12 - NAME YOUR PRICE

4.2K 223 16
                                    

Rafa's POV

Maraming ipinapaliwanag ang doctor sa akin tungkol sa sakit ni Raffie pero kahit isa ay wala akong maintindihan doon. Ang utak ko ay naroon sa silid kung saan nakaratay ang anak ko. Iisa lang din naman kasi ang resulta ng sinabi ng doctor sa akin. Malubha na ang anak ko.

"Mr. Tolentino, we can schedule a test para malaman natin kung match kayo ng bata for bone marrow transplant. But there is no guarantee with that," sabi pa ng doctor sa akin. "Wala ba siyang kapatid?" tanong pa nito.

Umiling lang ako.

Nakita kong napabuntong – hininga ang doctor.

"Then let's pray that you and your daughter are a match," at iniwan na ako.

Napabuga ako ng hangin at iiling – iling na pumasok sa kuwarto ng anak ko. Naabutan kong nag – uusap si Tiyong Daniel at Aling Conching. Si Evere naman ay nakaupo sa tabi ni Raffie at panay ang haplos sa ulo nito.

"Raffie, please wake up. Nandito si Nanay," naririnig kong sabi niya. Hinalikan pa niya sa ulo ang bata.

Mabilis akong lumapit kay Evere at mahigpit na hinawakan siya sa braso at marahas siyang itinayo doon.

"Paeng!" gulat na sabi ni Tiyong Daniel sa ginawa ko.

Hindi ako kumibo at halos kaladkarin ko palabas si Evere sa kuwarto kahit na nga pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko. Hindi ko inintidi ang pagtawag nila sa akin. Kahit nagpupumiglas siya ay hindi ko siya binitawan hanggang makarating kami sa labas ng ospital.

"Bitawan mo ako!" sigaw ni Evere sa akin.

Patulak ko siyang binitawan.

"You have lots of explaining to do. Bakit nagkaganyan ang sitwasyon ng anak ko?" pigil na pigil ko ang galit na nararamdaman ko.

Napatawa si Evere sa narinig na sinabi ko na parang hindi makapaniwala. "Wow. Now you are the good father?" alam kong tinutuya niya ako.

"Tell me what happened to Raffie!" sigaw ko sa kanya.

"Wala kang karapatan sa kanya! Tigilan mo na kami! Live your god damn life! Leave us alone!" sagot niya sa akin at akmang aalis na doon pero mabilis ko siyang pinigilan.

"You think papayag pa akong mawala ang anak ko sa akin?"

Nakita ko ang takot sa mukha ni Evere sa narinig na sinabi ko.

"Wala kang karapatan. Kahit katiting wala kang karapatan sa anak ko. Ako ang nagpakahirap. Hindi mo alam ang pinagdaanan namin," sagot niya sa akin.

"Babayaran ko ang lahat ng taon na inalagaan mo si Raffie. Name your price," sabi ko sa kanya.

Malakas akong sinampal ni Evere tapos ay tuluyan siyang napaiyak.

"Pera lang lahat ang mahalaga sa iyo? Akala mo lahat makukuha ng pera mo. Pitong taon, Paeng. Pitong taon! Hindi kita ginulo. Pinabayaan kita sa buhay mo. Kaya pabayaan mo na kami. Nagawa mo na rin naman iyon noon," umiiyak niyang sabi. "For fifty thousand pesos ipinagpalit mo ako. Sana kung iyon lang pala ang halaga na kailangan mo, sinabi mo sa akin. Baka mas malaki pa ang naibigay ko sa iyo noon," sabi pa niya.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Hindi kita ipinagpalit sa kahit magkano. Ikaw ang nanggamit sa akin. Alam mong ikakasal ka na kay Jerome pero inakit mo ako. Ginamit mo ako para sa pagrerebelde sa tatay mo," ngayon ay mahinahon na ako.

Umiiling – iling lang si Evere habang patuloy siya sa pag – iyak. Masakit din sa akin ito. Si Margaret ang first love ko. Minahal ko siya mahigit pa sa buhay ko pero alam kong hindi ko na puwedeng ibalik ang mga nangyari. Marami ng nangyari.

"Please, leave us alone. I only have Raffie. Siya na lang ang natitira sa akin." Pakiusap ni Evere.

Napahinga ako ng malalim. "I don't think I can do that. I want my daughter. I'm sorry but I am going to take care of her from now on. Isasama ko din si Aling Conching para siya ang mag – alaga sa anak ko," at tinalikuran ko na siya.

"Paeng!" hindi ko pinakinggan ang pagtawag niya. Tuloy – tuloy lang ako sa paglakad.

"Rafael please!" umiiyak na sabi ni Evere.

Bahagya akong napahinto ng tawagin niya ang pangalan ko.

"I love you, Rafael."

Napangiti ako at hinalikan ko sa noo si Margaret. Mahina na ang ulan noon at puwede na kaming umuwi pero nanatili kami dito sa kubo matapos namin pagsaluhan ang isang napakagandang sandali.

"Giniginaw ka pa?" tanong ko habang nakayakap ako sa kanya.

Umiling siya at lalong nagsiksik sa akin.

"Sa tuwing maririnig mong sinasabi ko ang pangalan mong Rafael, ibig sabihin noon ay sinasabihan kita ng I love you. Para hindi nila mahalata na may namamgitan na sa atin," sabi ni Margaret.

"Gusto ko iyan," nakangiting sabi ko at hinaplos ko ang mukha niya. Napakaganda talaga ni Margaret. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na mahal niya ako at naangkin ko ang isang katulad niya. Bumangon siya at hinalikan ako sa labi.

"Rafael. Rafael," paulit – ulit niyang sabi habang pahalik – halik sa labi ko.

"Mahal din kita, Margaret. Mahal na mahal," at hinawakan ko siya sa batok at hinalikan.

Pero iyon ay parte na ng nakaraan na dapat ng kalimutan. Iba na ang ngayon. Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag ni Evere sa akin. Tuloy – tuloy na lang akong umalis at iniwan siya.

Pabalik na ako sa loob ng ospital ng maradaman kong may yumakap sa bewang ko. Gulat akong napatingin at nakita kong si Evere ang gumawa noon. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin sa akin ang mga tao. Nag – iiyak si Evere. Kulang na lang ay maglupasay.

"Please. Please. Huwag mong kunin ang anak ko," umiiyak na sabi niya.

"Shit," mahinang sambit ko hinawakan ko siya sa kamay at muling hinila palabas. Nakakahiya sa mga tao.

"What the fuck are you doing?" inis na sabi ko sa kanya.

"Paeng, kung anuman ang kasalanan ko, please humihingi ako ng tawad. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Lalayo ako kami ng anak ko. Huwag mo lang siyang ilayo sa akin. Si Raffie na lang ang natitira sa akin. Huwag naman pati iyon ay kunin mo," humahagulgol si Evere.

"I can't do that. I want my daughter. You cannot even give the treatment that she needs." Sagot ko.

Lumuhod siya sa harap ko. Kulang na lang ay halikan ang mga paa ko. I hate Evere but I don't want to see her like this.

"Get up. Don't do that. Nakakahiya sa mga tao," sabi ko sa kanya at pilit ko siyang pinatayo.

"Paeng, huwag naman pati ang anak ko. Maawa ka naman sa akin," umiiyak na sabi niya.

"I am so sorry. I am going to take my daughter. I can give her a better life. Kaya kong dugtungan ang buhay na kahit kailan hindi mo magagawa," huminga ako ng malalim at napailing. I never imagined that the high and mighty Margaret Potenciano would kneel down before me.

"Paeng, please." Hindi na halos makapagsalita si Evere sa sobrang pag – iyak.

"Ipapadala ko ang cheke mo." Tinalikuran ko na siya. And this time, I made sure na hindi na niya ako masusundan pa.

FALL AGAIN (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon