Eight

38.6K 1.4K 174
                                    

GRISS

       

"Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako kay Aeiryn na ngayon ay matamang nakamasid sa akin.

         

"I'll spend the night here, just leave me alone," sagot ko sa kanya saka muli kong ibinalik ang atensyon ko sa telepono ko.

         

"Our mission for tomorrow isn't like the usual ones. It can get us killed. Why aren't you spending your time to the ones you love?" Usisa niya.

         

"Alam kong makakabalik ako, tayo. Naniniwala ako sa kakayahan---"

       

"I hate dramas. You must be running from something, or maybe someone," muli akong napatingin sa kanya at nakita ko siyang nakangisi sa akin.

      

"Kung babasahin mo lang din naman ako gaya ng nanay mo, feel free." Saka ako tumayo at pinakalapit ang mukha ko sa kanya ngunit tinulak lamang niya ako.

        

"I don't have to read you, Griss. Every word you want to say was clearly written all over your face," saka ako nito inismiran at tuluyan akong tinalikuran. Manang mana talaga sa pinagmanahan.

         

Pumasok ako sa loob ng jail facility sa Phyrric. Madalang na madalang akong pumasok dito dahil mas gusto ko ang interrogation room na iisipin mo kung kriminal ba ang isang tao o hindi, 'di gaya rito na alam mo na napatunayan na sila bilang mga kriminal.

      

"Anong ginagawa mo rito, Inferno?" Napatingin ako kay bossing Alistair na siyang nakabantay ngayon dito.

          

"Wala lang bossing. Dito ako magpapalipas ng gabi sa Phyrric," sagot ko saka ko lumakad patungo sa mga selda.

      

May isang bakanteng selda ngayon dito sa unahan dahil namatay sa atake sa puso ang ama ni tito Nigel na si Harrold Ricafort na gustong pumatay sa kanya. Ayoko sanang makialam doon, ang kaso ipinagluksa rin naman siya nila master kaya't nalaman ko.

           

"Alam ko kung sinong hinahanap mo," halos mapakislot ako sa tinig na iyon at nalingunan ko si bossing Vega na may tulak na cart na nilalagyan ng rasyon ng pagkain ng mga nakakakulong.

         

"Bossing---"

       

"Matagal ng wala dito si Vanessa at ang anak niyang si Verico, pinadala sila sa malayo ni Madam Cassandra at may nakasubaybay sa kanilang agent," sagot sa akin ni boss Vega.

        

Si Vanessa ay isa rin sa mga nakakulong dito at buntis siya noon, naging kaibigan ko ang anak niyang si Verico ngunit ngayon nga ay wala na sila rito. Sa pagkakaalam ko, kapatid ni tito Nigel si Verico sa ama kay Vanessa.

        

"Kailan pa boss?"

      

"Mula nang magpasya kang hindi na pumunta kahit kailan dito sa jail facility," sagot sa akin ni boss Vega saka na nagpatuloy sa pagrarasyon ng pagkain.

          

Laglag ang balikat na nilisan ko ang lugar na iyon at tumungo ako sa silid ko rito sa Phyrric saka ako nahiga.

The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon