Chapter 45: Paalam
" I'm sorry... "
Napangisi nalang ako dito sa upuan ko habang may pinapasulat yung prof samin. Nakalipas na ang ilang araw pero parang sariwa pa yung sinabi sakin ni calix.
Nakakasawa na marinig yung word na sorry kung paulit ulit nalang. Nandito nga ako sa school para mag-aral pero sinasakop naman ni calix isipan ko.
Pinagmamasdan kolang yung orasan dito, Nang sumakto sa 10 tumayo na'ko para lumabas. Halos naunahan kopa lumabas yung prof namin, hindi konalang pinansin yung pangtitig ng mga classmate ko sakin.
Sinabayan ako ni zeke na maglakad, pumunta kami sa canteen bumili lang ako ng sandwich.
" A-About dun-"
" May exam paba tayo mamaya? " putol ko sa sasabihin ni zeke, gusto ko muna ipahinga utak ko kahit ngayon lang.
" Wala. " napabuntong hininga siya ng makuha niyang ayaw kong pagusapan .
Konti lang ang tao dito at tahimik lang kaming kumakain. Yung iba bumibili lang tapos sa room nila kakainin.
" Zeke punta muna ako sa restroom. " paalam ko sakanya, tumango siya sakin.
Mabagal akong naglakad dito sa hallway, nabunggo pa nga ako ng ibang students dahil sa nagtatakbuhan sila. Diretso lang tingin ko. Nang makapasok na sa cubicle, napaupo nalang ako sa nakasaradong toilet. Hindi ako naiihi, nakakapagod yung araw ngayon. Nagpalipas pa'ko ng ilang oras dito sa loob bago lumabas sa cubicle at maghugas ng kamay.
Napatingin ako sa salamin habang naghuhugas ng kamay. Ano na self? Bagsak na katawan mo. Ang putla ko nadin dahil din ito sa kakapuyat ko araw araw at stress. Para tuloy akong may sakit ngayon.
May tumabi sakin at naghugas din ng kamay. Nakatingin lang ako sa kamay kona nakatutok lang sa gripo hindi ko magalaw kamay ko. Natutulala ako ngayon..
" Kung sinunod monalang sinabi ko sayo nun hindi kana masasaktan ngayon," napaangat ako ng tingin at nakita si coleen na nag pa powder.
" Look at yourself.. " sabi niya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Napangisi ako sa sinabi niya, hinarap ko siya sakin at sinampal ng malakas.
Hindi ko na napigilan sarili ko, ubos na pasensya ko.Napahawak siya sa pisnge niya na gulat na nakatingin sakin.
" How dare-"
" Me? "
Pinatay ko yung gripo at nagpunas ng tissue sa kamay. Saktong sakto pag pasok ni coleen dito eh kung kailan kino control ko sarili ko pero uumpisahan niya ako? Hindi kona pipigilan pa sarili ko kung ganun.
Parang yung nangyari dati na lumuhod siya pero ngayon? Mukhang sabunutan naman magaganap.
" Ang kapal morin para ilapat 'yang kamay mo sa mukha ko!" natatawa akong napailing sakanya. Yung totoo si coleen ba talaga 'to?
" Mas makapal ka."
" May sinabi ba'kong akuin mo pagiging gf ko kay calix? " sabi ko na palapit sakanya umaatras naman siya.
" Sinabi ko bang mali yung i kwento mo sakanya? " nanggigil na sabi ko sakanya. Kung hindi kopa nalaman na kung ano ano sinasabi niya kay calix.
" Bakit? Ayun naman yung totoo! " nasampal ko uli siya sa kabila niyang pisnge.
Ayan libre blush on na...
Sasampalin niya sana ako pero pinigilan ko kamay niya.
" Alam mo kulang pa'to kaso ang tigas ng mukha mo sakit tuloy kamay ko. " sabi ko at iniwan na siya duon.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Novela Juvenil" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...