Evere's POV
Ang saya – saya ni Raffie habang walang tigil ito sa paglulunoy sa tubig. Maghapon yata itong naroon kasama si Nana Conching. Ako naman, wala akong planong mag – swimming dahil nga hindi naman ako magtatagal doon. Sabi nga ni Paeng, darating daw ang girlfriend niya bukas so kailangan kong mawala sa picture.
Inis kong ibinato ang hawak kong bathing suit sa kama. Nakakainis! Bakit kasi susunod pa ang babaeng iyon? Hindi ba siya makaramdam na lakad – pamilya ito?
Saglit akong natigilan sa naisip ko. Lakad – pamilya. Naisip ko ang sinabi ni Paeng. Kung ayaw ko daw bang mabuo ang pamilya namin. Gusto ko. Gustong – gusto ko. Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya. Pangarap ko iyon kahit noon pa. Ako, si Paeng at si Raffie. Mahal na mahal ko si Raffie. At katulad ni Paeng, handa akong ibigay ang lahat para sa kanya.
Pero alam kong malabo ng mangyari iyon. Kung halimbawa man na mabuo ang pamilya namin, alam kong dahil lang iyon kay Raffie.
Napahinga ako ng malalim at muli kong kinuha ang bathing suit ko. One piece black bathing suit iyon na regalo sa akin ni Sara noong nakaraang birthday ko. Dapat kasi ay magkakaroon kami ng outing sa Lafayette pero hindi ako nakasama dahil na-admit sa ospital si Raffie.
Isinuot ko iyon at tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. I felt proud ng makita ko ang sarili ko. I still got it. At napangiti ako ng may maisip akong isang kalokohan.
---------------------
Rafa's POV
"'Tay, doon na lang po ako mag – dinner sa room ni Lola Conching," narinig kong sabi ni Raffie sa akin. Malapit na akong mainis kay Evere. Kanina pa kami naghihintay dito sa may pool side para kumain ng dinner. Naiinip na ang anak niya.
"Paeng, doon na lang din ako sa kuwarto ko. Napagod ako sa biyahe natin kanina. Ipapahatid ko na lang ang pagkain doon," segunda naman ni Tiyong Daniel sa akin.
"Sige ho. Kain lang din ako saglit at akyat na din ako," tanging nasabi ko.
"Tingin ko ay hindi na bababa 'yang si Evere. Ang batang iyon, hindi iyon matitigil hangga't hindi nakakatapos mag – ayos ng mga gamit," sabad naman ni Aling Conching habang inaalalayan si Raffie sa pagtayo.
"Ipahatid ko na lang ang pagkain 'nyo sa kuwarto," sabi ko at tumawag ako ng isang waiter para ibilin ang mga gusto ng anak ko.
I ordered a bottle of Jim Beam sa bar. This is all I can do in this place. Drink. I watched people swimming and enjoying in the pool. Marami – rami ding mga guests ang resort because it's long weekend and may banda pa na tutugtog. I was on my second shot of my drink when I saw her walking towards me. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko ng makita ko siya. She is just wearing a black one piece bathing suit. No cover ups but she still looks decent. It showed her long and lean legs, her curvy waist and full breast. She didn't put any pony tail on her hair and it makes her more seductive. I saw men looking at her with lustful eyes and it makes me mad.
"Sorry. Tinapos ko pa kasi ang pag – aayos ng mga gamit ni Raffie. Saan sila?" sabi agad sa akin ni Evere ng makalapit sa mesa ko. I cleared my throat bago ako sumagot.
"You are wearing nothing," tanging nasabi ko. Muli akong tumingin sa paligid at kita ko ang ilang mga lalaking nanatiling nakatingin kay Evere. At gusto kong dukutin ang mga mata nila.
Nakita kong napakunot ang noo ni Evere. "I am wearing a bathing suit," sagot niya.
"With no cover ups? Men are looking at you like rabid dogs," sabi ko.
"I don't see anything wrong with what I am wearing. I think this is more appropriate than wearing t-shirt and shorts," sabi naman niya at umupo sa harap ko. Lalo lang nag – iba ang pakiramdam ko dahil mas malapit na siya sa akin. Her low neckline is showing more skin of her breast and I have this urge of ripping it apart so I can touch and taste those full breasts.
"Mas gusto ko pang naka t-shirt at shorts ka kesa 'yan ang suot mo."
Evere looked at me with disbelief. "I want to wear this," parang nagpapaliwanag na sabi niya.
"You want to wear it because you want attention. And you did it. You got my attention," mariin kong sagot.
Nakita kong napabuga ng hangin si Evere. "Pati ba naman ito pag – aawayan natin? Hindi na ba tayo puwedeng mag – usap na hindi tayo nag – aaway? Hindi nagtatalo kahit sa maliliit na bagay? Just for tonight. Puwede bang maging civil tayo sa isa't – isa?" pakiramdam ko ay ayaw ng makipagtalo pa ni Evere.
"And just to clear things. I didn't wear this just to get attention specially yours. I just wear what is appropriate for this place. Kaya hindi ko na problema kung makitid utak mo," dugtong pa niya.
"Kumain ka na," iyon na lang ang sabi ko para matigil na ang usapan namin.
Pareho kaming napatingin ni Evere sa waiter na lumapit sa amin. May dala itong isang margarita drink at ibinigay kay Evere.
"I didn't order that," sabi ko sa waiter at tinapunan ko ng nagtatanong na tingin si Evere.
Umiling din ito. "Wala akong order na margarita," baling niya sa waiter.
"Ay, mam. May nagpapabigay lang po sa inyo," sagot ng waiter at umalis na.
Kitang – kita ko ang pagtataka ni Evere at luminga sa paligid. Iniisip kung kanino galing ang inumin na iyon. Napailing ako. She is still the same naïve girl that I met seven years ago.
Sumenyas ako sa isang waiter na lumapit sa amin.
"Ibalik mo kung kanino galing 'yan. At sabihin mo sa nagbigay may asawa na ang pinagbigyan 'nya," sabi ko sa waiter. Mabilis naman itong sumunod.
Kitang – kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Evere. "Asawa?"
"Para tigilan ka na. That's the consequence of wearing that piece of trash," inis kong sagot at tinungga ko ang bote ng alak.
Maya – maya ay isang grupo ng lalaki ang lumapit sa lugar namin. Inilapag ng isang lalaki ang baso ng margarita sa harap ni Evere. Napatingin ako sa gumawa noon at tingin ko ay lasing na ito. Parang naghahanap ng gulo.
"Pare, halika na. Huwag mo ng guluhin ang mga guest," narinig kong awat ng kasama ng lalaki at parang hiyang – hiyang napatingin sa akin.
"Bakit mo isinoli ang bigay ko? Para sa iyo 'yan," sabi ng lalaking habang nakatingin kay Evere. I can see how he looked at her and it makes me fuming.
Tumayo ako at lumapit dito para maharangan si Evere. "Puwede ba umalis ka na? Huwag mo na kaming guluhin ng asawa ko," sabi ko sa lalaki.
Napangisi ito. "Asawa? I don't see a ring," sagot nito.
"Pare, huwag ka ng manggulo. Halika na," awat pa ng isang kasama nito.
"Niloloko ako nito, eh. Hindi naman niya asawa 'to, eh." Sabi pa ng lalaking lasing.
Mabuti na lang at napigil ko ang sarili na hindi suntukin ang lalaki. Maya – maya lang ay dumating na ang mga security at inalis doon ang lalaki.
"Fucking moron," tanging nasabi ko nang papaalis na ang grupo at bumaling ako kay Evere. "That's what happen when you show too much skin," at muli akong tumungga sa alak na nahawakan ko.
Nag – iinit talaga ang ulo ko dahil sa suot niya.
BINABASA MO ANG
FALL AGAIN (Complete)
Lãng mạnMinahal at iniwan siya ni Paeng. Alam ni Evere na kahit anong gawin niya ay hindi ito maaaring kalimutan ng basta-basta. Lalo na nga at narito si Raffie. Kahit na anong gawin niyang pag-iwas, si Paeng pa rin ang ama ng anak niya. Pero likas na mapag...