Chapter 32

23 2 0
                                    


Chapter 32


" kanino galing yan? " tanong sakin ni alex na nagsusuklay na. Sinarado kona yung pinto habang may hawak ng bouquet of roses.

Tiningnan ko yung card na nakalagay.

Morning, futurewife..

-Calix


" Calix. " sabi ko kay alex.

" Ang aga mag pa bulaklak ni mayor! " kinikilig na sabi ni alex sakin may pa hampas pa na kasama.

Napakagat ako ng labi sa sinabi ni calix umagang umaga pinakikilig ako.
Nakabihis na'ko para pumasok na sa school, Nagluto naman si alex ng makakain namin. Si coleen ay nasa bathroom pa tapos na kami ni alex maligo hinihintay nalang namin si coleen na matapos para sabay na kami kumain.

Nahiwalay lang samin si cady na tulog pa, Panghapon pa kasi siya kaya hindi namin siya makakasabay ngayon.

"okay kalang ba? " ulit ni alex sakin. Simula ng mauna ako dito sa dorm kahapon hindi na'ko tinantanan ni alex.

Hindi ko alam kung alam ba ni coleen na nagseselos ako pero parang wala lang sakanya at nag kwento pa siya samin nung gabi.

May tiwala naman ako kay calix pero hindi parin mawala yung selos sakin. Alam kong minahal din ni calix si coleen saksi ako dun.

Hindi ko alam kung pwede kobang pagkatiwalaan si coleen napa paranoid lang siguro ako. Pero mabait na kaibigan si coleen hindi ko siya masisi kung may galit ba siya sakin at pinagkatiwalaan niya rin ako nun.

Kaya ibabalik ko yung kabutihan na ginawa niya sakin.

" Sorry natagalan pa'ko. " kakalabas lang ni coleen sa bathroom. Umupo na siya sa katabing silya ni alex at inumpisahan na namin kumain.

Same course lang ang kinuha namin ni coleen na banggit niya kagabi sakin and mag ka classmate din kami.

Naiilang ako sakanya gusto ko siyang tanungin kung ano nangyari sakanya nun I mean sinabi niya samin ni calix na hindi narin siya dito mag college, bakit nag bago yung isip niya na dito nalang mag college?

Napapasulyap si coleen sa may bed ko. Nakapatong yung bulaklak na bigay ni calix sakin sa kama ko tapos titingin siya sakin pag nahuli konaman siya na nakatingin sakin ngigiti nalang siya.

Sabay din kami na bumaba, nakita na namin sila zeke. Kasabay namin si zeke and ka classmate kodin siya. Si calix naman panghapon pa yung class niya pero nandito siya para ihatid daw ako.

Kinulit kasi ako ni calix kagabi nag pupumilit na ihatid niya daw ako sinasabi ko ng hindi na dahil mapapagod lang siya at ang aga niya pa magising baka antukin pa siya sa klase nila mamaya.

" Morning. " bati ko sakanila. Lumapit sakin si calix at hinalikan niya ako sa pisnge. Binati niya rin sila alex. Tinitingnan kolang si calix kung ano reaction niya kay coleen pero wala akong nakuhang sagot hindi niya manlang tiningnan si coleen.

" Morning calix! " masiglang bati ni coleen lalapit sana siya kay calix pero naunahan na siya ni calix.

" Morning, let's go. " sabi ni calix at hinila na'ko. Nasa likod lang namin sila zeke.

Kahit hindi sabihin ni calix alam niya pag dumikit pa siya kay coleen ay i kakaselos ko pero okay lang naman sakin kung magkasama sila may tiwala ako sakanilang dalawa. Natatandaan kopa yung sinabi sakin ni coleen nung makipagkita siya sakin.

Sana panghawakan niya yung mga sinabi niya sakin yun.

Hindi na'ko nag pahatid hanggang room, okay na dito sa may elevator tyaka kasabay konaman sila alex.

" Okay, kaya moyan! " cheer sakin ni calix, sinabi kodin sakanya kagabi na kinakabahan ako sa firstday ko. College panaman kami ngayon medyo kinakabahan na'ko. Hindi na katulad nuon na pa chill chill kalang kailangan ng matinding effort dito.

" Thank you! " sabi ko at niyakap siya.

" Sige na umuwi kana! " sabi ko na pinapaalis na siya kasi papasok na kami sa elevator.

" ayun lang? " sabi niya sakin na nakanguso nanaman uli.

" okay, fine. " sabi ko at hinila siya para i kiss yung pisnge niya,  napangiti naman siya at kumaway samin.

Napaharap na'ko kila alex at nasalubong ko yung tingin ni coleen. Tumalikod nalang siya at nauna na sumakay ng elevator.

Buti nalang at nandito si alex at zeke binibigyan nila ng kaingayan itong loob ng elevator. Kung kami lang sigurong dalawa ni coleen baka tinalo panamin yung pinakatahimik na lugar. Nahihiya din ako makipagusap kay coleen.

Pumunta na kami sa mga room namin nahiwalay lang samin si alex.

Magkakatabi kami nakaupo nila zeke tahimik lang kaming nakamasid sa iba pang estydyante na papasok sa room konti palang kami dito at hinihintay pa yung iba para makapagsimula na.

Excited na'kong magsimula. Ibibigay ko talaga yung buong effort ko para dito dahil ito yung pangarap ko. Napangiti ako ng maalala na sabay kaming nangarap ni zeke na makapasok sa school na ito at makapagtapos bilang doctor.

Kaya napapangiti kami ni zeke kapag nagsasalubong mga mata namin kita ko yung excite sa mata niya.

Samantala si coleen seryoso lang siyang nakatingin sa unahan, napapagitnaan namin si zeke. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung pano.

Sa first day namin Nag discuss at may pa notes yung prof namin and kailangan namin mag review mamaya para sa quiz kinabukasan.

Kung nandito lang si alex baka nagreklamo nayun kasi quiz agad nakakamiss yung isa nayun na kasama.

Pati si zach na feeling close sa mga nagiging teacher namin nun. Pano na kaya ngayon magagawa pa kaya ni zach yun? Haha

" hmm sam!  Ano number ni calix? May itatanong sana ako. " sabi ni coleen.

Napatingin ako kay zeke na ngayon nakatingin na sakin. May parte sakin na ayokong ibigay.

" S-Sige.. " sabi ko at inabot niya sakin yung phone niya. Nanginginig yung kamay kona nag titipa sa phone ni coleen.

Binalik kona agad sakanya ng malagay kona nginitian niya naman ako at nag focus na siya sa phone niya. Gusto kong malaman kung ano yung sasabihin niya kay calix kung ano ba paguusapan nila.

Napakagat nanaman ako sa labi ko ng madiin, namalayan konalang na dumudugo na ito. Inabutan ako ni zeke ng panyo.

"t-thanks. " sabi ko sakanya.

Napapalingon ako kay coleen na tumatawa. Ano kaya ang nakakatawa?

Mag ka text naba sila ni calix?  Kaya ba siya natatawa.

Hindi konaman pwede na alamin yung pinaguusapan nila dahil privacy narin nila pero nagseselos ako.

Pinikit ko yung mata ko at pinakalma yung sarili ko.

Sam magtiwala ka kay calix. Wag ka padalos dalos.

Nag focus nalang ako sa sinasabi ng prof samin para sa gagawin namin bukas.

Nang Dahil Sa NeargroupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon