Jade
"Dito mo nalang ako ihatid" huminto ako sa pag pedal at ganon din ang ginagawa niya.
Tumango si Elias.
"Sige... titignan kita hanggang sa maka pasok ka sa inyo" aniya.
Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses, pero wala naman akong magawa. Hindi pa naman kasi alam ng magulang ko ang tungkol kay Elias. Hindi ko din alam kung kailan ko sasabihin, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni mama at papa.
Maybe in time, pag may lakas na ako ng loob at kaya kona. Don't worry Elais, hindi kita kinakahiya, hindi bale pag nasabi ko na baka isigaw ko pa sa Mundo na akin ka.
Tumango ako. "Salamat sa paghatid" ani ko at tinungo ang bahay.
Isang beses ko pa siyang sinulyapan sa kalayuan bago tuluyang pumasok sa bahay, agad na nawala ang lungkot ko ng marinig ko ang ingay sa hapag. Malamang ay ang pamilya na iyon ni kuya. Mukhang nasa mabuting pamilya nga siya.
Pinag halong excitement at kaba ang nararamdaman ko habang papunta sa hapag, mukhang mabait naman ata ang kumupkop kay kuya. Sana nga.
Nang maka pasok ako sa pinto ay lahat sila napa baling sa akin.
Ang naka ngiti kong mukha ay napalitan ng gulat at pag tataka habang tinitignan ang pamilyar na tao na kumakain kasama ang magulang ko. Ngumiti saakin ang pamilyar na babae at lalaki.
"Hi baby girl" ngiting sabi ni ate jen.
Hindi ko alam ang sasabihin ko at tila natuod pa ako sa kinatatayuan ko. Nag iilusyon lang ba ako?
"Maupo kana Apo, batiin mo ang kuya mo" napa baling ako kay Ahma at duon lang ulit bumalik ang ngiti ko.
"Kuya...?" usal ko. Naramdaman ko ang biglang pamamasa ng mata ko. "Kuya Clark..."
Biglang tumayo si lux at lumapit sa akin, pero bago pa siya tuluyang maka lapit ay tumakbo na ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. I buried my face to his chest and cried out loud.
What the hell. Hindi ko alam na ang lalaki na nakakasama ko noon ay kuya ko pala. Bakit hindi napansin.
He doesn't look like our Mom and Dad so how?
Hindi ko akalain na ang hinahanap kong kuya ay nakakasama ko na, nadadaanan ko at nakaka-usap ko. Ganito ba talaga ka mapaglaro ang tadhana? Bakit hindi ko nakita, bakit hindi ko napansin, bakit hindi ko binibyan ng pansin ang gut feeling ko?
Mahigpit niya akong niyakap, nararamdaman ko rin ang pag halik niya sa aking ulo habang nag sasalita.
"Sorry- I forgot you, I forgot about you. sorry baby. Nakalimutan kita- Nakalimutan kita, I'm sorry" Umiiling ako habang nag sasalita siya. "Hindi kana kakalimutan ni kuya- hindi na" He cupped my face and he dry my tears sing his thumb. "Madami kang ikukwento sa akin" tumango ako at ngumiti siya.
"Mag lalaan ako ng maraming oras para mag kwento sayo... kuya"
Mas lalong namasa ang mga mata ko ng bangitin ko ang salitang kuya. Ang lalaking dahilan kung bakit ligtas ako, ang dahilan kung bakit hindi ako nawalay sa pamilya ko, ang nagbuwis ng buhay niya para maligtas ako. Ang kuya na na nasa harapan kona ngayon.
"Ang tagal ka naming hinanap nasa kabilang village ka lang pala."
He chuckled and wipe his tears. "Halika na..."
Inalalayan niya ako para maka upo sa hapag at tumabi sa akin ng upo. Napansin ko ang pasimpleng pag punas ng luha nila mama at papa, ganon din sila Mrs. And Mr. Ventana, habang si ate jen naman ay umiiyak din.
BINABASA MO ANG
When Our Skies Collide (Ventura series 1)
Ficção AdolescenteVentura series #1 "When did I love you?" (Lady pilot X Steward) Picture not mine credit to the real owner