Evere's POV
Kanina pa kumakatok sa pinto ng cr si Sara para kausapin ako pero hindi ko iyon binubuksan. Ang kamay ko ay nasa tapat lang ng gripo at panay ang agos ng dugo doon. Malaki - laki ang sugat. Kanina pa rin ako iyak ng iyak dahil sa halo – halong emosyon ang nararamdaman ko. Lahat ng alaala ay bumabalik sa akin.
Kung paano ko siya nakilala...
Kung paano ko siya minahal...
Kung paano niya ako iniwan...
"Who is Paeng?" tanong ko kay Nana Conching nang makauwi na siya galing sa pamamalengke. Kanina ko pa talaga siya inaabangan. Gusto ko kasing malaman kung sino ang lalaking iyon na kausap ni Uncle Rey na narinig kong Paeng ang pangalan.
"Bagong trabhador ng Uncle mo sa bukid. Kapalit ng tatay niyang maysakit," sagot niya sa akin.
"Tumango – tango lang ako at sinilip sila sa labas. Kausap pa rin niya ang Uncle Rey ko. Hindi ko mapigil ang sarili kong hindi humanga sa kanya. Matangkad siya. Napakaguwapo kasi niya kahit na lumang pantalon at butas – butas na t-shirt ang suot niya. Parang hindi nga siya bagay doon. Mukha siyang fil - am na galing ng Amerika at napadpad lang doon. Pero alam na alam kong galing siya sa mahirap na pamilya. Sunog ang balat niya sa maghapong pagta – trabaho sa bukid pero naroon pa rin ang karisma niya na alam kong gusto ng mga babae.
"Hay naku, ang alaga ko mukhang tinamaan na ni kupido," narinig kong sabi ni Nana Conching habang natatawang hinuhugasan ang mga gulay na pinamili niya.
Napangiti lang ako. "Ang guwapo niya kasi," at napahagikgik pa ako.
Napatawa lang si Nana Conching sa sinabi ko.
"Huwag mo ng pagpantasyahan 'yang si Paeng. Hindi mahilig sa babae ang batang 'yan." Sabi pa ni Nana Conching.
"Kilala 'nyo siya Nana?" Para akong nabuhayan ng loob.
"Anak siya ni Pedro. Hindi mo na siguro kilala iyon. Matagal na namasukan sa papa mo pero nagkasakit kaya si Paeng na ang pumalit. Sayang nga at ang alam ko ay isang sem na lang ang batang iyan sa kolehiyo. Napilitang tumigil para magtrabaho," sabi pa ni Nana.
Parang lalo akong na - inlove sa kanya.
"Pero sinasabi ko na sa iyong bata ka, iwasan mo 'yang si Paeng. Magagalit ang papa mo kapag nalaman na nagkakagusto ka sa trabhador niya," paalala pa niya sa akin.
"Ano naman po ang masama? Crush ko lang naman," sabi ko at muli ko siyang sinilip. Nagsisibak na ng mga kahoy si Paeng. Gusto kong himatayin kasi kitang - kita ko ang mga muscles niya sa bawat pag - itak niya sa kahoy.
Mula noon ay inaabangan ko ang araw – araw na pagpasok ni Paeng sa bahay namin. Nalaman kong twenty- five years old na siya at nag - aaral sa State University sa lugar namin. Inabot na siya ng ganoong edad sa pag - aaral sa college kasi pahinto - hinto siya dahil sa kawalan ng pera. Tahimik lang talaga siya. Tuwing magkakasalubong kami ay nakayuko lang at hindi man lang ako tinitingnan. Naiinis na nga ako minsan kasi feeling ko ampangit ko para sa kanya. Hindi man lang niya ako pinapansin!
Minsan akong pumunta sa bukid namin. Mayroon kaming maliit na bahay doon na pahingahan ni papa at ng mga kaibigan niya. May swimming pool doon at gusto kong magbabad. Wala naman tao kaya sinuot ko ang two piece bathing suit na binili ko sa HongKong last month. Matagal na akong naglulunoy sa tubig ng maramdaman kong biglang nanigas ang paa ko. Hindi ko maigalaw at napakasakit! Pinupulikat ako! Taas - lubog na ako sa tubig. Nalulunod na ako dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ko at nakakainom na ako ng tubig. Pero naramdaman kong may kamay na humila sa akin at iniahon ako. Umiiyak na ako noon sa takot dahil akala ko mamamatay na ako.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomanceMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...