Chapter 1
Failure
'Yan ang salitang lagi kong naririnig sa mga magulang ko. They always say na I'm good for nothing. Na I know nothing.
Masakit lalo na kung ikukumpara ka sa ibang tao. 'Yong tipong alam mong ginawa mo ang lahat pero sa huli, palpak ka pa rin sa paningin nila.
Saklap 'no? Well, that's life. Life had been unfair to me eversince. Pero okay lang. Sanay na ako sa mga masasakit na salitang binabato nila. Katulad nalang ngayon.
"Myst! Ano na naman ba 'tong result ng quiz mo?" pasigaw na tanong ni mommy, "Napakababa!"
Tiningnan ko kung aling quiz 'yon. Napatungo nalang ako nang makita na algebra test ko pala 'yon.
"Mommy, 4 mistakes lang naman po 'yan," nakatungo ko pa ring saad.
"4 mistakes are too much Tanleigh Mystic! Nakakahiya ka. Sa isang magandang school ka nag-aaral and yet ang baba ng nakuha mo. Sa algebra pa talaga! My God napakadali lang niyan. Nagiging bobo ka na naman. Bakit yung mga friends mo nakakuha ng perfect? Ha? Nag-aaral ka ba talaga?" Galit na sabi ni mommy.
Naka-perfect sila because they cheated. Saan sila kumuha ng sagot? Sa akin.
They told me na dapat akong magkamali ng tatlong puntos kung hindi ay friendship over na kami.
I can tell my mom that. But I know better, alam kong hindi siya maniniwala sa akin. Kaya imbes na iyon ang isagot ay iba ang sinabi ko.
"Mommy I did my best naman. Nag-aral ako ng mabuti. But it's so hard kasi. At least 3 mistakes lang 'di ba?" Pilit ko siyang kinukumbinsi na okay lang ang marka ko.
"Wow," mommy said sarcastically, "Pinagmamayabang mo na 'yan? Bakit may napatunayan ka na ba? Kung makasabi ka ng at least. Walang mahirap kung talagang nagseseryoso ka. And ano kamo? You did your best? Hindi best 'yan. It's kabobohan. Ang sabihin mo tamad ka lang talaga at walang magawa sa buhay kaya ultimo pag-aaral hindi mo na pinagtutuunan ng pansin."
Wala akong nagawa kundi ang magpigil ng luha at tanggapin ang lahat ng sermon pati ang mga masasakit na salita. Like what I've said, sanay na ako.
"Sige, umakyat ka na sa kwarto mo at nakakawalang gana kapag nakikita kita. Mag-aral ka nga nang mabuti. Nakakahiya ka talaga! Wala kaming anak na bobo kaya umayos ka. You're such a disappointment!" Dagdag pa niya sa sermon niya. Tumango nalang ako at umakyat sa ikalawang palapag.
Pagkarating na pagkarating ko sa aking kwarto ay nagtuloy-tuloy ang pagkahulog ng mga luha ko.
Pinigilan ko ang paghikbi at baka mapagsabihan na naman ako.
Bakit pa ba ako umiiyak? Sanay na ako 'di ba? Kaya dapat wala lang 'to. Pero napakasakit kasi e. Masakit kasi ginawa ko talaga ang best ko pero my best is still not enough. Natawag pa nga na kabobohan. Siguro tama siya. I'm such a disappointment. Pati ako disappointed sa sarili ko.
I laughed bitterly inside my mind. Mabuti pa friends ko. Pinupuri at hinahangaan ni mommy. Pero ako na sariling anak, imbes na tulungan at i-cheer, mas lalo pang di-na-down.
Well actually, 'di ko sila kaibigan. Lahong sinasabi na friends ko sila pero alam kong hindi ko sila kaibigan at hindi rin kaibigan ang turing nila sa akin.
I know na they are just using me para sumikat sa school at magpapuri kay mommy. Alam din ni mommy 'yon. Pero parang wala lang sa kaniya. Parang mas anak pa ang turing niya sa mga iyon kaysa sa akin.
Nagbihis na lang ako at agad na humilata sa kama. Patuloy pa ring tumutulo ang luha ko.
Bakit sa lahat ng tao kailangan ako pa? May nagawa ba akong masama para makaranas ng ganito?
Ang sakit na kasi. Hindi ko na kaya, pero pinipilit ko pa ring lumaban kahit sukong-suko na ako sa buhay ko.
Hope. 'Yan lang ang kailangan ko. I need hope to survive. Pero wala akong nakikitang pag-asa. Wala akong nakikitang liwanag kung hindi ang walang hanggang kadiliman lang.
Gustong-gusto ko ng mawala but I don't want to commit suicide. Hindi ako suicidal. Kaya palagi ko nalang hinihiling na sana 'di na ako magising.
I wish to disappear. I wish to sleep and never wake up. Ever again.
BINABASA MO ANG
Help Me Survive
Teen FictionCOMPLETED STORY TRIGGER WARNING: The use of S-word and D-word is included in the story, reader discretion is advised. Tanleigh Mystic Rivera is living a life she never wanted. A life full of expectations, pressure, stress and agony. Ang tanging gust...