Five

41.1K 1.3K 131
                                    

GRISS

"WHAT THE HELL IS THE MEANING OF THIS AYLER LIAM AND GRISS NAIREN!?" Higit pa yata sa salitang takot ang nararamdaman ko ngayon sa pag-uulit ng taong nasa harap namin ang tanong niya.

"I kissed her, there's nothing---" nakatikim siya ng matinding dagok mula kay tito Cloak.

"You're kissing your bodyguard in your office and you want to act so cool!?" May pagtaas sa boses ni tito Cloak at ako naman ay tahimik lang na nakamasid at nakaupo. Para kaming--- ako lang pala, para akong kinder na pinapagalitan ng teacher dahil nahuling nagnakaw ng pagkain ng kaklase.

"Why, Dad? You and Mom did more than just kissing when she was your secretary--- Ouch!" This time ako ang kumurot sa tagiliran niya. Nakakahiya siya! Pati mga magulang niya iniintriga niya!

"Me and your Mom were married then, kayo ni Griss? Ano kayo?" Mapang-asar na wika ni tito Cloak na animo nais niyang painitin ang ulo ng sarili niyang anak.

"We're...."

"We're?" Panggagaya niya sa anak.

"W--We are nothing po tito Cloak. Inaasar po kasi ako ni Ayler kaya bigla akong hinalikan," natatawang umiling-iling naman si tito Cloak sa isinagot ko.

"Such a slow and weak kid," makahulugan niyang turan habang magkatitigan silang mag-ama. "Kung gusto mong halikan ng halikan si Griss, then give yourself some decency and give yourself a label. You cannot kiss a woman just because of the word 'asaran'."

"Dad!" Singhal niya na animo nakiliti nito ang weakest point to target niya.

"What!? I'm just telling the real deal. And you Griss," baling sa akin ni tito Cloak na ikinakaba ko. "Huwag kang magpapahalik kung wala kang balak magbigay ng karapatan sa taong humahalik sa'yo," nakangisi niyang wika sa akin.

"DAD!!"

"And by the way, I came here to tell you that I will only give you the full authority of the company, if you get married before 30," saka pa ito kumindat at tuluyan ng umalis ng opisina ni Ayler.

Binalingan ko siya ng nanlilisik na tingin saka ko siya pinagsusuntok sa braso. "KUPAL KA KASI! BUGOK! BUGOK! BUGOK!!"

"ARAY!"

"KUNG HINDI KA TALAGA KUPAL, MANGHAHALIK KA NG MANGHAHALIK KAHIT HINDI NAMAN KITA KAANU-ANO!" Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko na sumusuntok sa kanya at kinabig ako palapit.

"Bakit? Nagustuhan mo naman, ah?" Nakangisi at mayabang niyang pahayag.

"A--Anong pinagsasasabi mo!?" At nagpapasag ako bago tuluyang nakawala mula sa kanya.

The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon