XVI: Slap

2 0 0
                                    

Chapter 16



Gabi na nang makarating kami ni Chaos mula sa clinic. Agad niya akong hinatid sa bahay, baka raw kasi mapagalitan ako dahil masyadong late na. Kahit ang totoo 7 pm pa lang naman.

Oh well, kahit naman 12 noon ako umuwi, mapapagalitan pa rin ako. 'Di kasi mabubuo ang araw ng mga magulang ko kapag hindi ako napapagalitan. Kiddin'! Baka may maniwala.

"No words can express my gratitude Chaos," I said looking back at him matapos kong bumaba sa kotse niya.

He smiled and went out of his car too. "Gusto mo samahan kita? Ako na mag-e-explain sa mga magulang mo kung bakit ganitong oras ka na umuwi."

Umiling ako at muling nagpakawala ng ngiti. "No thanks, they won't mind. Ako na ang bahala. Thank you again."

I tiptoed towards him and gave him a light kiss on the cheek. Agad akong tumalikod at naglakad papasok sa gate. Napasapo ako ng noo, nakakahiya 'yon! Pero 'di bale na nga, thank you kiss lang 'yon. Walang malisya.

Kinakabahan na ako habang binabagtas ang daan papuntang bahay. Medyo malayo ang bahay namin mula sa gate kaya may kaunting oras pa ako para huminga ng malalim at iwaksi ang nerbyos.

To ease nervousness,  iginala ko ang aking mga mata sa magkabilang gilid ng pathway. Pabilog kasi ang pathway namin na may fountain sa gitna. Sa ibabaw ng fountain ay mayroong anghel na nagdadala ng jar at doon umaagos ang tubig.

Sa bawat gilid ng pathway, mayroong malaking garden kaya naman nakaka-relax talaga kapag tumitingin-tingin ka sa paligid.

Parang kailan lang, masaya pa akong tumatakbo diyan. Walang problema, walang kailangan gampanan. Munting halakhak at tawa lang ang maririnig mula sa akin. Hindi hikbi, hindi mapait na mga salita.

But things are different now. Expectations are killing me. I want to let loose, but I can't. If only I have the courage.

Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa natanaw ko na ang hellhole, or should I say bahay. Pero bakit ang dilim? Usually maliwanag ang front porch namin. Pero this time, talagang walang ilaw na bukas kahit isa.

Ipinagsawalang-bahala ko ito at umakyat sa staircase papuntang pintuan. Hindi ko agad ito binuksan. Weird talaga e. There is something wrong.

Bahala na nga. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nagpalinga-linga. Pati mga kasambahay namin, wala? Kaya naman pumasok na ako at walang ingay na naglakad.

Hindi pa ako nakatatlong hakbang ay may malakas na sampal na sumalubong sa akin. Nabaling ang mukha ko sa kaliwa at agad kong naramdaman ang hapdi ng sampal sa kanang pisngi ko. Pilit kong pinipigilan ang luha pero talagang tumulo ang mga ito effortlessly.

"Akala mo ba hindi ko malalaman ang ginagawa mo sa school? Sinabi sa 'kin ng mga kaibigan mo na nag-bo-boyfriend ka na. Okay lang sana kung medyo maayos siya. Pero hindi! Pipili ka na nga lang, do'n pa sa may masamang reputasyon. God! Ano nalang sasabihin ng mga investors at directors ng business na 'tin? Na may anak akong pariwara?" Mahabang bintang sa akin ni mommy.

"Mommy, that is not true! Huwag kayong maniwala kina Chem please. Gusto lang nila akong siraan. Please naman, for once isipin niyo rin na anak niyo ako. Kasi ako, 'di ko maramdaman 'yon e." Panay tulo ng mga luha ko habang sinasabi iyon kay mommy.

Hindi pa nagtagal ay muli akong nakaramdam ng sampal. This time, sa kaliwang pisngi na naman. Dito na ako ngumiti ng mapait. Yes, they've been hurting me emotionally pero 'di ko aakalaing kaya rin nila akong pagbuhatan ng kamay.

This is the first time I saw my mother giving me an intense emotion. But instead of love and care, they feel hatred and disgust. This is also the first time na nasampal niya ako. And it hurts, it hurts fucking big time.

Help Me SurviveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon