Kabanata 28

95 19 24
                                    

Jade

I'm innocent ⚠️

Matapos niyang linisan ang sahig ay agad siyang nag timpla ng kape. Muntikan pa akong mapa irap, hindi niya manlang ba ako bibigyan ng pamalit? Giniginaw na ako dito.

"Ilang taon naging kayo ng boyfriend mo?" Tanong niya ng mailapag ang kape at pag kain sa island counter na hindi kataasan.

Napa angat ang kilay ko sa tanong niya. "Three years- I think. Hindi ko naman kasi binibilang" I said and shrugged.

He just nod his head . "Anong pangalan?"

Napa tigil ako sa pag inom. "Bakit gusto mong malaman?" Naningkit ang mata ko ng mag kibit balikat nanaman siya. "Alvin levough" ani ko.

Sa hindi malamang kadahilanan ay natigil ito. His fist are clenching and jaw tightening while sighing deeply, madiin niya pang pinikit ang mga mata niya. Mukhang may naalala siya na hindi maganda. Kung ano man ang naalala ay labas na ako roon.

Nag kibit balikat lang ako at nag tuloy sa pag inom ng kape. Lamig na lamig na ako.

Natahimik siya at hindi na nag salita, maya-maya ay bigla itong tumayo at umalis habang ako ay naiwan na naka tanga. Ano kaya ang problema niya? Mukha siyang bitter. Hindi naman ampalaya ang ulam pero napapansin ko ang pagiging bitter niya.

After a minute he came back holding a t-shirt and boxer in his hand and handed those to me. At last! Hindi ko pinakita na mukhang excited ako, baka iba ang isipin niya.

"Kunin mo, alam ko na basa 'yang sports bra mo at masama kung matuyo 'yan sa katawan mo. Magpalit kana at mag banlaw" Aniya.

Kinuha ko naman ang damit at nilagay sa gilid saka nag tuloy sa pagkain. On the second thought, kakain muna ako bago mag palit baka lumamig pa ang ulam.

Ganon din ang ginawa niya, pero katakataka ang palagi niyang pag titig saakin. Nararamdaman ko- kahit hindi ako tumitingin ay ramdam ko.

Maya maya lang ay hindi na ako nakatiis at nag tanong na.

"May problema ba?" Ani ko. "Kung ayaw mo ako dito sabihin mo lang-"

"Nahawakan kaba ni alvin?" Biglang bulalas niya na ikina gulat ko.

"A- ano bang tanong 'yan? Boyfriend ko s'ya kaya malamang 'yon" asik ko. Natatandaan ko nalagi niyang hinahawakan ang kamay ko at syempre pag sumasayaw kami talagang may hawak 'yun. "Bakit-" nagulat ako ng tumayo ito at lumapit saakin. "Hoy ano ba!" Asik ko.

Dahil naka upo ako ay hindi ako naka layo sa kaniya, na corner niya ako at pinatong ang kaniyang kamay sa edge ng island counter. His face become emotionless.

What's with you Elias?

Sa hindi malamang kadahilanan ay may kakaiba akong nararamdaman, sa paraan ng pag titig niya- at lalong lalo na sa amoy niya. Amoy kahoy- basang kahoy at gustong gusto ko ng amoy na 'yon. Pamilyar na pamilyar ang amoy niya na para bang matagal ko nanitong gusto pero hindi ko lang malaman kung saan ko naamoy.

"Anong ginagawa mo?" I said breathlessly.

"Jade..." dama ko ang gaan sa pag tawag niya sa pangalan ko.

"Bakit- bakit ganito? Bakit may iba akong nararamdaman?" Tanong ko ng sa hindi malamang kadahilanan ay biglang nag halo halo ang mga emosyon ko. Cringe but, I feel some butterflyin my stomach. "What did you do to me?" Biglang humina ang boses ko.

His jaw tightened.

"Ako dapat ang nag tatanong n'yan, matapos ang mahigit siyam na taon. Bakit? Bakit kapa bumalik?"

When Our Skies Collide (Ventura series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon