Three

47.6K 1.6K 113
                                    

GRISS

      

"Bakit ba hindi ako binibigyan ni bossing Flame at master Aeickel ng ibang misyon? Ayaw ko na sa misyon ko," bugnot na bugnot na himutok ko kay Neptune.

      

"Ilang beses kong sasabihin sa'yong tawagin mong Night si headchief, ang kulit mo talaga!" Saka niya ako dinagukan kaya't binigyan ko siya ng matalim na tingin.

      

"Hindi porke't mas mataas ka sa'kin ay papayag na akong saktan mo 'ko," malamig kong wika rito.

      

"Kalma! Sorry," paghingi niya ng paumanhin.

      

Bigla ang pagdaan ng isa sa mga senior ko kahit na mas matanda ako sa harap ko. "Aeignn!" Anak siya ni master Aeickel. Panganay iyan pero hindi namin gaanong nakakausap. Magkasingtahimik sila ni Aeiryn.

        

"How many times do I have to tell you to call me Dark?" Malamig ngunit puno ng iritasyon na wika niya. Wala talaga akong hilig sa pagtawag ng mga code name nila lalo na kapag narito lang naman kami sa Phyrric.

     

"Aeignn ang pangalan mo, kaya Aeignn ang itatawag ko sa'yo," saka ko siya nginisian. "Pasabi naman kay master Aeickel ilipat na ako ng misyon, ayaw ko na sa Mondragon na iyon," pagpapaawa ko dito.

        

"What's wrong with kuya Ayler?" Pagpasok bigla ni Aeiryn sa senaryo. Isa rin sa mga senior ko na kakambal nitong si Aeignn.

      

"W--Wala naman Aeiryn," saka pa ako tumawa at napakamot sa batok.

        

"Have you developed some feelings with my cousin?" May panunuya ang tinig na iyon ni Aeignn kaya't hindi ako nakasagot agad.

         

"MGA BATANG 'TO! IWAN KO NA KAYO!" Kabadong pahayag ko saka ko sila nilayasan.

     

Ibang iba ang ugali ng bunso nilang kapatid na si Aeidan sa kanilang dalawa. Si Aeidan lang sa kanilang tatlo ang hindi pumasok sa Phyrric. Mas pinili ni Aeidan ang maging isang professor sa isang unibersidad at part time model sa agency ni Daddy.

     

Palabas na ako nang Phyrric nang makakita ako ng toro--- este tao na umuusok ang ilong at tila ako yata ang target na suwagin.

        

"WHY DIDN'T YOU COME TO WORK THIS MORNING!?" Galit na galit na wika niya. Kayang kaya niya akong kainin ng buhay ngayon.

       

"AYOKO LANG!" Pagmamatapang ko, pero ang totoo kasi talaga niyan, ilang na ilang ako sa kupal na ito ngayon. Hindi ko alam paano ko pagtatakpan ang sarili ko sa ginawa kong kahihiyan.

    

*****

    

Tila isa rin ako sa nalulunod sa nainom niyang alak at hindi lang siya dahil sa ipinapalasap niya sa akin na klase ng halik ngayon na alam ko sa sarili kong hindi ko alam kung paano tutugunin.

     

Ibang klase ang halik na ito na hindi ko maikukumpara sa iba sapagka't wala pa naman akong ibang lalakeng nahalikan sa tanang buhay ko kaya nga't iniyakan ko ang pagnanakaw niya sa unang halik ko, ngunit ito ako ngayon at nakikisalo sa langit na ipinalalasap ng labi niya.

The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon