Seventeen

36.4K 1.2K 185
                                        

GRISS

     

"OYYYYYYY!" Napalingon ako sa tinig na iyon na nakapagpawala ng pagkakatulala ko.

     

"Malayo nanaman nilalakbay mo pogi," wika sa akin ni Elle. Si Jo pala ang sumigaw sa akin dahil siya ang nakataas ang kilay kahit hindi naman talaga visible ang kilay niya.

        

"May iniisip lang," sagot ko sa kanila.

          

"Broken ka?" Napalingon ako at nakita ko si Charisse na alanganin na nakangiti sa akin, tila ba tinitimbang niya ang mood ko kung tama ang banatan niya.

       

"Paano mo naman nasabi?" Wika ni Nurse Jethsy na kakapasok lang ng lounge area kung nasaan kami ng ibang agents.

      

"Malalim ang mga mata, malalim ang iniisip, malayo siya sa atin mentally, malayo ang tingin and she's not the usual Grasa of Phyrric," sagot ni Charisse.

       

"May iniisip---"

     

"May iniisip din naman kami pero hindi ganyan ang itsura namin. May problema ka?" Sabat ni Elle sa amin.

          

"At isa pa, kanina pa ako dada nang dada dito, pero akala mo nakikipag-usap pala ako sa hangin," animo nagtatampong wika naman ni Jo.

      

"Mayroon lang talaga akong iniisip na side mission. Napag-usapan kasi namin ni Missy 'yon kanina," pagpapalusot ko na sana naman ay lumusot sa mga usyuserang mga 'to. Kasalanan ko rin, kung bakit dito pa kasi ako tumambay.

       

"Weh?" Halos sabay-sabay na wika nila sa akin.

      

"It's her story, just let her be. Kung hindi willing magkwento, hayaan niyo na. May mga taong sadyang mas gusto nilang pasanin mag-isa ang mga problema nila kaysa ibahagi pa sa iba," wika ni nurse Jethsy sa kanila.

     

"Learn from the old maid guys," pang-asar naman ni Nurse Sab dito. Napapailing na tumayo ako at naglakad patungo sa pantry.

         

Nagkalkal lang ako kung mayroon pa bang milo and luckily may isang pack pa. Nang kukuhanin ko ito ay may isa pang kamay ang aabot nito. Paglingon ko ay si Callia na wala nanamang kahit anong ngiti sa katawan.

      

"Sa'yo na," wika ko na mabilis naman niyang sinunod.

       

"Hindi sugar ang kailangan mo kung nanghihina ka," napalingon ako sa ginawa niyang pagsasalita.

        

"Hindi naman ako nanghihina---"

       

"But your body says it all. You need rest and absolute calmness of mind. Hindi pwedeng ganyan, baka bigla ka nalang bumagsak," minsan napapabilib din ako ni Callia dahil napakabilis niyang mag-analyze ng isang tao physically.

        

"I'm fine. Huwag mo 'kong intindihin," wika ko. "By the way, hindi ko nakikita ang ibang agents?" Usisa ko.

The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon