GRISS
Nanginginig ako habang naghihintay ng pagdating ng ibang agents. Si Ayler ay kanina pa mura ng mura. Nasa tatlumpung minuto na ring wala sina Sera at Ayrill, kaya mas lalong hindi mapalagay ang loob ko. Mukha alam na ni Sera na alam na namin ang totoong pagkatao niya.
"I'm so fucking foolish!" Sigaw ni Ayler saka sinuntok niya ang mesa niya.
"Lahat naman tayo naloko. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi na 'to tungkol sa pagkamatay ni Nikolai, sa inakala mong paggahasa mo kay Cyan, sa pagiging COO mo, sa pagiging Freezell at Mondragon mo, o sa mga maling desisyon mo. Hindi na ito pumapatungkol doon, this time, it was Sera's insanity and obsession. Walang mangyayari kung sisisihin mo ang sarili mo," walang emosyong wika ko sa kanya saka ko siya hinigit at niyakap.
"Thank you for always being here for me," wika niya saka sinagot ang yakap ko.
"You don't have to thank me. Para sa akin anak na natin si Ayrill, kahit anong mangyari anak pa rin ang magiging turing ko sa kanya," turan ko saka lumayo sa kanya. "So for now, let's look for something na maaaring magpabagsak kay Sera at sa mga kahayupan niya habang hinihintay natin ang ibang agents," wika ko bago ako nagpatiunang lumabas at agarang tinungo ang cubicle ni Sera.
Kinalkal ko ang mga gamit niya. Wala na akong pakialam, ang gusto ko lang ngayon ay mapatay siya. Kapag nalaman kong may ginawa siya kay Ayrill, kahit na pinakahuli niyang hininga, isusumpa niya 'ko sa gagawin ko sa kanya!
Kasalukuyan akong naghahanap ng mga katibayan laban sa kanya nang bigla na lamang dumating si Sera at Ayrill. OO! HINDI AKO MAKAPANIWALA!
Wala akong masabi kahit nang iabot niya sa akin si Ayrill. "Pasensya na at natagalan kami, nahirapan kasi akong hanapin ang flavor na gusto niya," wika niya ngunit ikinakakaba ko ang paraan ng pagsasalita niya at ang pagngisi niya sa akin.
"SERA!" Sigaw ni Ayler na kalalabas lamang ng opisina niya.
"Yes, Mr. Mondragon?" Tuwirang tanong nito na animo punong puno ng hangin sa katawan. "Mukhang ngayon n'yo lang nalaman. Ang bobobo ninyong lahat," dagdag pa niya. Nais ko na siyang sugurin at paulanan ng suntok!
"Hayop ka---"
"Ooops!" Pigil niya sa tangkang pagsugod ko. "Kapag may nangyari sa aking hindi maganda, sisiguraduhin kong ganoon din ang mangyayari sa batang iyan," at bigla siyang may itinaas na detonator na nagpamulagat sa mga mata namin ni Ayler.
Mabilis akong dumulog kay Ayrill ay biglang bagsak ng mga luha ko dahil nang itaas ko ang damit niya ay may bombang nakasuot sa katawan niya na sasabog sa loob na lamang ng walong minuto.
"Mommy Griss, tita Sera told me it was a toy po. It will explode po and I will see stars. I want that!" Nakangiting wika sa akin ni Ayrill kaya't wala akong nagawa kung hindi yakapin siya ng napakahigpit.
"Baby girl, trust Mommy Griss okay? Mommy Griss loves you," saka ko siya biglang kinarga at bumaling ako sa baliw na si Sera. "Makaka-alis ka ng matiwasay ngunit kailangan mong i-defuse ang bombang ito na ikaw mismo ang may gawa!" Nanginginig na sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]
General FictionWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Nairen Heiton, kilalang boyish, tibo, maangas, warfreak, ngunit may malambot na pusong secret agent. Luma...