15 - EX

4.2K 210 15
                                    

Evere's POV

Alam kong nagtataka ang mga staff ng Lafayette kung bakit ako narito ngayon. Iyon kasi ang isang ipinakiusap ko kay Paeng. Kung pwedeng bumalik ako. Kailangan ko pa rin na magtrabaho kahit sinusuportahan na niya si Raffie. Saka kahit nakikiusap si Raffie na doon ako mag – stay sa bahay ni Paeng, hindi ko kayang magtagal doon. Ipinangako naman ni Paeng na puwede kong bisitahin sa bahay niya kahit anong oras ang anak ko.

Papunta na ako sa locker ko nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Si Sara iyon at hinila ako sa office niya.

"I am so happy for you," nakangiting sabi niya at niyakap ako.

"Puwede na rin ako sa ganitong set – up. Raffie will be better now. Hindi na namin problema ang pagpapagamot niya and at the same time I can visit her anytime," sagot ko.

"Pero kayo ni Mr. Tolentino?" kita ko ang nanunuksong tingin ni Sara.

"Ano kami? Wala kami."

"Malay mo naman puwede pang ibalik ang nakaraan 'nyo," at napatawa pa ito.

Umiling ako. "It will never happen I assure you. He hates me and I hate him. The feeling is mutual."

Nagkibit balikat si Sara pero nakangiti pa rin. "Malay mo naman."

"So? Sa kitchen pa rin ba ako? O puwede na ako sa dining?" iniba ko na lang ang usapan namin.

"Dining ka na. Kailangan ko ang beauty mo sa dining."

"Okay. Kailangan kong magsipag at baka i-fire out na naman ako ng boss mo," iyon lang at lumabas na ako.

Alam ko na ako ang usap – usapan sa resto pero hindi lang sila makapagtanong sa akin kung bakit naging si Paeng ang tatay ni Raffie. Okay na lang din iyon sa akin kahit magtanong sila dahil wala na rin naman akong dapat na itago pa. Kung may magtanong sasagutin ko ng totoo.

"Girl, may sikreto ka pala ha?" sabi sa akin ni Rose habang pareho kaming nag – aayos ng mga plato sa dining.

"Matindi rin ang kamandag mo 'no? Imagine, natikman mo na pala si Sir Rafa. At may anak pa kayo," si Angel naman ang sumegunda.

Hindi lang ako kumibo.

"Si Sir Rafa pala ang ex mo. Ang guwapo – guwapo 'non," parang kinikilig pa si Rose.

Tumingin lang ako sa kanya at napailing.

"Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo naghiwalay?" usisa pa nito.

"Rose, Angel, please arrange the condiments in the reservation area," alam kong si Sara iyon kaya napatingin ako sa kanya.

"Thank you," mahinang sabi ko ng makaalis ang dalawang kasama ko.

"Masanay ka na. Maraming magtatanong sa iyo. Habaan mo ang pasensiya mo," sabi niya.

Pinilit kong ngumiti. "Sanay na ako."

Napatingin ako sa pumasok sa loob ng resto. Si Paeng iyon at may kasamang babae. 'Yung babaeng kasama niya noon.

"Hon, I like the renovations. But I am telling you, you should add other foods in the menu," narinig kong sabi ng babae at ikinawit ang kamay sa braso ni Paeng.

Nagkatinginan kami ni Sara at nakita kong binabasa niya ang reaksyon ko.

"What?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Selos ka 'no?" natatawa din siya.

"Please," at natatawa ko siyang iniwan doon para pumunta at kunin ang mga drinks na kailangang iserve sa dining.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon