Thirteen

37.7K 1.3K 87
                                    

GRISS

    

Hatak-hatak ko siya ngayon patungo sa palabas ng Phyrric.

      

"Saan mo ako---"

      

"Itatapon kitang kupal ka. Nuknukan ka ng warfreak!" Sigaw ko sa kanya na hindi natuloy ang dapat na sasabihin niya.

       

"I'm just claiming and fencing my territory, what's wrong with that?" Animo inosente niyang tanong sa akin.

       

Saktong nakalabas na kami at narito na kami sa harap ng sasakyan niya kaya binitawan ko na siya. "Territory mo mukha mo! Sinabi ko na hindi mo pa rin ako girlfriend---"

       

"Of course, because you're my fiancé!" Aba't talagang napakatigas ng mukha niya.

       

"Anong fiancé!?" Maagap kong tanong sa kupal na lalaking nasa harap ko.

      

"Hindi ko kasi masabing wife, pero pwede na rin lalo na't nauna na ang honeymoon---"

      

"KUPAAAAALLLLLL!!!" Akala ba niya hindi nakakahiya sa mga dumadaan. Jusko!

        

"You have to accept the fact that you belong to me," bigla ang pagseryoso ng tinig niya na animo nababalutan ng madilim na aura.

      

"Lagi mo 'yan sinasabi, halos kabisado ko na," pagmamatapang na sagot ko sa kanya.

    

"Dahil iyon ang totoo," saka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko ngunit bahagya siyang yumuko dahil mas matangkad siya kahit na 5'9ft. ako. Mga 5'11ft. siya sa palagay ko.

      

"A--Anong totoo?" Kapag talaga nalalapit siya sa'kin, para akong nalalasing na hindi ko alam. Parang gusto ko nalang mag-goodbye earth.

       

"Sa akin ka. Bata ka palang minarkahan na kita na balang-araw magiging akin ka. Kahit sa anong paraan, kahit maraming dahilan, sa akin pa rin ang magiging bagsak mo," turan niya na diretso sa mga mata ko. Wala kang maapuhap na panloloko sa mga mata niya, puno ito ng sinseridad at pagpapatotoo.

     

"H--Hindi na nakakatuwa 'yang sinasabi mo!" Hindi ko alam kung may kilig ba ang singhal kong iyon o ano. Kung anu-ano ba naman ang sinasabi sa akin ng walang hiyang nilalang na 'to!

        

"It was always my intention to get married with you, to have a family with you, to build my future with you. You were always in my plans. You were always in my vision of my future. You were always included in the calculations of my life," wika niya saka ako hinigit para yakapin ng mahigpit.

      

"Ayler."

     

"Kaya patawarin mo ako kung binabakuran kita, lumaki akong may kahati sa lahat ng bagay, kaya't ayokong hanggang sa'yo may kaagaw ako. Hangga't kaya kong ipangalandakan sa madla na akin ka para hindi ka na nila pagtangkaang agawin, gagawin ko," saka ko naramdaman ang mga labi niya sa ulo ko at ang mas pinahigpit niyang yakap sa akin.

The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon