Twenty-one

40.5K 1.1K 127
                                        

AYLER

     

"FUCK IT!!" Halos masira ko lahat ng gamit na narito.

       

"Kumalma ka kung ayaw mong ako ang magpakalma sa'yo," napalingon ako sa malamig na boses nang babaeng nagngangalang Callia.

          

"You don't understand, miss. Nawawala ang babaeng mahal ko tapos gusto mo kumalma ako!? Hindi mo ba kaibigan si Griss para umasta kang---"

       

"I trust Griss and I trust Chief Aeickel. Hindi niya hahayaang mapahamak ang mga agents na siya mismo ang lumikha," putol niya sa akin saka muling bumaling sa laptop niya.

         

Naupo sa kama at walang tigil sa kakagalaw ang tuhod ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kung hindi ko sana ipinagpilitan ang sarili ko sa kanya, hindi sana siya umalis at hindi sana siya napahamak.

        

"Missy, may unknown system na nagsend sa akin ng location," napalingon kaming lahat doon sa babaeng Syreen naman ang pangalan.

          

"Send them in my phone," sabat ko na naging dahilan ng paglingon nila sa akin.

        

"You must be insane Mondragon," iiling iling na wika sa akin ni Missy.

       

"I will look for her. Nakaupo lang kayo dito habang hinihintay kung buhay o patay ang mga kasamahan n'yo," malamig na tugon ko sa kanila.

        

"You have no single idea kung anong ginagawa namin para mailigtas sila at mabantayan ka kaya manahimik ka. Konti nalang pasasabugin ko na 'yang bibig mo," wika ni Syreen.

       

"And you have no single idea kung anong nararamdaman ko rin ngayon. Hindi lang basta si Griss para sa akin, she's---"

        

"Your mistress?" Putol sa akin ni Missy na animo nagpayanig ng pag-iisip ko. "Kung sasaktan mo lang rin si Griss, might as well let her go. Hindi niya deserve na maging third party, kung kaya niyang maging priority."

       

"Alam mo Mr. Mondragon, malihim na tao si Griss, but because we are her co-agents, nalalaman namin ang mga nangyayari sa kanya. It just so happen, na wala kang kwentang lalaki sa mga nakalap kong impormasyon," singhal sa akin ni Syreen.

        

"Syreen," bantang wika dito ni Callia bago bumaling sa akin. "Kaming mga babae, hindi namin sasabihin sa inyo na nasasaktan niyo kami, hindi namin sasabihin 'yong mga nais namin idaing, pero kahit hindi namin sabihin, makikita n'yo iyon sa mga kilos namin. Nasasaktan si Griss dahil mahal ka niya ng buo, pero imbes na suklian mo, you're taking that love for granted... you're giving her pain instead of making her feel the love you promised. Sinasabi ko ito hindi bilang co-agent ni Griss, pero bilang babae," mahabang turan nito sa akin.

         

"Naiintindihan ko, pero sana naiintindihan n'yo rin ako. I'm in a fucked up situation as of the moment. I may have been taking her for granted, pero believe me, hindi ko 'yon gusto. She's the only woman I love, hindi ko gustong nasasaktan ko siya pero wala akong magawa. Our situation was just so fucking complicated," sagot ko saka ako napahilamos sa mukha ko.

The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon