Prologue

2.4K 66 26
                                    

"Gago! Ang bigat mo H-Henry!" nahihirapang sabi ko habang inaalalayan siya.

Yawa talaga. Mangiyak-ngiyak na ako habang pinipilit na makarating kami sa kwarto niya.

Mas stressful pa ata 'to kaysa sa pisteng exam namin sa math kahapon. Stress na ang aking bangs.

Sarap niya na ngang ihulog sa hagdan. Tutal naiirita na rin naman ako sa pambababae niya. Kagigil na siya eh.

Pero wala... syempre marupok ang tangang si Luke kay Henry... kaya ayon. Forgive and forget as always.

"Haah!"

Hingal na hingal ako nang maitulak ko siya sa kama niya. Tagaktak na ang pawis ko at naiirita na rin ako sa amoy ko. Pero syempre kaunting inis lang dahil humalo na rin naman sa pawis na kinaiinisan ko ang pabango ng asawa ko.

Hihi.

Oo, asawa ko. Pero. . . ako lang ang nakakaalam.

"Sinabi ko naman kasi sa'yo na huwag kang sosobra sa inom eh," sabi ko sa nakapikit kong bestfriend.

Hay. Mukha tuloy kaming mag-asawa ngayon.

Hindi ko maiwasang mapahagikgik nang sumagi 'yon sa isipan ko. Pero nang maalala ko na bawal pala at imposibleng mangyari 'yon-- agad na nabura ang ngiting nasa labi ko.

"Bakit hindi na lang kasi tayo?" Napayuko ako. "Bakit?" Malungkot akong napangiti. "Bakit hindi na lang ako, Henry?"

Grabe na ang pakiramdam. Naawa ako sa sarili ko. I saw that from one meme. Pero hindi ko inakalang masasabi ko 'yon ngayon dahil sa yawang pag-ibig na 'to. Hindi ko inakalang sa halip na matawa, naiiyak ako habang naiisip ko ang mga salitang 'yon.

"What are you saying, Luke?"

Halos tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses niya. Nang mag-angat ako ng tingin, gusto ko na lang magpalamon sa lupa at mawala nang permanente nang magtagpo ang paningin namin.

Akala ko. . . Akala ko tulog na siya.

Kinakabahan ako. Seryoso ang tingin niya sa'kin habang unti-unti siyang bumabangon mula sa kama. Para bang hindi siya lasing. Ang normal niyang tingnan. Bukod sa kinakabahan ay nainis din ako.

Ang hirap ng pinagdaanan ko kanina tapos gising lang pala siya?!

Nang makaupo, bumuntong hininga siya saka sinalubong ulit ang tingin ko. "Ulitin mo ang sinabi mo kanina."

Napalunok ako.

Kaya ko ba? Ito na ba? Pa'no kung kamuhian niya ako?

Napakadaming tanong na pumasok sa isip ko. Nahihirapan ako. Pero. . . matagal na. Gusto kong. . . Gusto ko nang sabihin kahit sa kanya man lang.

Sa tingin ko. . . Sa tingin ko matatanggap niya ako.

Siya ang dapat unang makaalam. Kilala niya ako. Siya si Henry na tumanggap at kaibigan ko na mula pa nung bata ako.

Napapikit ako.

Kasabay nang pagmulat ko ng mata ay ang paghinga ko nang malalim.

"Mahal kita, Henry." Ngumiti ako sa kanya. "Matagal na. I really--"

Napahinto ako nang bigla siyang magsalita at samaan ako ng tingin.

"What the fuck are you saying Luke?! Nahihibang ka na ba? Anong sinasabi mo?! Bakla ka ba?!"

Right.

Alam kong gan'to ang magiging reaksiyon niya. Pero alam ko rin na matatanggap niya ako.

Oo...

Umaasa ako.

"Yes... Yes, I'm gay. Yes, I'm not fucking straight," sabi ko saka salubong sa mga titig niya.

Pero halos manlumo at mapaatras ako nang makita ang pagkadiri at ang pagkabigo sa mukha niya.

"If you're saying the truth..." Nakita ko ang pagtiim-bagang niya. "This will be the end of this. Ayokong magkaroon ng kaibigang bakla. Ayoko! Hindi tayo talo Luke! Stop--"

Tumawa ako. Pero wala ring kwenta dahil halata namang peke.

"Gago ka ba Henry?!" Pinilit kong ngumiti. Pinilit kong magpakatatag. "Ako? Bakla? Gago! Sinusubukan lang kita!" Tumawa ulit ako. "Nagulat ka ba? It's a fucking prank!"

Sino bang maniniwala sa palusot ko? Sino ba ang tangang maniniwala sa'kin?

"Huwag ka nang magbibiro nang gano'n! Hindi nakakatuwa. Kinabahan ako. Paniwalang-paniwala mo ako!" sabi niya saka sakal sa'kin.

Sabagay...

Tanga at manhid naman talaga ang gagong 'to.

Napaigtad ako nang hinila niya ako pahiga sa kama. "Tara na nga, matulog na tayo."

Napabuntong hininga na lang ako saka napangiti nang mapakla.

Syempre gan'to talaga.

As if I expected something. . .

No. Never. I won't take off my mask again. Hindi na. I don't want to lose them. I don't want them to hate me.

Nakakatakot. Ayoko. Kung hindi tanga si Henry. . . baka layuan niya na ako. Hindi ko 'yon kaya. Pa'no pa kaya kung lahat na nakakaalam?

Tumingin ako kay Henry na ngayon ay nakatalikod na at mukhang nag-uumpisa nang makatulog.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na totoo 'yon. Gusto kong aminin na ang totoong nararamdaman ko. Pero ayoko rin na layuan niya na ako nang tuluyan.

Naramdaman ko ang pagbagsakan ng mga luha sa mata ko. Tahimik na lang akong humikbi. Masakit. Sobra. Gan'to pala. Hindi ko pa nga nasasabi lahat pero rejected agad. Gan'to rin pala yung pakiramdam na umiyak na hindi ka pwedeng marinig ng kasama mo kaya pipilitin mong huwag gumawa ng ingay.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala.

Bakit? Bakit kasi hindi na lang ako naging babae?

Sa sobrang pag-iyak, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising ko, nahiya pa ako dahil mugto ang mga mata ko. Pinalusot ko na lang na kinagat ako ng ipis. Tanga tanga talaga si Henry dahil tinanggap niya naman.

Gago ba siya?! Sa linis at ganda ng bahay nila may ipis?!

Tinawanan pa ako ng gago. Ang hindi niya lang alam, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

At ang nakakainis, parang walang nangyari. Gano'n pa rin ang trato niya sa'kin.

Hindi ko nga alam kung umaakto lang siya.

Ang alam ko lang. . .

Nahihirapan na ako.

Bakit kasi gano'n?

Bakit maling palaso ang tumama sa'ming dalawa?

--

Ito na ngaaaaa! Guuuuys nanditoooo na ang ating baby Lukeeee! 🥺❤️

Sana suportahaaan niyo rin 'toooo! Wuvvyouuu all! ❤️

This is a stand alone story of Luke and Henry. Pwede niyo pong unahin 'to kaysa sa Trapped. But still, I recommend to read Trapped first. :'>

Warning:

Foul words and sexual scenes ahead.

You may also found some typographical and grammatical errors.

You have been warned.

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means whatsoever without express written permission from the author, except in the case of brief quotations embodied in critical articles and reviews.

Wrong DartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon