XV: Diagnosis

3 1 0
                                    

Chapter 15



Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na akong umupo sa harap ni Dra. Galmo.

"So doc, ano ba ang kailangan kong gawin?" I asked her to divert the subject. Baka kasi mahalata na may feelings ako kay Chaos.

"As of now, I can't diagnose you agad. We need to run some tests para before diagnosis," explain niya. Tumango naman ako at tinandaan lahat ng kaniyang sinabi.

"Chaos, puwede ba lumabas ka muna? Kailangan kaming dalawa lang dito," baling nito kay Chaos.

Tumango lang si Chaos at tinaas ang dalawang kamay. He mouthed 'good luck' before turning his back and proceeded to the door.

Hinarap ulit ako ni Dra. Galmo ng nakangiti. "Okay so simulan na natin ang tests. May dalawang part ang tests natin. Una may mga itatanong ako sa 'yo at sagutin mo lang ito with all honesty. Huwag na huwag magsinungaling dahil kailangan iyon para sa tamang diagnosis. Gets?" Mahabang paliwanag nito.

Tumango ako at 'di na nagsalita.

"Good. Pangalawa ay physical examination. Ito ay para lang malaman ko ang overall state of health mo. So hindi mo na kailangan talagang mag-exert ng todong effort. Kaya chill ka lang," she explained while smiling.

Nakakagaan sa loob actually. Habang nagsasalita siya para bang nadadala ako sa mga salita niya. Siguro kaya effective siya na doktor kasi 'yong pag-persuade niya talagang madadala ka e. Plus her office have the homey feeling kaya hindi ka talaga ma-te-tense or what.

"So let's proceed. I'll be asking and you just need to be honest. Are you usually in sad or depressed mood most of the day or everyday?"

"Yes po Dra. Galmo. Actually parang day and night pa nga e." I said with all honesty.

Tumango-tango ito at nagtanong muli, "Do you lose enjoyment in the things that were once fun and enjoyabke to you? Kung oo, ano ang mga ito?"

"Yes po. I remembered, I used to love and enjoy painting sceneries pero the past years, parang nawawalan ako ng gana at I don't know. I just feel like it's not my thing anymore."

Tumango ulit ito at nagsulat sa papel.

Marami pa siyang tinanong at lahat naman ng sagot ko ay ayon talaga sa nararamdaman ko. After those tests, ngumiti ulit siya sa akin at pinatawag si Chaos.

Magkatabi kami ngayon sa upuan habang ako ay kinakabahan sa resulta. Napansin 'yon ni Chaos kaya hinawakan nito ang mha kamay ko.

"Chill lang. Whatever the results may be, tutulungan kita. You'll survive this, okay?" Pang-che-cheer up niya. Tumango ako sa kaniya and said my thanks.

Umubo si Dra. Galmo para maagaw ang aming atensyon. Huminga ito ng malalim. "So I've had the results here. And I can say hindi ito madali. Well, as you can see, walang depression na madaling lusutan. Pero sa tingin ko kaya naman ni Tanleigh. You're a strong girl Ms. Rivera. Amd I'll give you credit for that," mahabang saad nito.

"Puwede po bang diretsuhin niyo nalang?" Naiinip na ani ni Chaos.

"Okay, Tanleigh Rivera, you are diagnosed with major depression or also known as major depressive disorder." Pinakita nito ang mga papel na naglalaman ng tests ko at result.

"Lahat ng tanong ko ay tumugma sa mga symptoms nito. Buti nalang at nadala ka agad dito bago pa 'yan lumala. MDD can be incredibly debilitating when left untreated. So Chaos, good job in bringing her here."

Tumango rito si Chaos. Kanina ko pa napapansin na hindi niya binibitawan ang kamay ko. Marahil gusto niyang magbigay ng moral support sa akin. 

"Depression can't be cured. Remission is our goal here. I'm prescribing you the SSRI or selective serotonin reuptake inhibitors. It's an antidepressant. People with MDD tend to have low level of serotonin," saad niya habang may kinukuha sa ilalim ng desk.

"Serotonin is a brain chemical that’s believed to be responsible for mood. It may help improve mood and produce healthy sleeping patterns. The SSRIs can help relieve symptoms of MDD by increasing the serotonin level in the brain," mahabang paliwanag nito.

Mayroon siyang inabot kay Chaos na picture ata 'yon.

"That is an example of SSRI. You have to take 1-3 tablets a day. Take note, hindi agad mararamdaman ang epekto nito. SSRI will usually take 2 to 4 weeks before noticing its effects."

Tumango-tango kami ni Chaos. "Thank you doc. I'll keep this para may reference ako," saad ni Chaos habang tinitiklop ang printed bondpaper kung saan nakalagay ang histura ng SSRI.

"That's all for today. And oh, you still need to comeback here for regular check ups."

Tumango ulit kami at tumayo na. Nilapitan ko si Dra. Galmo at niyakap. "Thank you so much doctora. I hope I'll get better in time."

Ngumiti ito sa akin. Ngumiti rin ako bago tumalikod at lumabas sa pintuan.

"Ako na bibili ng gamot mo bukas. Uwi na tayo magdidilim na. Kahit 45 minutes lang ang biyahe mula Cavite papuntang San Pedro, Laguna mas mabuti pa ring maaga tayong umalis dito. Traffic pa naman ngayon."

"Chaos, thank you. Thank you talaga," I sincerely said to him.

Ginulo nito ang buhok ko at naunang pumasok sa kotse niya.

Help Me SurviveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon