GRISS
If I was the question, would you be my answer?
If I was the music, would you be the dancer?
If I was the student, would you be the teacher?
If I was the sinner, would you be the preacher?
Would you be my...
N' dun d-dun dun
I still got a lot of shit to learn, I'll admit it
N' dun d-dun dun
I still got a lot of shit to learn, I'll admit it
Sinasabayan ko lamang ang kanta sa taxi na nasakyan ko pabalik ng Phyrric. Hindi ko na hinintay na magising pa siya, hindi dahil natatakot ako na baka hindi na niya ako paalisin lalo na ngayong nakuha na niya ako, kung hindi dahil natatakot ako na baka dahil lamang sa gamot kaya't nangyari ang nangyaring iyon. Ayokong magsisi dahil kusang loob naman akong nagpaubaya sa kanya. Siguro may takot lang talaga ako na hindi niya kagustuhan iyon at gamot lamang ang nagdikta sa kanya.
"Ma'am narito na po tayo," pukaw sa atensyon ko no'ng driver. Mabilis akong nag-abot ng bayad saka na ako bumaba.
Maling mali na hindi ako nagpahinga na muna at tahasang umalis ng unit niya. Ngayon ay ika-ika akong maglakad dahil pakiramdam ko ay napupunit pa rin ang dapat mapunit sa pang ibaba ko.
"Oy!" Napalingon ako at nakita ko si Neptune na humahangos patungo sa akin. "Napano ka!?" May pag-aalala sa tinig niya saka niya ako inalalayan na makaupo sa pinakamalapit na bench.
"W--Wala," hindi ko alam pero nakakaguilty ang ginawa kong pagsisinungaling na iyon kay Neptune, lalo na't all this time ang turing sa akin nito ay parang kapatid.
"You're hiding something from me, Inferno." He said that while straightly looking at my eyes.
"W--Wala talaga, kulit mo! Natapilok lang talaga ako---"
"Tapos buhay na sandata ang binagsakan?" Biglang nanlaki ang mata ko sa boses na iyon ni Aeignn na nasa gilid pala namin at nakamasid!
"Anong ibig mong sabihin----"
"B--Buhay na bato 'yong napagtapilukan ko! Abnormal 'yan si Aeignn, huwag mong pinagpapapansin," putol ko sa itatanong sana ni Neptune. Nanggigigil ako sa mga anak ni master Aeickel. Masyadong maraming mga nalalaman, baka panahon na para itumba ko sila!
Tinignan ko si Aeignn at pinandilatan ko ito ng mata na nginisian lamang niya. IISA TALAGANG DUGO ANG DUMADALOY SA MGA KUPAL NA FREEZELL NA 'TO! LAHAT SILA MAY MGA PAGKA RETARDED!
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Saka pa sana yuyuko si Neptune para tignan ang paa ko ngunit mabilis ko itong iniwas.
"Ayos lang talaga ako," maagap na sagot ko.
"No wonder you were never chosen by your father to do simple mission, Neptune. Dahil kapag mas simple, mas nagiging mahina ka. Mas gusto mo ang komplikado, kapag simple hindi mo agad makuha," makahulugang wika ni Aeignn bago tuluyang umalis. Kung hindi iyon nakuha ni Neptune, ako ay nadali ko ang mismong tinutumbok ng retarded na anak ni master na 'yon!

BINABASA MO ANG
The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Nairen Heiton, kilalang boyish, tibo, maangas, warfreak, ngunit may malambot na pusong secret agent. Luma...