Kabanata 5

192 27 16
                                    

Jade

"Elias..." mahinang usal ko.

Dinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga at paglapit sa akin. Pinanatili niya ang distansya sa aming dalawa dahil alam niya na hindi ako komportable 'pag may naka dikit sa akin.

Malalim ang kaniyang paghinga at tila kinakalma ang sarili. Ang bilis niya nakapunta rito, may lahing cheetah ba ito? Napaka tulin.

Nakita ko lang ang mukha niya ng umilaw ang cellphone niya at tila may ka text. I was amazed because he typed so fast, mukhang bihasa na siya. Ikaw ba naman dala dalawa ang ka text, eh.

Matapos ay pinatay niya ang cellphone niya at balik ulit kami sa kadiliman ng lugar.

"Hindi kapa uuwi?" Tanong nito. Sumandal ako sa puno at pumikit.

"Ayoko, kung gusto mo umuwi— umuwi kana. Ayos lang ako dito." Ani ko.

Sandaling katahimikan ang namutawi saamin dalawa at bigla siyang nag salita.

"Gusto mo pumunta muna sa bahay?" Napa dilat at napa baling sa kaniya. Alam kong hindi niya ako makikita dahil sa dilim pero tumango ako.

"Asaan ba ang bahay mo?" Tanong ko.

He chuckled. "Turo ko sa 'yo" aniya at tumayo. "Akin na kamay mo" inangat ko ang kamay ko at naramdaman ko ang paghuli niya dito. Naramdaman ko nanaman ang magaspang na kamay niya na tila babad sa trabaho.

"Nasaan ba ang bahay mo?" Ulit ko at hinigpitan ang kapit sa kaniyang kamay.

"Makaka akyat kaba?"

"Ha?"

"Makaka akyat kaba ka 'ko? Nasa taas kasi ng puno ang bahay ko" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seriously? Sa taas talaga ng puno. "Nakaka gulat diba? Wag kang mag-alala, may patungan naman ng paa." Then he chuckled.

Nagulat ako ng umilaw ulit ang cellphone niya.

"May flashlight pala 'yan?" Tukoy ko sa cellphone niyang 3310.

Napasingap ito. " 'Wag mong minamaliit cellphone ko, may alagang ahas 'to" aniya. "Dito tayo, ingat ka sa nilala karam mo, ah?"

"Wala bang ahas dito?" Aniko. Naka tutok sa daan ko ang flashlight kaya nakikita ko ang daan ko.

"Meron" natigila ako. "Pero kina usap ko naman sila, sabi ko 'wag ka nilang kakagatin" sabay tawa nito. Mahinang hinampas ko naman ang braso nito.

"Hindi naman nangangagat ang ahas!" Asik ko. "Nanunuklaw sila tapos pipilipitin ang katawan mo hanggang sa madurog ang buto mo at malulon ka ng buo" ani ko.

"Sawa ba ang tinutukoy mo?" napa baling ako sa kanya.

"B-bakit? Anong ahas ba ang nandito? King cobra? Same lang naman lahat ng ahas, ah?!"

I heard him chuckled. "You're indanger" He mimics the famous meme.

Huminto kami sa malaking puno pero hindi siya kataasan, wala naman akong makita ng tumingala ako pero may nakita akong mga kahoy na mukhang patungan ng para maka akyat.

"Kaya mo? Mauna kana." Aniya. Tumango naman ako at sinimulang akyatin ang punto.

Ilang hakbang lang ang ginawa ko at narating na ang taas, bumungad agad saakin ang pinto na gawa sa kawayan. Nagulat ako ng biglang may tumulak sa akin dahilan para mapa usog ako.

Sinamaan ko ng tingin si Elias dahil sa pagbangga niya sa akin.

"Sorry, halika na. Pasok tayo sa loob, tapos uuwi na kita ha?" Aniya. Kahit ayaw ko pang umuwi ay napa tango nalang ako.

When Our Skies Collide (Ventura series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon