Kabanata 3

210 28 15
                                    

Jade

"You know guys, nakakasawa na ang paulit-ulit na food sa house," dinig kong sabi ni Chesca.

Kasalukuyan kaming nakagrupo sa lima, at kamalas-malasan ay napunta pa ako sa apat na babaing ito. Kung hindi lang talaga kailangan, ay hindi ako papayag sa activity na ito.

I tried demand and I was fine doing it alone, but my teacher told me that it was supposed to do it as a team and can't be done alone. Sa tingin ba niya lima kaming gagawa nito? At the end of the day, ako lang rin ang ma kakatapos nito.

"Bakit, ano ba ang pagkain n'yo sa bahay?" tanong naman ni Tony.

Using my peripheral vision, I saw how Chesca rolled her eyes. "Korean food, at nakakasawa na. So I ordered Japanese food yesterday," pagmamalaki niya.

Napangisi naman ako. Ano naman kaya ang nakakaproud doon? It's a common food, nothing usual.

Then after a minute, Jessica spoke, another bitch. "Ay ewan, buti nga 'yan lang ang problema mo. Ako, 'yung kotse ko, hindi ko alam kung kulay black or white ba ang bibilhin ko. Maybe I should buy both, diba?"

"You should," pagsingit ni Amber.

Hindi ako makapaniwala sa pinag-uusapan nila, ang yayabang. Akala mo naman mga sariling pera ang gamit, lahat ng luho sa pera ng magulang galing.

Never in my life I would use my parents money for my luho.

It's giving a broke vibes for me.

Pasimple akong tumingin sa cellphone ko para alamin kung anong oras na. I really want to go home. Naiirita na ako sa mga kaartehan nila na wala sa ayos. At least ako, kahit aminadong maarte at may iaarte ako, deserved ko at bagay sa akin.

Maganda ako.

Not like them, pangit na nga conyo pa.

"Jade, bakit ba tingin ka ng tingin sa cellphone mo? Can't you see? We're busy!" asik sa akin ni Amber. I silently rolled my eyes at her.

I cleared my throat.

"Tinitingnan ko kung dumating na ba ang order kong tubig galing Rome," sabi ko at nagpatuloy sa pagsusulat na hindi man lang sila binalingan.

Nagkatinginan silang tatlo. "At bakit ka naman umorder ng tubig sa Rome?!" ani ni Tony.

I raised my eyebrows and gave them a smug smile. "Mauubos na kasi pang mumog ko kaya kailangan ko magpa-refill," and I smiled innocently.

Matapos ang klase ay tumambay ako sa may cafeteria tsaka mag-isang kumain— as usual, ako naman laging mag-isa ang kumakain sa cafeteria dahil ayaw nila sa akin. I don't care, the feeling is mutual naman.

Pero kung minsan ay sumasabay sa akin si kuya kapag may free siya. Pero ngayon mukhang hindi magkasabay ang break time namin.

Naging magka-iba ata ang schedule namin ngayon.

Iginala ko ang aking paningin at nahuli ng pansin ko ang board malapit sa exit ng cafeteria, punong-puno ito ng flyers para sa darating na club opening at election for SSG. I want to run as a president, but I realize that nobody likes me, so never mind. I can still join the dance troupe though.

Saka, I don't think I can become trustworthy leader. Hindi ko nga ma-handle ang sarili ko—sila pa kaya.

Kinuha ko ang flyer ng dance troupe at tinago ito sa bag ko tsaka umalis.

Habang palabas ng gate ay nag-text sa akin si kuya Ran.

Ranzel: Diretso uwi. Mag-ingat ka, pasabi kila mommy ay baka gabihin ako.

When Our Skies Collide (Ventura series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon