Kabanata 15

138 21 27
                                    

Jade

Habang papunta ako sa bahay ni Elias ay may nadaanan akong basurahan na kalat-kalat at may malaking kariton doon. Nilapitan ko ito hindi sa kariton kundi dahil sa ingay na naririnig ko sa loob.

Isang nakaka awang tunog na talagang mapapahinto ka para hanapin kung saan nanggagaling.

Dapit hapon na at kakaunti nalang ang mga tao na dumadaan kaya malakas ang loob ko na lapitan ang basurahan. Wala namang makakapansin sa akin.

Nakaka diri. Ang dumi-dumi ng basurahan, pero hindi ko naman kayang iwan ang nasa loob ng kariton. Kaya kahit nandidiri ay kinuha ko ang kariton at nilagay ito sa may tabi ng bike ko.

I didn't mind how dirty it is. All I want is to save this poor thing from cruel people who abandoned.

Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang itim na kuting na tila Ilang araw palang bago ang lumipas ng maipanganak ito.

"Kawawa ka naman..." bulong ko dito. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at binalot ang kuting.

Mas lalo itong nag-ingay habang binubuhat siya at binabalot sa panyo. She's so thin and fragile, natatakot ako sa paghawak dahil baka masaktan ko siya.

Inilagay ko siya sa basket katabi ng lalagyanan na may ulam. Habang tumatagal ay dumidilim na ang daan pero kampante ako dahil kabisado ko naman na ang gubat.

Nang maka rating ako sa bahay ni Elias ay agad akong umakyat sa puno, hindi niya alam na pupunta ako at sinadya ko iyon para masupresa siya. Inilapag ko ang pusa sa gilid.

"Puro kahoy ang laman ng bahay ko kaya kung gusto mo mag nakaw- 'dun nalang sa kapit bahay ko" natigilan ako sa narinig ko.

Naramdaman niya siguro ang pag dating ko, humakbang ako para sana kumatok ng biglang bumukas ang pinto. I can see through his eyes the relief when he saw me then he took a deep breath.

"Ming ..."

"Wala ka namang kapitbahay, sinong nanakawan ko?"

He chuckled. "Loko..."

Ngumiti ako. "Naistorbo ka kita? May dala akong pagkain."

"Nag-abala ka pa. Hindi naman kailangan." Sabi niya.

Ngumuso ako. Parang hindi naman siya natutuwa na makita ako. I scanned his body. Naka sando na naman siya at short na hanggang tuhod.

Iilan ba ang damit niya at tila Paulit-ulit.

Dumako ang tingin ko sa matitipuno niyang braso. I bit my lower lip as an imaginary figure flashed in my mind, captivating my thoughts. I couldn't help but envision his muscles growing firm and tight over time, sculpting his physique into something even more impressive. The thought of his transformation, becoming stronger and more defined, lingered in my mind, making my heart race with anticipation.

"Elias..." I called his name.


Tumuwid siya ng tayo at tila tinignan ang kabuuan ko. Napa nguso ako at inabot sa kaniya ang lalagyan ng pagkain.

"Bakit?" tanong niya.

"Bagay sayo ang sando. Kitang kita ang muscle mo."

Tumawa niya sabay flex ng muscle. "Talaga? Maliit pa nga 'yan, eh. Kapag nagka-time ako mag-try ako mag-focus dito." Aniya. "Tara, samahan mo ako kumain."

Tumango ako at akmang hahakbang ng may maalala ako. Yung kuting! Dali dali akong lumabas at naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Elias. Naabutan ko sa labas ang kuting na itim at magimbing na natutulog. Pinulot ko ito at pinakita kay elais.

When Our Skies Collide (Ventura series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon