Jade
"I think you should go home and changed" napa baling ako sa kaniya habang nilalaro ko si miming.
Nangunot ang nuo ko.
"It's fine, komportable naman ako sa suot ko at lagi ko naman itong suot nion." Ani ko. Kapagkuwan ay pinasadahan ang tingin sa sarili ko. "Kabastos bastos ba ang suot ko, Elias? "
Umiling siya saakin "wear anything you're comfortable with, I don't mind. Wala naman sa pananamit ng babae ang kabasto basto, nasa isip 'yan ng mga lalaki."
I slightly pouted my lips para maiwasan ang nagbabadyang ngiti.
"Thank you Elias..."
He raised he eyebrows and I saw how his jaw tightened and lick his lower lip. What's with him and his sexy look? He can make every woman droll over him- i mean, gwapo kasi siya o baka ako lang ang nag iisip nun? Sabi ganoon daw pag mahal mo ang tao, lahat sa kaniya ay maganda.
"Lets go on a date" aya ko sa kaniya na ikina gulat niya. "Uh... hindi kasi tayo nakapag date kaya ngayon nalang natin ituloy-"
"Go and changed then we'll date" Napangiti ako"Ihahatid na kita-"
"Hindi na-"
Dumaan ang takot sa kaniyang mga mata "Jade..." tawag niya sa akin. "The last time na hindi ka nagpahatid sa akin ay ilang linggo kang nawala, ihahatid na kita, please?"
I can't stand seeing him like this, so I nodded and let him take me home.
Malayo sa bahay pero alam ko na tanaw niya ako ng pumasok ako sa bahay, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa nasasabi sa magulang ko ang tungkol kay elais. Kinakabahan ako sa sasabihin nila, pero hindi naman habang buhay ay maitatago ko ang tungkol saamin.
Agad akong naligo at nag suot ng short at simple hanging blouse tapos ay pina resan ko ng doll shoes. Nag lagay pa ako nang kaunting lip gloss at pulbo para maging maayos. Should I put some eyeliner? I think it's not necessary.
Pag labas ko sa kwarto ay naabutan ko si West and I think he was about to knocked.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano nanamang kailangan mo?" Asik ko sa kaniya.
"Kailangan-" bulong nito. "Ah! I'll go to the mall and buy my stuff can you accompany me, cousin?" Inirapan ko sya.
"Hindi pwede!" Ani ko ay nilagpasan siya.
"But- I didn't brought my hello kitty stuff toys and i want to buy a new one, please cousin."
Inis akong humarap sa kaniya.
"Magpasama ka kay kuya- kay yaya beth- kay mang coco, 'wag lang sa akin dahil may lakad ako," ani ko at dali daling umalis sa bahay. Dala dala ko ang bike ko habang papunta kila elais.
Napahinto ako nang maka kita ako ng eroplano at mababa lang ang lipad nito, marahil ay pababa na ito. Napa ngiti ako. Konting tiis nalang at isa na ako sa mag papalipad ng mga eroplanong 'yan. I will be a great lady pilot someday. I giggle when i imagine myself wearing a pilot uniform.
Siguro ay bagay na bagay saakin 'yun, tapos si Elias ay flight attendant...
Simula bata talaga ay iyon na ang pangarap ko. Mas marami nga akong laruan na eroplano at iilan lang ang dolls at puro naka display lang ang iba dahil sa malimit kong gamitin.
Hindi pa ako nakaka rating sa may bahay ni Elias naabutan ko na siyang nag hihintay sa may bakod, naka jeans at nagulat ako ng makitang nala t-shirt siya. I was imagining before on how he may look with shirt? But damn, it suits him well.
BINABASA MO ANG
When Our Skies Collide (Ventura series 1)
Teen FictionVentura series #1 "When did I love you?" (Lady pilot X Steward) Picture not mine credit to the real owner