GRISS
"NAIREN!" Napalingon ako sa sigaw na iyon at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Daddy. "Saan ka pupunta?"
"D--Dy, si Ayler daw naaksidente," nanginginig ang tinig na wika ko sa kanya.
"WHAT!?" Gulat na tugon niya na ikinatango ko lamang.
"I--I'm going to the hospital," pagpapaalam ko.
"But Nairen, you have to wear the same shoes. Baka isipin na ikaw pa ang pasyente," sabi ni Daddy kaya't napatingin ako sa suot kong sapatos at hindi nga ito pareho. Marahil ay sa pagkataranta ko.
Mabilis akong umakyat muli ng silid ko at inayos ang sarili ko saka tuluyan ng bumaba at sumakay ng sasakyan.
Nang makarating ako sa address ng ospital na tinext sa akin ng tumawag ay mabilis kong tinungo ang information desk.
"Miss," pukaw ko sa atensyon ng nurse na narito. Lumingon ito sa akin at bigla nalang kumislap ang mga mata. Kung nasa normal sana akong sitwasyon ngayon ay baka natuwa pa ako sa atensyon niya ngunit hindi ito ang panahon para doon.
"Yes, Sir? What can I do for you?" May pagpapacute pa sa tinig nito ngunit hindi ko na pinansin.
"I'm looking for Mr. Ayler Liam Mondragon, someone from this hospital informed me that he's here," paliwanag ko. Mabilis niyang kinuha ang logbook niya at nagsimulang maghanap dito.
"Iyon po bang naaksidente?" Tanong nito sa akin.
"Y--Yes, siya nga."
"He's at the room 104--" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin nito at nagsimula na akong tumakbo patungo sa nasabing room number.
Nang makarating ako ay halos hindi ko masikmura ang nadatnan ko. May iba't ibang pasyente na may mga tama sa katawan at ang iba pa nga ay sa ulo.
"Ayler?" Paghahanap ko sa kanya na ikinatingin ng mga narito sa akin.
"Pota! May artista friend," wika noong babaeng tulala sa akin sa kaibigan niyang tulala rin sa akin.
"Kuya, pwedeng mahingi ang number---"
"Babae ako," iritado kong sagot sa kanila at mabilis kong nilisan ang silid na iyon.
"SIR!" Napalingon ako at nakita ko ang nurse na kaninang napagtanungan ko. "Sabi ko na nga at dito kayo pupunta," nakangiting wika nito.
"Nasaan ba siya? Bakit wala siya rito?" Usisa ko.
BINABASA MO ANG
The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]
Ficção GeralWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Nairen Heiton, kilalang boyish, tibo, maangas, warfreak, ngunit may malambot na pusong secret agent. Luma...