Kabanata 13

136 18 14
                                    

Jade

"Akala ko para sa akin, bakit sya ang kumakain?" Wow rhyming.

Napatigil sa pagkain si caleb ay naiwan sa era ang kaniyang kamay na akmang kakain. Napa tigil din ako at hindi ko alam ang sasabihin habang nakatulala ngayon kay Elias.

Bakit parang napaka bilis naman ata niyang maka punta dito? Parang kanina lang ay tinatanaw ko siya sa malayo habang nag t-text siya tapos ngayon ay nasa harapan kona siya.

"Uh- ano..." nakagat ko ang labi ko ng wala akong masabing dahilan.

Paano naman niya nalaman na para sa kaniya ang dala kong cake? Did he assume or Ranzel told him already?

"Gusto mo hati nalang tayo, 'ya?" Napa baling ito kay caleb. Inosente niyang inilahad ang tinidor na may cake.

He sighed. "Sayo na 'yan, I don't like sharing" aniya at hinatak ako papunta sa mga bleachers.

Pina-upo niya ako sa may tabi ng tubigan at umupo sa tabi ko, kinuha niya pa ang bag niya na laging niyang gamit sa school at may inilabas na goodmorning towel. Napansin siguro niya ang pagtitig ko at napa baling siya sa akin.

Nangunot ang nuo nito at bumaba ang tingin nya sa leeg ko na tila may hinahanap.

"Asaan ang kwintas?" Tanong niya.

"Uh... iniwan ko sa bahay, baka kasi mawala, eh. Diba importante sa'yo 'yun?" Ani ko. Tumango siya sa akin at kinuha ulit ang cellphone niya saka nag tipa. Gusto kong sumilip pero ayoko naman maging chismosa. "Sino ka text mo?" Biglang tanong ko.

Napa baling siya saakin at ngumisi. "Chicks ko" aniya.

Tila bumigat naman ang pakiramdam ko sa sinabi nita. Right! Gusto ko siya at gusto niya ako, wala namang kami at wala naman kaming napag usapan ma bawal 'yan. He said he likes me but it doesn't mean na titigilan na niya ang naka sanayan niya.

Hindi naman ako pwedeng mag selos dahil wala naman akong karapatan. I shrugged. Like lang naman, mawawala din 'to, hindi naman ito mag tatagal at alam ko na ganon din siya.

But he kissed me! Sa chicks! Anong ibig sabihin ng halik? Ganon na ba ang mga tao ngayon? Pwede na mag kiss kahit gusto lang ang nararamdaman? Kahit walang label? Kahit naman sa pisngi lang- halik pa rin 'yon!

Diba dapat label muna bago kiss?

Label muna bago I love you.

"Jade!" Napa baling ako kay kuya na malayo sa amin ngayon. "I'm your brother! Sa akin ka tumabi!" Asik niya.

Napa-iling ako at tumayo, pilit na ngumiti lang ako kay Elias bago pumunta kay kuya Ran.

Nang maka upo ako sa tabi ni Ran ay narinig ko naman ang malakas na ingayan. Sa entrance ay pumasok si ate jen ate sherine at si kuya lux na naka jersey din ngayon. May dala-dala pang pagkain si Ate jen na malamang ay binili nila habang papunta dito.

Agad na lumapit sa akin sila ate jen at ate sherine samantalang lumapit naman si kuya lux kay caleb na katabi ngayon ni kuya Ran.

Pansin ko na nag sama-sama ang mga mayayaman dito at ang kalaro nila ay ang mga informal settler- pamilyar ang iba sa akin at ang iba naman ay hindi ko kilala.

I don't want to he rude, but what should I call them? Kapuspalad? Squatter? Taga kabilang bakod? Hindi ko alam, iba kasi ang tinuturo sa school about sa mga Informal settler. Ganito ba talaga ang pakiramdam na makasalamuha ng taong hindi kaparehas ng status mo?

I wonder kung ano ang pakiramdam nila?

Sa titig ko ay hindi ko namalayan na naka tingin na sa akin si Elias. He wink at me followed by a chuckle. Napa irap ako at tumuon nalang sa mga kasama ko. I must admit that he's handsome with his old- dirty white jersey na pinaresan pa ng kulay green na jersey short at tila masisira ng rubber shoes. It's not my type but... but I find him more handsome and attractive.

When Our Skies Collide (Ventura series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon