Jade'Ihahatid na kita sa inyo' 'yan lang ang naisagot niya sa sinabi ko. Hindi na ako tumutol pa at nagpahatid na rin sa bahay, hindi rin kami nagpansinan pauwi ng bahay at nanatili kaming walang kibo sa isat-isat.
Gaya ng kinakatakutan ko. Natatakot ako sa ano man ang magiging tugon niya. Mabuti na rin siguro na hindi niya sinagot sa confession ko. Mabuti narin na wala akong alam. Mabutin na rin iyon.
Alam ko naman na ang sagot sa sinabi ko. Ano nga ba ako para magustuhan niya diba? Isang maarte na babae! Masama ang ugali! Malayong malayo ako kay ate jen o sa mga chicks niya. Isa pa, hindi maganda tignan sa age namin.
Alam ko rin naman na hindi ako likeable.
"Bakit ka naka simangot?" Napabuntong hininga ako sa tanong ni kuya.
May dala siyang popcorn at inilagay ito sa hita ko tsaka umupo sa aking tabi upang maki nuod.
"Ang pangit ng palabas..." Aniko.
He raised his eyebrows and the side of his lips goes up. "You kidding me right? That's your favorite movie!"
I shrugged. "I don't feel like-"
"May nang-away ba sa'yo, Jade?" Napa baling ako kay kuya at kita ko ang pagka inis sa mukha niya.
Lagi naman may nang-aaway sa akin, wala ng bago. Pero hindi naman iyon ang dahilan.
"Jade..."
"I'm fine kuya, walang nang aaway sa akin. Bored lang talaga ako." Kumuha ako ng pop corn at kumain tsaka binalik ang tingin sa TV.
He sighed. "Where do you want to go? Should I buy you a books or cooked your favorite?"
Agad akong napa baling sa kaniya dahil sa alok niya.
"I have a lot of books, though." I pressed my lips together. "Kaso 'yung fav author ko ipu-published na ang book this month, pwedeng ikaw ang mag-order?" Tanong ko.
Saglit siyang nag-isip at nag-iwas ng tingin sa akin, bumuntong hininga bago nag salita.
"Okay, sabihin mo lang sa akin kung kailan..." Aniya. "S'ya nga pala, balita ko sasayaw ka as special number sa foundation day?"
Ngumiti ako at tumango. "Yes, manonood ka?"
Napa ngiwi siya. "Gusto ko sana kaso baka hindi ako payagan o baka may gagawin. Dubuqui..." Sorry...
"Meiguanxi" it's okay. I smiled wryly.
"But I'll try..."
Lunes ng mag simula ang foundation day naghahanda kami ngayon para sa special number na gaganapin namin. Kinakabahan ako at the same time ay natutuwa, natupad ko na ang gusto ko na maka sali sa dance troupe.
Iniisip ko pa kung manunuod kaya si Elias? Malamang 'yon- kasama namin si ate sherine kaya alam ko na susuportahan niya ang kaibigan niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa kaalamang makikita nanaman niya ako sumayaw.
"Ready kana Jade?" Ngumiti ako kay ate kris. "Huwag ka kabahan, isipin mo nalang na ang mga taong 'yon ay maliliit na langgam lang!"
Sana ganon kadaling isipin.
Pagpasok namin sa stage ay agad na tumutok ang mga tao sa amin. Dinig ko pa ang mga bulungan ng mga tao, marahil ay nagulat sila na kasama ako sa dance troupe.
BINABASA MO ANG
When Our Skies Collide (Ventura series 1)
Подростковая литератураVentura series #1 "When did I love you?" (Lady pilot X Steward) Picture not mine credit to the real owner