Kabanata 1

440 38 89
                                    

Míng zî yù

"You're so slow Jade, make it fast!" I rolled my eyes to my brother, Ranzel.

"Alam ko, alam ko, alam ko! I can freaking hear you. I'm not deaf." Sigaw ko pa balik sa kaniya.

He is really annoying.

Naabutan ko siya sa sala at naka bihis na, naka suot siya ng black pants at black polo, while I wear my white dress and my shades. Kahit hindi ko makita ay ramdam ko na namamaga ang mata ko ngayon.

Pag-uwi ko galing sa school na wala akong ginagawa kundi ang umiyak at agad na naggayak. Ngayon ang araw ng libing ni Brix at kailangan naming dumalo. Malapit ang pamilya namin at mag kaibigan sila ng kuya ko kaya hindi kami pwede mawala sa libing ni brix.

Hindi ko maiwasan magalit kay Fiona Ventana, alam ko na siya ang dahilan kung bakit naaksidente si brix. Pero may parte sa akin na sinisisi ko ang sarili ko. Sana pala pinigilan ko nalang siya ng gabing iyon o kaya sana ako nalang ang nag drive ng sinasakyan niya, marunong naman ako.

Pero paano naman? Menor de edad pa ako! Buti nga ay naka lusot pa ako sa mga gwardya sa bar.

"Nakaka ilang bote kana, Brix. Tama na 'yan, please?" Saway ko sa kaniya.

I don't care if they call me 'walang galang' dahil hindi ko kinu-kuya si Brix.

Sa hindi malamang kadahilanan ay naabutan ko siyang mag-isang umiinom ng alak dito. Naka suot pa ito ng damit niya tuxedo, hindi ko alam na dito pala siya nag punta.

Ang sabi ko sa kuya ko ay may bibilhin lang ako. Hindi niya alam na pumuslit na ako dito dahil nakita ko si brix na dito papunta.

He looks so broken and... wasted.

Kahit pinag hahanap na siya ay hindi ako nag-abala na tawagan ang kaniyang magulang. Sasamahan ko nalang siya ngayon. Mas kailangan niya ako. I think so.

Mapupungay ang kaniyang mata ng tumingin sa akin. "Hey! Anak ka ng Ventura diba?" Hindi ako sumagot. Nanatili akong walang kibo. "Paano ka naka pasok dito? Isusumbong kita sa kuya mo." Banta niya.

"Mama mo." Bulong ko.

Humikbi ito. "Imbitado kayo sa kasal, nagustuhan mo ba ang pagtakbo ko? Para akong babae naging runaway groom pa ako" Tumawa ako sa sinabi niya.

That's true and after he runaway, fiona past away; joke, she just pass-out. I wished she just passed away.

"Hindi ka ba babalik? They're looking for you" sabi ko.

He shrugged his shoulder. "Saka na ako babalik 'pag si fiona na ang naghahanap sa akin"

Napatiim bagang ako ng marinig ko ang pangalan ni fiona. Siya na naman, si fiona na naman. Siya na nga ang may dahilan kung bakit ka ganiyan tapos hahanap hanapin mo pa?

Bakit ba mas maraming matatalino na tanga.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko upang hindi mainis. I took a deep sighed.

"Nahimatay si fiona matapos mong tumakbo-" napa tigil ako ng bigla siyang tumayo at dali daling umalis. Naiwan lang ako sa kina uupuan ko na tulala sa kaniyang inasta.

Wow, hindi pa nga ako tapos, e.

Hindi ko alam na iyon na pala ang huling beses na makikita ko ang crush kong si brix. Nabalitaan ko nalang kinabukasan na dead on arival na siya sa ospital.

"Kuya" pag-iyak ko kay kuya Ranzel.

Mas lalong lumakas ang iyak ko nang makita ko na ibinababa na ang kabaong ni brix, I felt my brother's warm embrace. He's hugging me tight.

When Our Skies Collide (Ventura series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon