GRISS
"Nasa loob ba siya ng opisina?" Tanong ko kay Sera na ang atensyon ngayon ay nasa xerox machine.
"Oo, pero may kasama siya," sagot sa akin nito na ikinatango ko na lamang.
Gaya ng nakagawian ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko ipinihit ang seradura ng pinto.
"You're going far away, Daddy?" Tinig iyon ni Ayrill kaya't mabilis akong napatigil sa tuluyang pagpasok at naiawang ko lamang ang pinto.
"It is just a business meeting, Ayrill. Daddy will comeback after three days," mabait na sagot niya sa anak niya. Parang tinatarak ang puso ko?
Nakakatawang isipin na pagkatapos kong mahibang kagabi at mangarap na magka-anak siya sa akin ay narito ako ngayon at naririnig ang usapan nilang mag-ama.... anak nga niya ngunit hindi sa akin.
"Hindi pa rin natin napag-uusapan ang gagawin natin sa pamilya natin, Ayler." Tinig iyon ni Cyan na animo nagpasakit ng dibdib ko. Pamilya natin? Ako dapat 'yon.
"After this business meeting I will settle everything---"
"Does that includes marrying me?" Mabilis kong nailagay ang kamay ko sa bibig ko sa itinanong ni Cyan. Kulang ang salitang gulat sa akin.
"Yes, Cyan. That includes my decision of marrying you," parang mas lalong nagpasakit ng dibdib ko ang sagot niya.
Umaasa? Bobo na kung bobo, tanga na kung tanga, pero oo. Nakakabobo na isang araw ako ang mahal, sa sumunod na araw may iba nang aalukin ng kasal.
Hindi naging sapat ang isang buwan para makalimutan ko siya at maging lahat nang mabubulaklak niyang mga salita. Kahit anong pilit pala nating kalimutan ang tao, kung hindi naman siya sa utak mo nakaukit, wala rin. Paano ba mabubura kung sa bobong puso mo siya tumira?
"Thank you, Ayler." Narinig kong sagot ni Cyan.
Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumasok at nakita ko ang gulat na mata nilang dalawa.
"Good morning, reporting for duty." Pukaw ko sa atensyon nila saka naglabas ng pekeng ngiti.
"Ikaw, Griss! Bakit hindi mo sinabi sa akin na agent ka pala? Akala ko pa naman kung ano ka na ni Ayler," dumagundong ang kabog ng dibdib ko sa sinabing iyon ni Cyan. Hindi ang parte kung saan isang agent ako, kung hindi roon sa inisip niya kung anong mayroon kami ni Ayler. If she only knew, baka kahit sulyap ay hindi niya ako payagan.
I love the man you wanted to marry. I had sex with the man you wanted to be with. I was praised and pleasured by the man you wanted to be a father to your child.
I mentally slapped my face for whatever I was thinking. Kinakain na 'ko ng katarantaduhan ng utak ko.
BINABASA MO ANG
The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]
Algemene fictieWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Nairen Heiton, kilalang boyish, tibo, maangas, warfreak, ngunit may malambot na pusong secret agent. Luma...