Rafa's POV
Ramdam kong umiiwas sa akin si Evere. Siguro ayaw na lang din niyang magkaroon ng pagtatalo dahil magmula ng malaman ni Faye na si Evere ang nanay ni Raffie, napapadalas na rin ang punta nito sa Lafayette. Tingin ko, matindi ang insecurity ni Faye pagdating kay Evere dahil ito ang nanay ni Raffie. At alam ni Faye na si Raffie ang importante sa akin higit sa lahat.
Kahit sa pagpasok sa restaurant ay nauuna siya sa akin. Hindi na siya sumasabay. Sa pag – uwi naman kung hindi may sumusundo dito ay nagta – taxi na lang. Basta sinisiguro niyang hindi kami magkakasabay.
Pero ang mga bulaklak at chocolates ni Evere ay patuloy sa pagdating araw – araw. And she doesn't have idea kung kanino talaga galing iyon.
"Talagang inggit na inggit na ako sa 'yo. Five straight days ang padala ng bulaklak at chocolates ng secret admirer mo, ha?" narinig kong sabi ni Sara ng dumating ako sa resto. "Baka magkasakit ka na ng diabetes niyan."
"Gusto ko na ngang itapon na lang ang mga ito. Kung gusto niyang manligaw, magpakilala na siya. Or baka natatakot dahil alam niyang basted na siya agad," si Evere naman ang sumagot noon at inamoy ang daisy flowers na hawak.
"Baka nahihiya lang. Hindi ba talaga si Mr. Guwapo na sumusundo sa 'yo? Sino ba talaga iyon? Masyado na akong nahihiwagaan sa mga boylet mo sa buhay," natatawang komento ni Sara.
Nakita kong napailing – iling si Evere at inilapag ang hawak na bulaklak. "Wala na akong panahon sa mga lalaki, Sara. Si Raffie lang ang importante sa akin at kung paano siya gagaling."
"Eh, 'di ba nga sabi ng doctor malaki ang chance na gumaling si Raffie kung meron siyang kapatid. Baka naman –" sadyang ibinitin ni Sara ang sasabihin niya at natatawang nakatingin kay Evere.
"Malabo ang iniisip mo. Tingin mo hindi ko sinubukan?" inis na binitawan ni Evere ang bulaklak. "Ayaw niya. Hindi ko alam kung nandidiri siya sa akin o ano. Desperado ako, Sara. Para iyon kay Raffie. Kung puwede lang ibang lalaki ang magbigay ng anak sa akin, ginawa ko na."
Napailing ako sa narinig na sinabi ni Evere. Alam kong ako ang tinutukoy niya.
"Ah ganoon? Bakit naman kaya? Halata naman na type ka pa rin ni Sir."
"Hindi niya ako gusto. Si Raffie na lang ang nag – uugnay sa amin. Bukod doon, wala na." napangiti ng mapakla si Evere. "Naaawa lang ako sa anak ko. Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng buong pamilya pero malabo pa niyang makuha."
"Malay mo naman. Huwag mong isipin 'yon."
Pareho silang tumahimik ng makita akong paparating. Nakita kong yumuko si Evere at nagkunwang abala sa pag – aayos ng apron nito at halatang pilit na itinatago ang bulaklak na nasa tabi.
"Good morning, Sir Rafa." Bati sa akin ni Sara.
"Flowers again? And chocolates? Baka magka – diabetes ka naman sa sobrang sweet na manliligaw mo," komento ko.
Bahagyang ngumiti lang sa akin si Evere.
"See you in my office now," sabi ko sa kanya at nagpatiuna na doon.
----------------------/////
Evere's POV
Hindi ko napansin na naroon pala si Paeng habang nag – uusap kami ni Sara. Alam kong narinig niya ang lahat ng pinag – usapan namin. Pero naisip ko, bakit ako matatakot? Wala naman kaming pinag – uusapang kakaiba ni Sara? Masyado lang chismoso at pakielamero ang lalaking ito.
Huminga na muna ako ng malalim bago kumatok.
"Come in," narinig kong sabi ni Paeng.
Dire – diretso ako sa loob at naabutan ko siyang may kausap sa telepono.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
RomantiekMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...