Chapter 35

28 3 0
                                    

Chapter 35

Napabangon ako sa gutom, maaga akong nakatulog kahapon kaya hindi na'ko magtataka kung 3am palang gising na'ko.

Nilabas ko yung niluto ni alex sa ref para initin. Napapangiti ako dahil nag tabi parin sakin si alex ng ulam.

Binuksan ko yung phone ko para manood sana ng netflix kaso naagaw ng atensyon ko yung 100messages ni calix yung iba ay tawag.

*Calix*

- Hey please talk to me:<

- Ano gawa mo?

- Aga monaman matulog?

- I can't sleep please reply:(

- I swear i'll go to your dorm!

- ouch tulog kana pala:) i text alex.

- Goodnight my world...

Basa ko sa ilang chat ni calix sakin. Nag reply ako sa kanya habang kumakain ako. Nahinto ako sa pagnguya at napakunot ang noo ko dahil nag reply agad si calix sa morning ko. Ang aga naman nito gumising?

Mag re reply na sana ako sa chat niya kaso naunahan niya ako.

" Hello? " sabi ko sa kabilang linya.

" H-Hey. " napapailing ako na natatawa para kasing bangag si calix ngayon.

" Why are you laughing? "

" Wala lang,  aga monaman gumising?"

napatingin ako sa kama ni alex ng gumalaw ito kaya hininaan ko yung boses ko.

" hmm actually hindi pa'ko natutulog."  sabi niya na kinagulat ko. What the?  Hindi pa siya natutulog eh may pasok yun mamayang tanghali.

" Bakit? Ano ba ginagawa mo at hindi kapa natutulog? "

" Hinintay ka. "

" Hinintay? "

" Hinintay ko reply mo. "

" Siraulo ka!  Matulog kana! " inis na sabi ko sakanya loko yun naghintay pa sa reply ko eh ang sarap na ng tulog ko ng mga oras na yun.

Nawala agad yung selos na nararamdaman ko kahapon. Makausap kolang si calix bumibigay na'ko.

" Okay, where's my kiss first? "

" Kiss?  Kiskis mo sa pader! "  sabi ko na ikinatawa niya.

" Ang harsh my world."

" Matulog kana! " ulit ko sakanya.

" Opo, Mornight. "  sabi niya, binaba kona yung tawag dahil hahaba pa iyon.

Hindi na'ko makakatulog nito. Ba't kasi naisipan ko matulog ng ganung oras. Tinalo kopa yung bata matulog ng maaga.

Hinugasan kona yung pinagkainan ko. Naligo narin ako, wala naman kasi ako magawa eh anong oras palang 5am. Hindi kona rin naman kailangan na magluto pa ng breakfast nila alex kasi nakaayos na talaga lahat, may mga dala din kasing pagkain sila zeke kaya ito nalang siguro pangumagahan nila.

Ang tagal kopala sa banyo kung hindi pa'ko kinatok ni alex hindi pa'ko lalabas.

" Jusko ka dai!  Akala ko natulog kana diyan eh. " sabi ni alex na pumasok na sa loob ng bathroom.

" Morning." Bungad ni coleen sakin na inaayos yung kama niya.

" Morning din. " sabi ko sakanya.

Tinutuyo konalang yung buhok ko, buti nalang at nag uniform na'ko ngayon.  Napatingin ako sa orasan namin 6:30am na pala masyado akong nag enjoy sa pagligo.

Nang Dahil Sa NeargroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon