Twenty-five

35.1K 1.1K 73
                                    

GRISS

     

Narito kami ngayon sa bahay nila Ayler kung saan narito rin sina tita Aiyell, tito Cloak, Ayce, at Ayrill. Nakaharap sila sa amin ni Ayler na animo ba inuusig kami sa paraan na sila lamang ang may alam.

           

"Manang Esther, makikuha nga muna po si Ayrill at dalhin n'yo sa playroom, kakausapin lamang po namin ang mga batang ito," wika ni tito Cloak sa kasambahay nila na agad naman nitong sinunod.

  

"Hindi namin nalaman na mag-nobyo at mag-nobya kayo tapos ngayon sasabihin mo nabuntis mo si Griss?" Panimulang atake sa amin ni tita Aiyell habang nakataas ang kilay kaya't talagang kinakabahan ako.

        

"Since I was young Mom, I already told you na si Griss lang ang gusto kong maging asawa at si Griss lang ang bubuntisin ko," sagot niya sa Mommy niya na gusto ko tuloy siyang dagukan. Ang kupal niya!

      

Napayuko ako dahil sa kahihiyan na dinadala sa akin ni Ayler. Walang preno ang bibig niyang nakalamon yata ng dila ng manok!

         

"Yes and I agreed with your idea, pero hindi ko sinang-ayunan na buntisin mo si Griss bago mo pakasalan!" May gigil sa tinig ni tita Aiyell na para bang nais niyang kurutin sa tagiliran ang anak.

         

"Baka maunahan kasi ako ni Ayce," bulong niya habang nakanguso na rinig naman naming lahat. "Inagapan ko lang ang sitwasyon---"

         

"AYLER LIAM!" Napakislot ako sa pagsigaw ni tita Aiyell na pumutol sa dapat pang sasabihin ni Ayler.

         

"What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Mom. Alam mo namang maliit palang kami, ang gusto na talaga ni Griss ay si Ayce," sagot pa rin niya.

        

"So.... pinikot mo siya?" Napaangat ang tingin ko kay Ayce na ngayon ay nakangisi sa kakambal niyang mukha nagsisimula nang mapikon sa kanya.

        

"Walang pikutan na naganap sa amin! Alam kong alam mo 'yan! Isa pa, hindi ba't kayo naman talaga ang may dahilan kung bakit naging ganoon ang nangyari sa amin---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang tumayo si tito Cloak at pinanlisikan si Ayler ng mata na sobrang ikinatakha ko.

         

"Shut up," nakakakaba ang tinig ni tito Cloak pero parang kabado rin siya sa dapat na sasabihin ni Ayler.

        

"What now, Dad? Siguro hindi alam ni Mommy 'no?" At sa lubusan kong mas lalong ipinagtakha ay nakangisi na ngayon si Ayler habang nakatingin sa sarili niyang ama.

        

"Ano bang pinaggaganyang ninyong mag-ama? May hindi ba ako alam?" Tanong ni tita Aiyell na siya rin naman talagang nais kong itanong.

         

"Yes, Mom." Sabat ni Ayce sabay nginisian din si tito Cloak.

          

"And what is it? Care to tell, o pare-pareho ko kayong palalayasin?" Bakit ba ganito ang mga Freezell at Mondragon na ito? Nakakatakot silang mag-usap.

The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon