GRISS
Tila ako naguluhan sa sinabi ng babaeng nasa harap namin.
Kung hindi siya si Sera, sino siya? Iilang beses ko na siyang nakita na animo nakasunod sa amin ni Ayler. Ang una ay sa restaurant na pinagdausan ng meeting ukol sa pagtatraydor kay Ayler at ang ikalawa ay nang minsang magkaroon ako ng side mission at ipinilit ni Ayler na sasama siya sa amin ni Syreen.
Pinaghihinalaan ko si Sera dahil nga kamukha niya ang babae ngunit ito ako ngayon at naguguluhan sa mga ibinubulalas niya, idagdag pa na mayroong nakatutok pa rin na baril hanggang ngayon sa akin.
"Alam mo Mondragon, kung si Sera nga lang talaga ang narito ay baka pinakawalan na lamang kayo no'n. Ganoon kasi kabobo at katanga ang isang iyon," wika ng babae saka nagsimulang lumapit sa amin-- o sa akin kung saan katabi ko pa rin si Clark.
"Kung hindi ka si Ms. Viscasa, sino ka at anong atraso ko sa'yo!?" Sigaw dito ni Ayler.
"Haven't you heard? I'm Aressa Viscasa-- Aragon," saglit itong huminto bago ngumisi. "Sera Viscasa-- Aragon's twin sister, at isa sa anak ni Nikolai Aragon. Your secretary who was killed because of your toxicity."
Gulat ang bumalandrang ekspresyon sa amin ni Ayler ngunit hindi ni Ayce. Tila ba marami itong alam na maaaaring magpatanga sa amin.
"Clarify your description, miss." Napatingin kami sa ginawang pagsasalita na iyon ni Ayce.
"What do you mean, clarify my description? Mahina ka bang umintindi?" Wika ni Aressa.
"You're not just a simple twin sister," wika ni Ayce saka ngumisi. "You are the evil one. Iniisip mo na ipinaghihiganti mo ang Tatay mo, pero ang totoo, this was all about your greed and obsession. Hindi ba't nais mo talagang ikaw ang makapasok bilang sekretarya ng kapatid ko, but I chose your twin sister. Want to know the reason why?" Wala kang mababakas na takot sa tinig ni Ayce. Bagkus ay mababanaag mo, na sa salita lamang niya ay kakayanin na niyang magpabagsak ng kung sino mang nanaisin niya.
"Shut the fuck up!" Sigaw ni Aressa.
"Dahil simula palang alam ko na kung sino ka at kung sino si Sera. Sera is a pure hearted woman pero pinipilit mong maging gaya mo," mapanuyang wika ni Ayce. "Aren't you thankful na hindi mo naging katulad ang kapatid mo? Dahil kung nagkataon, baka walang matira sa ina ninyong nakaratay sa ospital kapag pinatay na kita," nakakatakot... iyon lang ang kaya kong sabihin sa paraan ni Ayce ng pagsasalita.
"NAKARATAY!? OO! AT DAHIL IYON SA KAPATID MO! HE TOOK MY FATHER'S LIFE---"
"Hindi ko ginustong mapatay ang ama mo!" Putol ni Ayler sa paghihisterya ni Aressa. Wala akong magawa at wala akong masabi. Nalilito ako sa mga pangyayari. Mabuti na lamang at nalaman ko ang kwento ni Nikolai dahil kung hindi ay baka mas magulo pa sa magulo ang utak ko ngayon.
"HINDI MO GINUSTO!? PINAGHINALAAN MONG TINATARANTADO KA---"
BINABASA MO ANG
The Arrogant Client (Freezell #6) [Completed]
Ficción GeneralWarning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Nairen Heiton, kilalang boyish, tibo, maangas, warfreak, ngunit may malambot na pusong secret agent. Luma...