Chapter 26
Napapikit ako sa sariwang hangin at hinayaan na liparin yung nakalugay kong buhok. Kung pwede kolang ibalik yung oras eh. Sana sana hindi ito nangyayari.
Kailan koba sasabihin na last na 'to? Yung luha kona nagbabadya nanaman.
" wag mong sabihin aatras kapa? " tumalikod ako para tingnan ko kung sino nagsabi nito at nakita ko si kuya na may hawak pang baso.
"k-kuya.. " pinunasan ko yung luha ko nanaman.
Umupo siya sa katabi ng upuan ko at tumingala sa langit.
" minsan kailangan modin sundin yang sarili mo.. " sabi ni kuya na nakatingin lang sa mga bituin habang umiinom ng gatas na hawak niya kanina.
" hindi lagi magsasakripisyo ka. Ipaglaban monaman. "
Nakatingin lang ako kay kuya dahil nagugulat ako sa mga sinasabi niya ngayon puro kalokohan lang parati ang advice niya sakin nun.
Napatingala nalang rin ako sa langit ang sarap pag masdan ng mga bituwin ang payapa.
" k-kuya nasasaktan ako para kay zeke. " amin ko sakanya.
Hindi na mawala sa isip ko yung pangyayari kanina ayun yung pinaka una na nakita ko si zeke na umiyak sa harap ko ng dahil sakin.
" pano pa kaya siya? Triple yun sakanya. " sagot ni kuya.
" Hindi ko gustong mangyari ito. " sabi ko sakanya.
" kahit Hindi mo gusto itong nangyayari na ito mangyayari parin kasi nakatadhana na. " malalim na sabi ni kuya.
Tumayo si kuya sakanyang kinauupuan at humarap siya sakin na nakangiti.
" Ano tutulala kanalang diyan? Bakit hindi mo harapin yung bisita natin? " sabi ni kuya na tumingin pa sa may gate namin.
Naguguluhan akong tumayo at tiningnan yung gate mula sa terrace namin kung ano yung tinutukoy niya.
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gate namin na nakatingala samin ni kuya. Parang gusto kong tumalon dito para yakapin siya ng mahigpit. I miss him.
" ano mag titigan kayo? " asar sakin ni kuya kaya napatalikod agad ako bumababa na para puntahan si calix.
Binuksan ko yung gate para papasukin si calix pero hindi parin siya nagalaw sa pwesto niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit, niyakap niya din ako pabalik. Ang sarap ng ganito lang na magkayakap kami na parang ayaw na namin bitawan yung isa't isa.
" calix.. " tawag ko sakanya.
"hmm? " sabi niya lang sakin na mas nilapit pa yung mukha niya sa leeg ko kaya nakikiliti ako sa ginagawa niya.
" I love you.. " sabi ko sakanya at hinawakan yung pisnge niya.
Nagulat siya sa sinabi ko sakanya.
" t-talaga? " sabi niya sakin na parang naguguluhan. Napakunot yung noo ko sa reaction niya.
" a-ako? Sam? " sabi niya sakin. Nakuha konaman kung ano yung ibig niyang sabihin.
Tumango ako sakanya na nakangiti. Unti unti siyang napangiti sakin at lumayo siya konti sakin.
Kaya hindi ko muna siya kinausap kanina dahil gusto kong mapagisa sa gagawin kong desisyon at ito na yun pinili ko si calix.
Nakailang tawag at text siya sakin kanina pero hindi ako nag re reply sakanya.
"Samantha totoo talaga? " sabi niya na parang nababaliw na.
" oo nga." sabi ko na naiiyak nanaman dahil sa tuwa sa naging reaction ni calix.
" Yes!!!" sigaw niya at binuhat ako. Napatili naman ako sa ginawa niya.
" I LOVE YOU TOO!!!"
" woy! Wag kayo maingay may natutulog na!" sigaw samin ni kuya.
Sabay kaming napalingon ni kuya sa may terrace at nakita namin si kuya na nakapamewang pang nakatingin samin. Akala koba umalis na ito? Nakiki chismiss pa talaga. Napailing ako sa naisip ko.
Tumawa lang kami ni calix kay kuya at hindi na siya inintindi pa bahala siya kung ano pa masasaksihan niya ngayon.
" kanina pa kita hinahanap pero lahat ng pinuntahan ko wala kaparin." sabi ni calix sakin.
Napatitig ako sa mukha niya kahit hindi na siya mag ayos ng bongga ang pogi parin.
Hinalikan ko siya sa pisnge niya. Namula naman agad yung pisnge niya kaya na aakit akong halikan uli siya sa pisnge dahil ang pula nito ang natural ng pagkakapula.
" s-sam.. " sabi ni calix na nakatingin na sa labi ko.
Mas nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya kaya mas lalo siyang namumula sa ginagawa ko. Wala na'ko pake kung nandito 'man si kuya.
Hinawakan ko yung batok niya para ilapit sakin dahil natigilan na siya sa ginawa niya. Napangisi ako dahil nakatitig lang siya sakin kaya bago pa siya magsalita hinalikan kona yung labi niya.
Lalayo na sana ako sa pagkakahalik ko sakanya pero hinigit niya ako at hinalikan pa ng malalim. Nilagay ko yung kamay ko sa batok niya at hinayaan siya sa ginagawa niya.
" taena may scandal pa nagaganap live pa. "
Napahiwalay kami ni calix sa sinabi ni kuya na nakatingin parin samin.
" kuya!!!" sigaw ko sakanya dahil pati ito sinusubaybayan pa niya.
" okay okay fine.. " sabi niya at pumasok na sa loob.
Yayain ko sana si calix sa loob pero tumanggi siya.
" baka masapak pa'ko ng kuya mo kung diyan ako matutulog haha. " sabi niya sakin.
" hindi yun ako bahala. " sabi ko sakanya.
" maaga ako pupunta bukas sainyo haha. " sabi niya sakin kaya hindi kona siya pinilit pang pumasok muna sa bahay.
Kailangan narin naman niya umuwi dahil gabi na at may gagawin pa daw siya. Nagpaalam na siya sakin bago pa siya umalis humalik muna siya sa noo ko.
Hinintay ko makaalis yung kotse niya bago pumasok sa loob para akong tanga na napapangiti dito kaya si kuya inaasar nanaman ako.
Kahit na kumakain kami napapangiti ako kaya tinatanong ako ni mama kung bakit ako ngumingiti mag isa. Syempre yung magaling kong kapatid kinuwento lahat kay mama walang nilalampasan na eksena kung maka kwento 'to.
Pati yung nangyari na halik samin ni calix kanina sinabi niya pa talaga kay mama kaya namumula ako na nahihiya dahil sa kapatid ko.
Ang sarap nilang paguntugin ni zach kaya hindi na talaga ako magtataka kung bakit nag kasundo itong dalawang ito. Maingay at may pagkabaliw match na match talaga kung babae lang si zach jusko ewan konalang kay kuya.
Hindi kopa na kikilala girlfriend ni kuya masyadong pa misteryoso kahit pangalan o mukha ayaw sabihin pero ang dami niya kinukwento sakin tungkol dun sa girl na yun. Ireto ko kaya yan sa ate ni calix mukhang magkakasundo sila nun.
Natawa ako sa naisip ko kaya napatingin uli sakin si kuya na iniisip na nababaliw na'ko.
Hindi kona kaya pang maghintay na mag umaga gusto kona siyang pumunta dito..
Ipaglalaban na kita ngayon calix...
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Dla nastolatków" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...