Chapter 17
Dumaan ang ilang minutong katahimikan. Hawak-hawak ko pa rin ang mga pisngi na sinampal ni mommy.
"W-why?" I asked breaking the silence.
Sinampal ulit ako sa kanang pisngi. Medyo mahina ito kumpara sa nauna pero napabaling pa rin ako pakaliwa.
Narinig ko ang singhapan ng mga katulong. Hanggang ganiyan lang sila. Gustuhin man nilang tulungan ako, baka sila naman ang pagbubuhatan ng kamay or worst tanggalan ng trabaho.
"Ano?! May gana ka pang sumagot pabalik?!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni mommy. Bakas pa rin sa mata niya ang matinding pagkamuhi sa akin. Habang si daddy ay nanatiling walang imik.
Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Halos namamanhid na ang mga pisngi ko sa paulit-ulit na malalakas na sampal. Gugustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili at kontrahin ang kanilang sinasabi ay alam kong hindi pa rin sila maniniwala.
Hindi ko rin magawang maging matapang na parang hindi ako naaapektuhan ay hindi ko kayang maging peke. Mahina ako, mahina. Na sa kahit ganitong pagkakataon ay 'di ko magawang ipaglaban ang sarili.
Marami pang sinasabi si mommy na halos hindi na pumapasok sa aking isip. Para bang nagsara ang dalawang tainga ko at hindi na kayang tanggapin ng aking sistema ang masasakit na salitang binabato nila sa akin.
Nakatunganga lang ako sa harap ni mommy hangang sa tumalikod siya sa akin. Doon lamang ako natauhan at sinimulang humarang sa daan.
"No mommy, please, belive me. Hindi masamang impluwensya si Chaos. In fact, he's helping me!"
"Help? Talagang nabulag ka na." Umiling pa si mommy.
Humarap siyang muli sa akin, "Kung talagang mabuti nga siyang impluwensya, bakit ka ginabi? Ganiyan ba ang mabuti sa 'yo? At nong tulong sinasabi mo? Tulong, meaning tulungan ka kung pa'no magbulakbol gano'n ba? I can't believe you!"
"Mommy please, for once pakinggan niyo naman ako."
"That's it Tanleigh Mystic. Get out of my house. I don't want to see you anymore. Huwag kang magdadala ng gamit. After all, sa amin galing lahat ng 'yan."
With that, she immediately turned her back on me and headed towards the stairs.
Maraming katulong at drivers ang nakapalibot sa amin ngunit walang kahit isa ang naglakas loob na tulungan ako. Naiintindihan ko naman sila. Baka tanggalin at pagbuntungan pa sila ng galit ng aking mga magulang.
Habang umaakyat ay dinig na dinig ko ang takong ng mga sandals ni mommy. Patuloy ako sa paghikbi baka sakaling bawiin niya ang naging pasya.
Nang natantong hindi niya talaga iyon babawiin ay binalingan ko si daddy.
"D-dad." My voice cracked.
"Paalisin mo ang batang iyan dito Fernan," sambit ni mommy habang patuloy na umaakyat.
I looked at daddy with hopeful misty eyes. Baka sakaling tulungan niya ako. Ngunit bumagsak ang aking mga balikan ng umiling ito sa akin.
"Hindi ganito ang oras ng matinong babae. Sumobra ka rin Tanleigh. You should've kept your mouth shut kung wala kang matinong sasabihin."
Tinalikuran niya rin ako at humakbang paputang hagdan para sundan si mommy sa taas.
"It's better if you leave," he said with finality.
I'm left dumbfounded. Totoo ba 'to? Pinapalayas ako ng sariling mga magulang? Daddy's last words echoed in my mind.
It's better if you leave...
Better if you leave...
If you leave...
You leave...
Leave...
Leave..
BINABASA MO ANG
Help Me Survive
Teen FictionCOMPLETED STORY TRIGGER WARNING: The use of S-word and D-word is included in the story, reader discretion is advised. Tanleigh Mystic Rivera is living a life she never wanted. A life full of expectations, pressure, stress and agony. Ang tanging gust...