Jade
"Mama, what's wrong?!" Agad na tanong ko pag-uwi sa bahay at naabutan silang nag i-impake.
"Anak, we need to go back to china-"
"What? Ngayon na talaga?" Asik ko. "Ma, wag naman ngayon." Pag mamaka awa ko.
Hindi ako pwedeng mawala bukas, graduation nila Elias at nangako ako na babalik ako.
"Anak, kailangan ng kuya Ran mo na makita si Dr. Cheng, kaya sana maki sama ka. Hindi naman kita binabawalan sa mga ginagawa mo dito, kahit ngayon lang- at kailangan ka din ng kuya mo"
Napa pikit ako at walang nagawa kundi ang mag Impake ng gamit. Buong mag damag akong lutang at hindi alam ang ginagawa, basta sumusunod nalang ako sa mga sinasabi ni mama.
Ang inaalala ko ay si Elias, ang sabi ko ay babalik ako, may date kami bukas. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan si Elias pero sa kamalasang palad ay lowbat ang cellphone ko.
Bakit na lowbat?! Sa tawag ko lang naman ito ginamit!
Pero hindi ko naman magawang iwan ang kuya ko. Kailangan niya ako ngayon at hindi ko siya iiwan. Sana lang talaga at maka balik agad kami- pero sa tingin ko hindi ko magagawang maka balik bukas, gusto kong mag paiwan pero hindi nga pwede!
Hindi sumama si kuya clark saamin dahil graduation ni ate Hen at ang sabi niya ay susunod nalang daw siya, sana pala ay nag paiwan nalang ako pero huli na ang lahat, nasa eroplano na ako at malapit na sa china.
Sana kung tricycle lang ito na pwedeng mag pabalik kung gusto mong bumalik.
Nang maka rating kami sa china ay nilukob na ako ng kaba, nandito na ulit ako sa lugar kung saan nangyari saakin ang bagay na 'yon, hindi ko pa nasasabi kay mama na naalala ko 'yon dahil problemado pa siya kay kuya, hindi ko gustong maging intindihin.
Ako: Elais, Im in china.
Nag send ako ng message at kasalukuyang nag lalakad sa tulay na papunta sa bahay namin. Nang makita ko na hindi nagsesend ay agad akong nag hanap ng signal lumapit ako sa gilid ng tulat at duon ako naka sagap ng signal.
Pero sa kamalas malasan ay may bumungo sa akin at nabitawan ako ang cellphone ko at napakapit nalang sa bakod. Wala akong nagawa kundi ang mabato sa kina tatayuan at pinag masdan ang cellphone ko na nahulog.
Tumakbo ang lalaking naka bunggo sa akin at agad akong hinatak ni mama dahilan para hindi ko ito mahabol.
Natatakot ako. Paano kung hindi dumating ang text? I can't remember his number at hindi ko alam kung kailan pa kami makaka uwi. I can't stay here for too long- my parents knows that, but kuya needs to see Dr. cheng!
Cheng-ina talaga.
Kinabukasan ay nanatili ako sa bahay habang umalis sila Ahma at tanging si kuya lang ang kasama ko, kaso tulog naman! Hindi ko mapigilang hindi mangamba, ngayon ang graduation nila at ang alam ni Elias ay pupunta ako, hindi ko pa alam kung na send ba sa kaniya ang text ko. Dahil sa kinginang cignal at tanginang lalaking 'yon!
"Gēge...." napa baling ako kuya Ran habang nag lalakad siya at naka tulala. "Kuya nagugutom kaba? What you want to eat?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin.
Hindi ko na sinundan dahil pumunta siyang kusina, maya-maya lang lumabas din ito at wala namang dalang kung ano kaya nagtaka ako.
"Lock the door and don't leave the house, jade" aniya at nag tuloy sa kwarto.
Bumagsak ang aking balikat. Hindi pa siya maayos ibig sabihn ay hindi pa kami makaka uwi.
Lumipas ang ilang araw at hindi parin kami nakaka uwi sa pilipinas, sobra sobra na akong nag-aalala. Ano na kaya ang iniisip ni Elias ngayon? Baka magalit siya saakin dahil hindi ako sumipot. Gustong gusto kong umuwi pero kailangan ako ni kuya dito, laging wala ang magulang ko sa bahay kaya kaming dalawa lang ang naiiwan.
BINABASA MO ANG
When Our Skies Collide (Ventura series 1)
Teen FictionVentura series #1 "When did I love you?" (Lady pilot X Steward) Picture not mine credit to the real owner