36 - MOVING FORWARD

4.7K 247 3
                                    

It's been a week since she's been gone. Para na akong mababaliw sa kakahanap sa kanya. My daughter is asking me everyday kung anong nangyari sa nanay niya pero wala akong masabi. Kahit dito sa restaurant ay nagtatanong ang mga staff ko. I just told them that Evere decided to transfer to another branch in Cebu. An alibi that I know they didn't buy. I know they don't believe me but they were just afraid to ask.

Maghapon lang ako dito sa opisina. Hindi ako umaalis dahil nagbabaka-sakali ako na babalik doon si Evere. Pero kahit anino niya ay hindi ko makita.

Narinig kong may kumatok sa pinto at sumungaw doon ang mukha ni Sara.

"Sir, someone is looking for you." Sabi niya. Kita ko ang tensiyon sa mukha niya.

"Sino?" wala akong inaasahang bisita ngayon. Kahit suppliers ay kinancel ko ang mga meetings namin.

Nakita kong pumasok si Sara at seryosong tumingin sa akin.

"Sir, I suggest you let this one pass. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya. I can tell him that you are not available," sabi niya.

"May problema ba, Sara? Sino ba 'yon?" taka ko.

Napahinga siya ng malalim.

"'Yung boyfriend ni Evere. He is outside and he wants to talk to you."

"Si Jerome?" paniniguro ko.

"You know him?" nagtataka na ngayon si Sara.

Napailing na lang ako. "Sige. Papasukin mo dito."

Nakita kong parang nagdadalawang – isip si Sara na gawin iyon.

"Nothing will happen. We are just going to talk." Sabi ko.

Alam kong hindi kumbinsido si Sara sa sinabi ko pero sumunod na lang din siya. Maya – maya lang ay kumakatok na uli siya at ng buksan iyon ay si Jerome na ang pumasok sa opisina ko.

Pinigil ko ang sarili ko sa kung anong puwede kong magawa sa kanya. Ilang taon akong nagtimpi ng galit sa taong ito. Siya ang umagaw sa akin kay Margaret noon. Nakita ko sila sa kama na magkasama.

"I know you hate me," mahinang sabi niya.

Hindi ako kumibo at tiningnan ko lang siya. Papagaling na ang putok ng kilay niya gawa ng pagkakasuntok ko. He is so neat sa suot niyang checkered polo at fitted maong. Napakalinis para sa isang lalaki. Parang gusto ko ng maniwala sa sinasabi ni Evere na bakla ito. Pero napaka – imposible talagang mangyari. I know this man. Kinatatakutan ang taong ito sa lugar namin.

"What do you want?" tanging nasabi ko at itinuon ko ang pansin sa ginagawa ko.

"I want to explain everything," sabi niya.

"What do you need to explain? Inagaw mo na sa akin noon si Evere. Hanggang ngayon gusto mo pa rin siyang kunin sa amin ng anak niya," mariin kong sagot.

Umiling lang ito at parang naiiyak na.

"Hindi ko siya inagaw sa iyo. Ayoko kay Evere. Ayokong magpakasal sa kanya. Daddy ko lang ang may gusto noon para hindi lumabas sa mga tao na bakla ako," sabi niya.

Parang hindi ako makapaniwala kahit sa kanya na mismo iyon nanggaling.

"Kaya kita ipinapahanap noon ay para ipaliwanag sa iyo ang lahat. I wanted to fake my marriage with Evere and after that pababayaan ko na kayong dalawa. Hindi lang naman buhay 'nyo ni Evere ang nagulo seven years ago. I also suffered same as you," at tuluyan na itong napaiyak.

Nanatili akong nakikinig.

"After Evere, kung sino – sinong babae pa ang inireto ni daddy sa akin. And I can't take it. I need to show everyone how fearless I am but deep inside, I am really suffering. Inggit na inggit ako sa inyo ni Evere dahil nagawa ninyong tumakas. Samantalang ako, I was like a prisoner in that town. Showing everybody how tough I am," habang umiiyak ay patuloy nito.

"When my dad died, saka lang ako nakakawala. I went to the States at iniwan ko ang lahat ng buhay ko sa probinsiya natin. I don't want to look back," bahagya nitong pinunasan ang luha sa mukha. "When I saw her here, I saw fear in her eyes. Akala niya nandito ako para bawiin siya at ipakasal sa akin. But no," naiiling pa siya. "I just wanted to explain to her everything para pare – pareho na tayong makawala sa nakaraan. We need to move forward. We need to be with our own happiness."

Bahagya akong napalunok sa sinabi niya. Happiness. It is only Margaret. She is my only happiness and she is gone.

"What happened to us seven years ago made us all different people. I know I am not in the right place to say this but please, learn how to forgive. Forgive my father. Forgive her father and then let's all move forward. We need to stop dwelling in the past kahit alam kong malalim na sugat ang iniwan noon sa atin," patuloy pa ni Jerome.

Narinig kong huminga ito malalim at nagpahid ng luha.

"That's all I need to say. I should go," sabi niya at akmang lalabas na.

"Hindi ka talaga boyfriend ni Evere?" gusto ko pa ring makasiguro.

Napailing si Jerome at dinukot ang cellphone. Inilapag niya iyon sa harap ko para ipakita ang isang litrato nito kasama ang isang foreigner.

"He is Tim. He is my boyfriend for five years. We are planning to get married and after that we are going to adopt our own kid." Sabi niya. "If you still cannot believe, here is his number. You can call him," at inilagay niya sa harap ko ang isang calling card.

"Paeng, she loves you. I know na hindi nagbago iyon. So please, stop hurting her. She don't deserve it." Iyon lang at tuloy – tuloy na siyang lumabas.

I was left alone speechless. Parang hindi pa mag – sink in sa akin ang lahat ng sinabi niya. Parang lahat ng nangyari noon ay nag – flashblack sa isip ko. All the pain. All the love that Margaret and I had shared together.

And I am a fucking fool. I let her slip away again.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon