinulungan kami ni haron na iayos yung gawa namin at nilagay uli sa table ni ma'am.
Nanood pa kami sa iba naming ka group sa mga gawa nila. Hindi ako makapag focus.
" sam? " tawag sakin ni calix nung recess.
" b-baket? " sabi ko sakanya.
" pwede ba kitang makausap? " sabi ni calix sakin.
"O-Oo naman.. " sabi ko na nahihiya dahil aa nangyari samin nun.
" tara recess na! " sabi ni zach at hinila na kami.
"okay kalang? " tanong sakin ni zeke dahil hindi ako mapakali.
" oo naman.. " sabi ko nasa harap namin sila calix habang naglalakad. Naabutan namin sa canteen sila alex na nakaupo nadun. Lagi talaga sila nauuna samin.
" bagal niyo naman. " sabi ni alex na may pagkain na binili.
Nang makita ni coleen si calix agad itong lumapit sakanya tinuon konalang yung paningin ko sa tinda dito.
Nag chips nalang ako busog panaman ako eh ang dami kodin nakain sa bahay lobo na nga pisnge ko eh.
Umupo na'ko sa tabi ni zeke at nyemas ka harap kopa sila calix. Kung sa'n nalang ako tumitingin para libangin yung sarili ko minsan kakausapin ko si zeke para mawala yung awkward buti hindi napapansin nila zach kundi hindi ako titigilan nito.
" musta yung gala niyo ni calix sam? " tanong sakin ni coleen.
" a-ah okay lang naman. " sabi ko at napasulyap kay calix na nakatingin sakin,Napainom agad ako ng tubig ko.
" sayang hindi ako nakasama ang ganda panaman ng sunset dun pero next time naman dadalhin ako ni calix dun. " sabi niya na tumingin pa sa gawi ni calix.
" oo sobrang ganda dun.. " sabi ko sakanya at ngumiti.
Bumalik na kami sa room namin dahil nag ring na yung bell. Madami din samin pinasulat tapos nag papa dare nanaman si zach ako na unang tumanggi sakanya dahil alam kona kung sino mananalo samin.
" psst... " kalabit nanaman ni zach kay calix jusko kailan ba matatahimik ang isang 'to?
Hindi na'ko tumingin sakanila pinagpatuloy kolang yung pagsusulat ko.
" let's have a deal? Kj kasi yung tatlo dito eh alam na nila kung sino talaga mananalo HAHAH. " sabi ni zach kay calix.
" sige. " payag ni calix.
" game paunahan lang magsulat at pagnanalo mag de dare. " sabi ni zach na nakahanda na siya pati narin si calix. Pagkalagay ni sir ng bagong susulatin nag umpisa na sila.
Napatigil ako sa pagsusulat at nanood lang sakanila. Sus dapat hindi na siya sumali sa pakulo ni zach ang bilis kaya nito ni zach magsulat kaya ang sulat parang binagyo.
"done.. " sabi ni calix at pinakita niya kay zach na nagsusulat parin. Natulala si zach.
" N-No way.. " bulong ni zach na hindi parin makapaniwala na natalo siya.
" wala kapala eh haha. " asar ni zeke sakanya.
" n-nag shortcut ka no? " sabi ni zach habang tinitingnan yung sulat ni calix.
" no way.. " paulit ulit na sabi ni zach. Natawa naman ako dahil for the first time natalo si zach.
" okay fine. Ano ipapa dare mo sakin?"
Kunwari nagsusulat ako pero pinapakinggan ko yung pinaguusapan nila.
Wala ako marinig kaya napatingin ako sakanila binulong lang ni calix kay zach yung pa dare niya sakanya habang nakatingin sakin.
Ano nanaman kayang kalokohan gagawin ng mga ito?
Pag si zach kasama mo jusko wag kana magtaka na halos itapon mona ito sa mars.
Nangisi naman si zach sa pa dare ni calix sakanya.
" basic. " sabi ni zach na tumingin sakin na nakangiti.
"what? " masungit na tanong ko sakanya.
" wala lang HAHA. " sabi ni zach na mukhang balak nanaman na asarin ako.
" punta ako sainyo bukas may sasabihin ako sayo. " bulong sakin ni zeke.
" ano yun? " curious na sabi ko sakanya.
" bukas mona malalaman haha wag kang excited. " sabi niya na kinurot pa pisnge ko.
Tumayo na si calix at bumalik na sa upuan niya.
" napaka basic naman ng dare sakin parang hindi ako pagpapawisan dito." ulit ni zach na ngumingiti mag isa baliw na ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Fiksi Remaja" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...