7 - SUSPENDED

4K 241 8
                                    

Rafa's POV

"Paeng, kamusta ang Lafayette?"

Hindi ako lumingon at napapatawang napapailing lang. Si Tiyong Daniel na lang ang tumatawag sa akin ng pangalan ko na iyon. Kahit sinabi ko na sa kanya na Rafa na ang dapat na itawag niya sa akin, hindi daw kayang baguhin ng pera ko kung sino ako dati.

Imbes na sumagot ako sa kanya ay iniabot ko ang isang folder. Walang imik na kinuha niya iyon at binuksan. Hinihintay ko ang reaksyon niya pero kataka-takang parang hindi man lang siya nagulat sa nakita niya doon. Ilang ulit na tiningnan tapos ay tumango – tango.

"Don't you recognize her?" I was expecting him to get mad katulad ng reaksyon niya sa tuwing mapag – uusapan naming ang pamilya Potenciano.

"Si Margaret," walang anuman na sabi nito at ibinalik ang folder sa akin.

Kumunot ang noo ko. Wala man lang siyang reaksyon?

"So alam mo na doon siya nagta – trabaho?" nakakaramdam ako ng inis kay Tiyong Daniel.

"Nakilala ko siya ng kumain ako doon two months ago. Hindi naman niya ako kilala. Siya ang nag – serve sa akin. Mabait na bata at masayahin," sabi pa niya sa akin at itinuon ang pansin sa inilatag na diyaryo sa mesa.

Ano ba ang sinasabi ni Tiyong Daniel? Alam niya na si Margaret iyon at hindi man lang niya binanggit sa akin?

"At hindi 'nyo man lang nabanggit ito sa akin?"

Tumingin si Tiyong sa akin na parang nagtataka.

"Bakit ko pa babanggitin sa iyo? Alam ko naman kung gaano ka kasuklam sa pamilya niya at sa kanya. Ayoko ng mag – init ang ulo mo," tingin ko ay tinatantiya niya ang reaksiyon ko.

Hindi ako nakasagot. Totoo naman ang sinasabi niya. Alam niyang galit ako kay Margaret at sa buong pamilya nito. Pero parang hindi pa rin tama na hindi man lang niya sinabi sa akin na doon nagtatrabaho ang babaeng iyon.

"I am planning on firing her. Bago pa lang matigas na ang ulo. Saka mukhang magkakaproblema pa sa kanya dahil madalas siyang absent," sagot ko kay tiyong.

Napabuntong – hininga si Tiyong Daniel at iniligpit ang diyaryo.

"Kung walang ginagawang palso bakit mo tatanggalin sa trabaho? Ipinapakita mo lang na apektado ka pa rin sa kanya kapag ginawa mo iyon," sagot niya sa akin.

Ano ba ang problema ni Tiyong Daniel ngayon? Bakit kinakampihan pa niya si Margaret? Halos isumpa niya ang pamilya ni Margaret dahil sa ginawa sa akin pero bakit ngayon? Bakit naaawa pa siya sa babaeng iyon?

"Bakit kinakampihan 'nyo pa ang babaeng iyon? Nakalimutan 'nyo na ba ang ginawa ng pamilya niya sa atin? Ang panlolokong ginawa niya sa akin?"

"Paeng, pitong taon na ang nakaraan. Kalimutan mo na iyon. Just let her do her job. Mas maraming kailangang intindihin si Margaret. I know for sure hindi ka na niya mabibigyan pa ng pansin sa dami ng problema niya," sabi pa niya sa akin at iniwan na ako.

Hindi na ako sumagot. Pinabayaan ko na lang na umalis si Tiyong Daniel. Hindi ko rin naman siya maintindihan.

Pero hindi ganoon kadaling magpatawad. Hindi ganoon kadaling makalimot lalo na nga sa mga nangyari sa buhay ko.

Kung naghihirap si Evere, tama lang sa kanya iyon. She deserves whatever pain she was suffering right now.

----------------------

Evere's POV

"Why were you late today?"

Tumingin lang ako kay Sara at ipinagpatuloy ko ang ginagawang pagpi – prepare ng mga platong kailangan sa kitchen.

"I was five minutes late," sagot ko.

"Still, you were late. Alam mo naman na mainit ka sa bagong may – ari. Ayokong masilipan ka niya and magkaroon ng grounds na tanggalin ka," dama ko ang pag – aalala sa tono ng boses niya.

Hindi ako kumibo at sa nililinis na plato ko na lang ibinunton ang frustration ko. Talagang mainit ako sa bagong may – ari dahil si Paeng iyon. Dahil alam kong galit siya sa akin. Well, the feeling is just mutual. If he hates me, ganoon din ako sa kanya. Kung mayroon lang akong malilipatan ng trabaho na maayos ang suweldo ay hindi ako magtatagal pa dito.

"I don't know what is happening, Evere. Sa ibang employees, Mr. Tolentino is nice. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kapag ikaw, ang higpit – higpit niya. Alam mo bang he wants me to issue a suspension to you dahil 3 consecutive days kang late," sabi pa niya sa akin.

Naparolyo ako ng mata. Grabe sa oa, ha?! Suspension na agad? Samantalang pinaka-late ko na ang ten minutes.

"You do your job, Sara. Don't worry about me," iyon na lang ang nasabi ko. Pinigil ko ang sarili kong maiyak. He was not the man that I used to know. Paeng was not like this. Or maybe I was wrong. Talaga lang sigurong bulag lang akong umibig sa kanya at hindi ko talaga nakita ang totoong ugali niya na isang oportunista.

"Evere, ang isang araw na kita mo ay mahalaga sa iyo. I know how you need money for Raffie's medication. Pero three days ang ibinigay niyang suspension sa iyo." Kita ko ang pagkainis sa mukha ni Sara.

Malaking halaga ang mawawala sa akin sa tatlong araw na suspension na iyon.

Nakita kong napailing si Sara at inis na nilamukos ang hawak na papel.

"I can't do this. I need to talk to him about this," sabi niya at aalis na doon pero pinigil ko siya. Kinuha ko ang papel na hawak niya at pinirmahan iyon.

"I said, you need to do your job. Don't worry about me. Baka dahil dito ay ikaw naman ang mapagbalingan. Kailan ba ang effectivity?" tanong ko.

Napahinga ng malalim si Sara. "Today 'til Friday."

"Sana pala hindi na lang ako pumasok. At least I will have more time for Raffie," sabi ko at hinuhubad ang suot kong apron.

"I am so sorry about this, Evere. I'll talk to Mr. Tolentino if puwedeng one day lang ang suspension mo. I promise I'll do something about this," sabi niya sa akin at tinalikuran na ako.

Pinigil ko ang mapaiyak dahil sa nangyayari pero talagang tinatagan ko ang loob ko. Hindi ako iiyak ng dahil lang sa ginagawang panggigipit ni Paeng.

"O, Evere. Kakarating mo lang aalis ka na? Saan ka pupunta?" tanong ni Paul sa akin ng dumaan ako sa bar na hindi na nakasuot ng apron at bitbit ko ang bag ko.

Pinilit kong ngumiti kahit gusto ko ng umiyak.

"Nag - file ulit ako ng leave. Three days," pagsisinungaling ko. "Siguradong matutuwa si Raffie kapag matagal kaming magkasama sa bahay. Sige," paalam ko sa kanya.

Panay lang ang buntong – hininga ko at hindi ko na napansin na may papasok sa loob ng restaurant kaya huli na para umiwas. Nagkabanggaan kami ng lalaking kasalubong ko.

"What the hell?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" pakiramdam ko ay pinupunit ang tenga ko sa tili ng babaeng kasama ng lalaki.

Nang tingnan ko kung sino ang nabangga ko, si Paeng pala iyon. Tingin ko ay nagulat pa siya na ako ang nakasalubong niya.

"S – sorry," tanging nasabi ko at isa – isa kong pinulot ang sumabog kong gamit.

"You better be. Tatanga – tanga ka kasi," sabi pa ng babae at nauna ng naglakad. Hindi ko alam kung sino siya pero alam kong kasama siya ni Paeng. Nagmamadali kong pinulot ang mga gamit ko at isinaksak sa bag ko ang laman. Pagtayo ko ay nakita kong nakatayo pa rin sa harap ko si Paeng. He was just staring at me with no emotions at all.

"Where are you going?" seryosong tanong niya sa akin.

"Sinuspinde mo ako 'di ba? Excuse me," tanging sabi ko at iniwan na siya. Hindi ko kayang magtagal doon at baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon