Jade
Last two weeks nalang at matatapos na ang school year, naging busy din ako ng isang linggo— or should I say na ginawa kong busy ang sarili ko para hindi makita si Elias.
I did everything just to avoid him. Kahit na ang mga nakasanayan ko ay hindi ko na nagagawa.
Tuwing lunch time ay sa loob ng room ako kumakain at hindi ako pumupuntang cafeteria. 'Pag uwian naman ay dumidiretso ako sa dance room at nag p-practice. Minsan ay pumupunta siya kasama si jen para sunduin si ate sherine.
Pero dahil nga umiiwas ako ay kahit tinatawag niya ako ay nagkukunwari akong walang naririnig.
I was trying to figure out what was going on with me, then I realized that I already liked him. I freaking like him! I don’t even know when it all started. I knew he wasn’t my type. He’s poor and not very hygienic, and he’s not as handsome as Johnrey. He doesn’t smell nice; he smells like wet wood! Despite all of this, I can’t help but be drawn to him.
There’s something about him that’s so genuine and real. Maybe it’s the way he smiles, or how he’s always there when I need someone to talk to. I don’t know how it happened, but I’m starting to like him more and more each day.
Paano ako nagka gusto sa kaniya? H-hindi naman siya gwapo- slight, Oo. Pero 'yung itsura ni Johnrey, walang wala siya.
"Jade, mamamalengke ako. Iwan muna kita dito, ha?" Paalam sa akin ni yaya beth dahilan para mabalik ako sa ulirat.
Napa kurap ako. "Sama po ako..." ani ko na ikina tigil niya. Sabado naman kasi ngayon at wala akong ginawa sa bahay.
"Seryoso ka? Baka pagalitan ka ng mama mo" umiling naman ako.
"Hindi po. Gusto ko lang sumama sa palengke, hindi pa ako nakaka punta doon, " ani ko. Tila nag aalangan naman si yaya beth bago siya tumango.
"Oh, Sige. Basta kung hindi mo nagustuhan doon ay pauuwiin kita ha?" Tumango ako at sumunod sa kaniya.
Naabutan namin sa labas ni kuya coco na kapatid ni yaya beth na akmang papasakay na sa sasakyan.
"Ate, mamamalengke ka? Hatid ko na kayo" aniya.
"Baka may gagawin kapa"
"Hindi, idadaan ko din ito sa carwash kaya isasabay ko nalang kayo" tila na pintig naman ang tainga ko ng marinig ang 'car wash'
Kung hindi ako nagkakamali ang nag tatrabaho din si Elias sa carwash. Nandoon kaya siya ngayon? Hindi kona matandaan kung anong araw siya sa carwash, kung posible na nasa car wash siya malamang ay magkita kami. Iisa lang naman ang carwash dito.
May kalayuan ang palengke kaya inabot kami ng limang minuto sa buyahe bago kami maka rating. Naka kapit ako sa braso ni yaya beth habang ginagala ko ang aking mata sa palengke.
Noong pumunta ako dito ay hanggang labas lang ako, si Elias naman na kasi ang pumasok sa loob para mamili.
Ito pala ang palengke... magulo, Maingay at malangsa ang amoy. Naka bukod ang stall ng isda, manok, baboy at gulay. At 'yung nilalakaran namin ay may pagka basa pa. Nakakadiri.
"Gusto mo bang bumalik sa Van?" Tanong saakin ni yaya beth.
Umiling ako. "Hindi po. Sasama po ako sa pamimili"
Hinabaan ko ang pasensiya ko habang bumibili si yaya, ang sabi niya kasi ay kailangan piliin namin ang bibilhin namin. May mga isda na kasi na balisa na at mga baboy na double dead. Kaya kailangan talaga mag laan ng oras sa pag pili.
Habang namimili si yaya ay may napansin ko ang bigasan sa bandang dulo.
Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko si Elias na nagbubuhat ng sako ng bigas- as usual naka sando nanaman siya. Kapansin pansin ang pag mamadali niya, nang maipasok niya ang mga bigas at binigay ang bayad ay dali-dali naman siyang nag paalam bago umalis.
BINABASA MO ANG
When Our Skies Collide (Ventura series 1)
JugendliteraturVentura series #1 "When did I love you?" (Lady pilot X Steward) Picture not mine credit to the real owner