9 - THE VISIT

3.8K 208 2
                                    

Rafa's POV

Maaga akong umalis ng bahay kinabukasan pero hindi ako sa Lafayette dumiretso. Hindi rin ako sa opisina ni Don Roberto pumunta. Nasa passenger seat ko ang employee folder ni Evere para malaman ko kung saan siya nakatira. I don't know. Something tells me that I needed to know what happened to her. After what happened last night, Tiyong Daniel's sudden outburst, I can sense that my uncle was not telling me something.

Sa isang maliit na apartment nakatira si Evere sa Makati. Sobrang liit ng mga daan. Muntik na ngang hindi magkasya ang kotse ko kanina nang pumasok ako pero paglampas naman sa ilang mga bahay ay lumuwag na ang kalsada. Mula sa malayo ay nag – park ako pero siniguro kong kita ko kung ano ang nangyayari sa paligid at sa tinutuluyan niya. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong alas – otso ng umaga. Lumabas sa pinto si Evere na bihis na bihis. She was wearing a black pencil cut skirt na hanggang tuhod at off shoulder blouse na nakapaloob sa palda. Naka – tali ang mahaba niyang buhok na nagpakita ng malinis niyang mukha. Kung titingnan ang mukha niya ay hindi masasabing kaya niyang manloko at manggamit ng tao. She got matured but it suits her well. Kahit may anak na, mukhang dalaga pa din. Madalas kong marinig sa resto ang mga lalaking empleyado doon na si Evere ang topic. Kung gaano siya kaganda at kaseksi. Pero iyon nga, kahit isa sa kanila ay hindi nito pinapansin. Mukhang tutok na tutok ang atensiyon sa maysakit daw na anak.

Ilang linggo na din akong nakahiga lang dito sa bahay namin. Balot pa rin ng benda ang buong katawan ko kahit papagaling na rin ang mga sugat gawa ng pambubugbog ng tauhan ni Gerry Potenciano. Grabe ang tinamo kong bugbog mula sa mga tauhan niya. Sabi nga ng mga doctor na tumingin sa akin, himala daw na nabuhay pa ako. Pero kaya ko naman tiisin iyon. Ang mga suntok, sipa, paso, mga saksak na ibinigay nila sa akin. Kaya ko lahat iyon. Pero ang mas masakit na nararamdaman ko ay ang panloloko ni Margaret sa akin. Iyon ang hindi ko matanggap.

Sabi ni tatay, wala na daw sa mansion si Margaret. Isinama na daw ito ni Jerome Feliciano sa Cebu. Doon na rin daw magpapakasal ang dalawa. Matagal na raw palang naka – engage si Margaret sa anak ni Mayor Ben. Ang nangyari sa amin ni Margaret ay isa lang sa mga paglalaro ni Margaret. Nagrerebelde daw kasi ito sa tatay niya at ako ang naisipang gamitin.

Lalo akong napaiyak sa nalaman ko. Ayokong maniwala dahil ramdam ko naman na mahal niya ako. Mahal na mahal ko si Margaret. Kahit alam kong napakalayo ng agwat ng buhay namin ay bumuo kami ng pangarap. Pipilitin ko siyang mabigyan ng magandang buhay. Napakarami naming plano.

Pero lahat iyon ay panloloko lang pala.

"Kailangan mong umalis dito, Paeng." Narinig kong sabi ni tatay habang inaayos ang mga gamit ko.

"S – saan ho ako pupunta?" taka ko. Napangiwi ako ng pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga. Bakit kailangan kong umalis? Saan ako pupunta?

Nakita ko ang takot sa mukha ni tatay. "Pinapa – hunting ka ng mga tao ni Jerome." Tanging sabi nito habang patuloy sa pagsisilid ng mga gamit sa isang maliit na bag.

"Jerome? Si Jerome?" punong – puno ng galit at selos ang boses ko. "Ano pa ang kailangan nila sa akin? Sumama na sa kanya si Margaret," punong – puno ng hinanakit ang dibdib ko. Hindi ko matanggap na wala na si Margaret sa akin at pinili niya ang lalaking iyon.

"Hindi ko alam. Basta kailangan mong umalis ngayon. Hinihintay ka ng Tiyong Daniel mo sa istasyon ng bus sa Maynila. Umalis ka na ngayon," sabi pa niya sa akin at tinulungan akong makapagbihis. Napapa – aray ako sa pagtaas pa lang ng kamay ko.

"Paano ho kayo?" sabi ko. Kahit papaano ay nag – aalala ko kay tatay.

"Susunod ako. Huwag kang mag – alala. Susunod ako sa iyo doon. Pero sa ngayon kailangan mo ng umalis," sabi niya.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon