Jade
Sumapit ang araw ng biyernes at nag room-to-room visit ulit ang dance troupe, this time hindi na para mag-promote— kundi para kumuha ng tao na makakasali sa special number.
Maraming natuwa ang siyempre isa ako sa mga natuwa na 'yon. Dahil kung makaka sali raw ay pwede ng maging officially member para sa next year. Kung saka sakali na makapasa ako ay matutupad na ang pangarap ko na maging member nila.
Mababanayag ang galak sa aking mata at nagpapasalamat sa aming Diyos dahil dininig niya agad ang panalangin ko.
"Just put your name here and your contact number, pag tapos ng audition na naka video kina gabihan ay abangan n'yo ang tawag namin." Ani ni ate kris and leader nila.
Nang matapat sa akin ang papel ay agad kong nilista ang aking pangalan at nilagay ang contact number. Ako na ang pinaka huli sa listahan pero wala akong pake kahit mahuli ang pangalan ko, basta maka sali ako.
Nang maka alis sila ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ako makakapag lunch mamaya dahil mag a-audition ako. Didiretso na ako agad sa DT Room.
Hindi ko nanaman makikita si Elias, he'd been busy this past few days at wala kaming oras para magka-usap. Sayang- I really enjoy talking to him. Siya lang naman kasi ang unang tao na kumausap sakin sa San Vicente maliban sa magulang ko.
Kung minsan ay pumupunta ako sa bahay niya pero wala namang tao, siguro ay sobrang busy niya lang talaga.
I don't know what's with him but I keep looking for his presence, I want to hear his voice. I missed him— nanlaki ang mata ko ay napa iling. He is my friend so, I missed him as a friend.
Tama! Tama ganon nga! Friends kami. Friends lang.
Habang papunta ako sa hall ng dance troupe ay hindi inaasahang naka salubong ko naman si Jacob. Ang akala ko ay lalagpasan niya ako kaya nag tuloy-tuloy lang ako pero bigla nya akong hinatak sa braso.
Sinubukan kong pumiglas sa pagkakahawak niya.
"Jacob!"
"Sayo dapat ako eh, kaso sinayang mo ako." Aniya.
Sinayang? Sana kung isa siyang anime character ng mala kaneki, kaso hindi! Mukha naman siyang matchong majinbu!
"Walang sinayang jacob, hindi naman kita gusto kaya tumigil kana" ani ko at pilit na umalis, pero patuloy siya sa pag harang saakin. "Ano ba!?" Asik ko.
"Aminin mo na na nanghihinayang ka. Nasayo na kasi ako pinakawalan mo pa ako"
Hindi ko talaga alam kung ano ang nakakain ng mga ganitong tao at bakit ganito sila kahangin? Kumain ata sila ng sinumpang prutas at ito ang kinalabasan.
"Hindi nga kita gusto! Umalis kana nga at may pupuntahan ako" sabay tabig ko sa kaniya, pinag titinginan na din kami ng mga tao at hindi ako mag tataka kung awayin nanaman ako ni amber.
"Babalik ka din saakin jade. Luluhod ka din sa harapan ko!" Banta nito bago unalis.
Inirapan ko ito ang ang mga chismosang naka tinggin saakin.
"Ano? Tapos na ang palabas, kingina!"
Bumaba ako ng first floor at dumiretso sa Room ng dance troupe, naabutan ko ang iba at ang mga member naman ay nag hahanda na.
Pinapasok nila ako at umupo sa walang gaanong naka upo, ang iba ay lumipat pa sa gilid para maka layo lang sa akin. I don't mind, ayoko din naman ng katabi. Simula ng pumasok naman ako dito ayaw na nila saakin.
BINABASA MO ANG
When Our Skies Collide (Ventura series 1)
Teen FictionVentura series #1 "When did I love you?" (Lady pilot X Steward) Picture not mine credit to the real owner