GRISS
"Because of your obedience, you bit my lips instead of responding to my kisses in a sweet and smooth way. Such a wild and rough obedience, huh?" At binigyan niya ako ng isang ngiting aso na nagpa angat lahat ng dugong mayroon ako patungo sa mukha ko.
"A--All this time naaalala mo!?" Pigil na pigil ang pagsigaw kong iyon.
"Do I need to forget the most intimate kiss that we ever shared?" Sinagot niya pa talaga ako ng nakakaloko, habang ang mga mata niyang punong puno ng iba't ibang emosyon ay nakamasid sa akin na animo gustong basahin ang iniisip at nasa loob ko.
"S--Sira na talaga ang ulo mo---" bigla na lamang niya akong hinapit papalapit sa kanya.
"Ilang beses kong dapat sabihin sa'yo na ikaw lang naman ang sumisira sa ulo ko?" Mapang akit niyang wika sa akin saka binugahan niya ng hangin ang tainga ko na naghatid ng hindi maipaliwanag na init sa buong katawan ko.
"A--Ayler, hindi na ako nakikipaglokohan!" Banta ko sa kanya saka ko siya itinulak upang makalayo. Mas natatakot ako ngayon sa sarili ko dahil may bumabangon na hindi ko maipaliwanag na pakiramdam mula sa akin kaysa sa kung anong maaaring gawin sa akin ni Ayler.
"Sa lalaking iyon, pumayag kang magpahalik ng kamay, pero sa akin parang diring diri ka sa naganap sa pagitan natin," mapait niyang wika at akmang tatalikod ngunit tila may sariling utak ang mga kamay ko na hinatak ang suot niyang damit upang hindi siya makaalis.
Napayuko ako nang muli niyang ibaling ang tingin niya sa akin. "Dito ka lang," wika ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa laylayan ng damit niya saka niya inalis ang pagkakahawak ko doon bago tuluyan siyang nawala sa harap ko.
Ano bang ginawa ko? Pinagmukha kong tanga ang sarili ko sa wala! Bakit kailangan ko siyang amuin!?
Gusto kong guluhin ang buhok ko sa gulo ng takbo ng utak ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Mag-isa lang ako, mahirap mapagkamalan na isa akong baliw.
Inayos ko ang sarili ko at muling isinuot ang maskara saka ko tinungo ang daang tinahak niya.
Naabutan ko siya sa isang sulok at lumalagok ng mga baso ng alak. Hindi pa yata namin magagawa ang pakay namin dahil mas gusto niyang magpakalasing.
"Stop drinking," bulong ko sa kanya nang makalapit ako.
"Who you?" Pabalang niyang sagot saka muling lumagok ng alak.
"Kapag hindi ka tumigil iiwan kita dito at bahala ka na sa buhay mo!" Napipikon kong wika sa kanya ngunit tinapunan lamang niya ako ng isang mapanuyang tingin at mapait na ngiti.
"You already did that, right?" Biglang kumalabog ang dibdib ko sa itinuran niyang iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Nairen Heiton, kilalang boyish, tibo, maangas, warfreak, ngunit may malambot na pusong secret agent. Luma...