22 - WHO IS THAT GUY?

4.2K 231 11
                                    

Rafa's POV

"Ang guwapo naman 'nung sumundo kay Evere 'no?"

Palabas na ako noon sa opisina ko ng marinig ko ang usapan ng mga staff ko. Tama ba ng narinig ko? May sumundo kay Evere? Binagalan ko ang paglakad para marinig pa ang pinag – uusapan nila.

"Guwapo na, mayaman pa. Nakita mo ba ang mga bulaklak na ibinigay. Ang bongga – bongga. Sabagay maganda naman talaga si Evere kaya hindi imposibleng may magkagustong mayaman dun'," si Rosie ang narinig kong sumagot.

"Para bulaklak masyado na kayong na – impress. Saka sigurado ba kayong doon talaga sa lalaking sumundo sa kanya nanggaling ang bulaklak? Baka sa DOM kamo," si Angel na ang nag – komento noon.

"Gaga, wala namang ibang lalaking nagpupunta para kay Evere 'no? Sobrang suplada noon. Anak lang niya ang importante sa kanya. Kahit nga si Sir Rafa tablado sa kanya 'di ba? Tatay na ng anak niya iyon." sabi ni Paul.

Tumaas ang kilay ko sa narinig ko.

"Suwerte – suwerte naman ng babaeng iyon. Saan kaya sila magdi – date?" si Rose ang narinig kong nagsalita.

"Huwag 'nyo ng pakielaman si Evere. Magtrabaho na kayo diyan," sabat naman ni Sara at nakita kong nagulat pa ng makita akong lumabas sa opisina ko.

Gustong – gusto kong tanungin ang mga staff ko kung sino ang lalaking sumundo kay Evere.

"Sir Rafa, pauwi na kayo?" tanong ni Sara sa akin. Sinabayan niya ako hanggang sa pinto para ayusin ang ilang mga upuan na humarang doon.

Tumango lang ako at palabas na pero hindi ako mapakali sa narinig ko.

"Sara, just to make sure... may sumundo kay Evere?" hindi na ako nakatiis na hindi magtanong.

Tumango lang ito. "Tingin ko siya 'yung nagpapadala ng bulaklak kay Evere," sagot niya sa akin.

"She got another flowers?" paniniguro ko.

"Ngayong hapon may natanggap na naman siya. Flowers and chocolates," sabi pa niya at nakita kong napangiti si Sara. "It's about time. Evere deserves to be happy with someone else," sabi pa niya at napatingin sa akin.

Huminga lang ako ng malalim. Alam kong may ibig sabihin ang sinabing iyon ni Sara. Nagpaalam na lang ako.

Pasakay na ako sa sasakyan ko pero pakiramdam ko ay bao ang ulo ko. What is happening with me? Last night with Evere was just another night with any other woman but I can't seem to forget it. Her soft lips, her warm body, her scent. Shit. Sumasakit na ang ulo ko. Napipikon ako sa hindi ko alam na dahilan. Napipikon ako dahil sa nangyari sa amin ni Faye. Pero mas napipikon ako dahil may sumundong lalaki kay Evere.

Nakita kong nagbi – blink ang telepono ko at may tumatawag doon. Si Tiyong Daniel.

"Tiyong," sabi ko ng sagutin iyon.

"Paeng, nandito kami ngayon sa hospital. Dinala namin si Raffie dahil nawalan na naman siya ng malay kanina habang naglalaro," sabi ni Tiyong.

"Kamusta ho si Raffie?" fuck this day! Ano ba naman ito? Kailangan ba sunod – sunod ang problema ko?

"Wala pa ring malay. Pero okay naman na daw sabi ng doctor. Mino – monitor na lang siya."

"Nandiyan na ho ba si Evere?" paniniguro ko.

"Wala pa nga. Kanina pa rin tinatawagan ni Conching pero patay ang telepono," sagot ni Tiyong.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon