Chapter 6
I woke up the next day feeling energetic. It's the first time I've felt like this after waking up. It's a good sign I guess. Kahit papaano nakakaramdam pa rin pala ako ng ibang emosyon.
Nandito na ako ngayon sa harap ng gate. Huminga ako ng malalim, siguro mamayang break ko nalang kakausapin si Chaos.
Habang naglalakad sa ground, napansin kong ang daming estudyante sa may field. Bakit kaya? I'm curious. But I'm not the kind of person who sticks her nose in other people's business. So I let that thought go at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
Siyempre kahit na hindi ka lumapit sa pinangyarihan, may nga chismosa pa rin talagang pakalat-kalat kung saan-saan.
"Alam mo ba-" naputol ang sasabihin sana ng isang chismosa nang may biglang sumingit sa kanila.
"Girls, tone down your voice. At oo, alam namin na may napaiyak na namang babae si Chaos." Bulong sa kanila ng babaeng sumingit.
Hindi ako sure kung bulong ba talaga 'yon. Kasi rinig na rinig ko kahit medyo malayo ako e.
Pero wait, napaiyak? Si Chaos? I felt a tingling sensation upon hearing his name. Ano naman kaya ang kinalaman niya? May ginawa ba siya? I wondered.
"Paano ba naman kasi. Alam niyang suplado at allergic si Chaos sa mga babae lapit pa rin nang lapit. Kawawa tuloy," saad naman ng ikatlong babae.
Hmm, mukhang nakukuha ko na kung ano ang nangyayari. Thanks to my fast mind, mabilis kong napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.
Ganito siguro ang nangyari, may babaeng pinipilit ang sarili kay Chaos. Then the latter got annoyed by the girl and maybe threw some hurtful words at her.
Chaos quite have a reputation here as a heartbreaker. Well, hidi siya babansagan ng ganoon kapag hindi totoo. So maybe, this scene is one of those typical cliché stories.
Never mind that though. I still have an important matter in my hands right now.
Lunch break came and as fast as a lightning, I strode off the hallways. Kinain ko na ata lahat ng pride ko para lang mahanap si Chaos.
I remembered him mentioning that he is 3rd year college. So I immediately went to the 3rd year students' building.
Okay, now what? Nasa harap na ako ng building but hell! Hindi ko pala alam saan ang classroom niya.
Bahala na nga nalunok ko na pride ko e. Ngayon pa ba ako aatras? And by the way the weird looks other students are giving me did not escape my vision.
Siguro they are not used in seeing me walk fast and sashaying the hallways. Someone even shot me with disgusted look. Sorry sweetie, but I recieved somthing hurtful more than that.
Baka naman bago rin ako sa paningin nila. Like what would a first year college student be doing in 3rd years building?
So ito na nga, maglalakas na talaga ako ng loob. I walked into the 3rd classroom from the left side of the their building.
"Woah, woah, woah! What a surprise from someone who is always behind the shadows. What can we do miss?" Asked by the chinito guy. He acts and looks like a kid. But he's third year tho.
"Hello, do you know where can I find Chaos?" I blurted out immediately. I don't have time to hit around the bush.
"Straightforward I see. Sad to say hindi dito ang klase niya and I don't know wheree you could find him. But I know someone who would," sabi niya habang may tinuturo sa loob.
I tried to take a peek but failed without even trying hard. Three boys stood up and blocked my sight before I could even see where he is pointing.
I took a deep breath and uttered, "Show to me that someone who knows Chaos' whereabouts."
"Bro Peace! Tawag ka!" Sigaw ng chinito sa kung sino.
Biglang nagsihawi ang mga taong kanina lang ay nagkukumpulan sa likod ni chinito guy.
Doon, nakita ko ang isang lalaking nagbabasa ng libro, well, how do I describe him, lalaking kahawig ni Chaos.
Wait, hindi ba ito si Chaos? E kamukhang-kamukha niya. Baka naman niloloko ako nitong chinito guy na 'to.
"Excuse me chinito guy, sure ka ba na hindi 'yan si Chaos? E siya yan. Kita mo mukha pa lang Chaos na. 'Wag mo nga akong biruin hindi ako nandito para makipaglokohan," sabi ko sa kanina pa kumakausap sa akin.
"Hahaha patawa ka miss. Hindi 'yan si Chaos sinasabi ko sa 'yo. At by the way I'm Camp not chinito." Natatawa niyang ani sa akin.
"Wala akong pakialam sa pangalan mo. I need you to call that guy na sinasabi mong alam kung saan si Chaos. I need something from him."
Well, hindi ako rude. Sadyang anti-social lang kaya nahihirapan akong makipag-usap sa ibang tao. That's why hindi man sinasadya pero medyo nagiging rude ang dating ko.
Tinawag ulit nila iyong si Peace and finally napansin niya na rin na kanina pa siya tinatawag. Tumayo siya at linigpit muna ang libro sa bag bago lumapit sa amin. I can see from here, alagang-alaga niya talaga ang mga libro. Maybe we share some similiarities.
But hindi 'yan ang pinunta ko rito, kaya never mind that passing thought.
Nakangiti kaming sinalubong ng Peace na 'yon. Believe me when I say he is exactly a living replica of Chaos.
"Bro, hinahanap niya si Chaos. Alam naman naming ikaw lang ang nakakaalam kung saan nagsususuot 'yon. Ikaw na kumausap kay miss, goodluck." Tapik sa kaniya ni chinito, well, Camp.
"So I've heard hinahanap mo kapatid ko. Well miss, you've asked the perfect person," sabi niya with a creepy smile.
BINABASA MO ANG
Help Me Survive
Teen FictionCOMPLETED STORY TRIGGER WARNING: The use of S-word and D-word is included in the story, reader discretion is advised. Tanleigh Mystic Rivera is living a life she never wanted. A life full of expectations, pressure, stress and agony. Ang tanging gust...