Chapter 34"Ingat ka. " sabi ko at binaba na yung tawag.
Gusto kong pigilan si calix na sumama kay coleen pero hindi konaman siya pwedeng higpitan.
Nakatulala lang ako ngayon sa kama ni alex. Puntahan ko kaya siya? Nyemas nababaliw nanaman ako.
" Ano teh? Hilata kanalang diyan sa kama mo magdamag? " sabi ni alex.
" Gawin kaya natin yung ginawa nila zach? " napaupo ako sa sinabi ni cady. What the? Gagayahin namin? Kung mahuli kami edi ano na mangyayari samin?
Okay lang naman sakin kaso mali parin yung ginawa nila zach na bigla nalang pumasok dito sa dorm namin.
Pa'no pa kaya kami? Kung kami naman pumunta sa dorm nila tapos na huli kami ng guard sa'n na kami pupulutin nito?
Nakokonsensya panaman ako pag may ginagawa akong mali, ang bagal din ni alex tumakbo mahuhuli talaga kami niyan.
" gago kaba beh? " sabi ni alex sakanya napasinghap naman si cady sa sinabi ni alex.
" Ay sorry diko napigilan. " Nag piece sign pa si alex samin. Pinipigilan na kasi namin na wag na mag mura. challenge samin ni cady ito pero pag nakakaharap niya si zach nakakalimutan yung salitang Challenge.
" Bakit hindi kanalang kasi sumama kay calix? " tanong sakin ni cady.
" Hindi na, kailangan din naman nila magusap. " sabi ko sakanila.
" Pero hindi sa pang ju judge ah may nararamdaman talaga akong kakaiba kay coleen. " sabi ni alex na nakaharap sa salamin.
Ayokong na pag isipan pa si coleen ng kung ano ano may tiwala din ako sakanya. Tinuring konarin naman siyang kaibigan.
" Sundan kaya natin sila? Para naman may magawa tayo sa buhay natin. "
Napailing nalang ako sa sinabi ni alex.
" Wagna. " sabi ko at tinakpan yung mukha ko ng unan.
" Ano kaya pinaguusapan nila? " bulong sakin ni cady.
Natagpuan konalang sarili kona umiinom ng juice dito sa restaurant. Nyemas sabi kona hindi namin susundan si calix pero ano na? Nakaupo na kami dito sa dulo at pinagmamasdan sila calix.
Nakatitig ako kila calix hindi naman ako mapapansin eh tyaka naka sumbrero din kaming tatlo. Syempre sino paba nag pasimuno nito? Walang iba kundi si alex. Siguro ganito ginagawa niya dati kay kyle? Para malaman kung may babae ba talaga.
Napapakamot nalang ako sa tenga ko dahil hindi ko manlang marinig yung pinaguusapan nila. No choice kami, dito nalang sa pwesto namin ang available na upuan. Hindi ako chismosa pero ngayon nakakalimutan ko yung word nayan lalo na at kasama ko itong dalawang 'to.
Pag sinama pa namin si zach mas grabe talaga baka mabuking na kami na wala sa oras.
Na payuko at kunwari na hinihiwa yung stake ko. Napatingin kasi sa gawi namin si coleen kaya kanya kanya na kami diskarte kung pa'no kami hindi mahahalata nila coleen.
Napaangat ako ng tingin sakanila dahil tumayo na sila.
" Lalabas na sila! " sabi ni cady na tatayo na.
" Wait! " Pigil ko sakanila, mahahalata kami nito kung susundan agad namin.
Matalino si coleen pag nag padalos dalos kami nila alex baliwala din yung pag sunod namin sakanila.
" Ano bayan bakit sila naglalakad? " reklamo ni cady habang sinusundan namin sila.
Napapagod narin ako sa kakalakad kanina pa kasi sila nag lalakad eh. Si alex lang talaga nag pu push samin na sundan kung wala siguro itong dalawang 'to tama si alex nakahilata lang ako sa kama ko mag damag.
" Ay gago! Nag holding hands! " sabi ni alex sakin, napapakagat nalang ako sa labi ko. Hindi magagawa sakin ni calix 'to.
" Gago oo nga!" napamura narin din si cady.
Hindi kona maiwasan na tingnan sila calix. Napako yung tingin ko sa mga kamay nila. H-Hindi magkaibigan nalang sila sam mag kaibigan.
May parte sakin na gusto ko silang lapitan at paghiwalayin. Masakit sa totoo lang kasi hindi mo naman alam kung ano yung pinaguusapan nila kanina tapos ngayon magkahawak kamay na sila.
" Let's go." sabi ko kila alex. Tumalikod na'ko at nauna maglakad.
" S-Sam okay kalang? " sabay ni cady sa lakad ko kahit na binilisan kona yung paglalakad ko nasasabayan parin nila ako.
Mukha ba akong okay? Gusto kong sabihin sakanya. Ang sakit kasi. Makita kolang siya na tumatawa sa mga kwento ni coleen sobrang sakit na iba na yung nagpapasaya sa mahal mo hindi na ikaw.
Nakasalubong ko sila zeke sa lobby na naghihintay, hindi ko sila pinansin diretso lang ako sa elevator. Hindi na'ko na habol nila alex ng sumarado yung pinto ng elevator.
Namalayan konalang na umiiyak nanaman ako. Ganito ba pag nagmamahal? Ang sakit. Palihim akong nasasaktan. Lagi ko sinasabi sa sarili ko okay lang yan wala lang yan lilipas din yan. Ano 'to? Bakit hindi ko mapanghawakan yung mga salitang yan ngayon?
Binuksan kona yung pinto ng dorm namin at humiga sa kama ko. Hinayaan ko ng bukas yung pinto.
Naramdaman kona may pumasok sa pinto at ang mga yabag nila.
" Sam what's wrong? " Nagaalalang tanong sakin ni zeke.
" Baka gutom lang yan? " sabi ni zach na umupo sa tabi ko.
Hindi ko sila hinaharap naka takip lang sa mukha ko yung unan. Ito mahirap sakin eh. Pag nasasaktan ako gusto ko mapagisa tapos hindi ko pinapakinggan yung mga sasabihin nila.
I just need to rest.
" Kantahan mo uli zeke baka nagtatampo lang sayo nun kasi pumiyok ka. " asar ni zach kay zeke.
" Ano bang nangyari? " curious na sabi ni kyle kila alex.
Pero wala akong narinig na sumagot si alex sa tanong ni kyle.
" Hayaan niyo na muna siya, kailangan niya magpahinga. " sabi ni zeke.
Umalis na si zach sa kama ko, buti at naiintindihan ako ni zeke. Sakanya kolang gusto sabihin lahat, siguro kung wala lang sila alex nayakap kona si zeke at sa balikat niya nanaman umiyak.
Hindi ko alam kung ano ba tumatakbo sa isip ni calix kung ano ba plano niya? Napagusapan na namin ito bago siya mag paalam sakin para ngayon na aalis sila ni coleen.
Kung ano man yun magtitiwala ako sakanya kahit anong mangyari. Panghahawakan ko yung mga salita niyang mahal niya ako.
Hinawakan ko yung singsing na bigay niya sakin. Magtitiwala lang ako sayo mahal kahit masakit.
" Nakakagutom mag luto kana nga alex. " rinig kong utos ni zach kay alex.
" Excuse me? "
" Excuse me? " gaya niya zach sa sinabi ni alex.
" Taena naman. "
" Pre yung the one and only girl mo nagwawala nanaman. " ayaw parin tumigil ni zach sa pangaasar kay alex. Tinakpan ko pa ng unan tenga ko dahil ang ingay nila. Gusto ko ng matulog!
" LUMAYAS KA NGA DITO! "
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Neargroup
Novela Juvenil" Do not talk to stranger! " My mom always saying that to me and I'm just ' okay'. its summer, too bored that time and my curiosity strike me. I saw something in my facebook, the logo got my attention so I immediately click the neargroup but am li...